Chippendales member salutes Pinay singer Charice for coming out

Isa raw sa paboritong Filipino performer sa States ng Chippendales member na si Bryan Chetham (kaliwa) ay si Charice (kanan). Ikinagulat nga raw ni Bryan ang pag-amin ni Charice ngunit hindi raw ito makakaapekto sa paghanga niya rito bilang isang mahusay na singer.


Hanggang sa sikat na all-male strip dancers na Chippendales ay umingay ang pangalan ng mga Pinoy na nakilala sa US, gaya ng boxing champ na si Manny Pacquiao at ang singer na si Charice.

Binanggit ng isa sa miyembro ng Chippendales na si Bryan Chetham si Charice bilang isa sa mga kilala niyang Pinoy artists sa Amerika.

Narito sa bansa ngayon ang Chippendales para sa tatlong gabing pagtatanghal sa magkakaibang lugar sa Pinas.

Mamayang gabi, Tuesday (June 11), ay nasa Marco Plaza, Cebu City sila. Sa Huwebes at Biyernes (June 13 & 14) naman ay nasa Resorts World Performing Arts Theater sa Pasay City sila. At sa Sabado (June 15) ay sa Hotel Stotenberg sa Pampanga naman sila magtatanghal.

Sa presscon ng Chippendales na ginawa sa Marriot Hotel Resorts World Manila kahapon June 9, binanggit ni Bryan Chetham si Charice bilang paborito niyang Pinoy singer.

Naitanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga miyembro ng Chippendales kung meron ba silang kilalang Pinoy artists na naging visible sa entertainment scene sa U.S. o sa ibang larangan.

Maliban kay Bryan, ang iba pang members ng Chippendales na narito sa Pilipinas ay sina Dylan Rush, Matt Marshal, Kevin Kornell, Kris David, Michael Cross, Vanja Kapetanoviic, at Josh Dubios.

May nagbanggit ng pangalan ni Saranggani Congressman Manny Pacquiao, meron namang nagsabi ng pangalan ni Mark Muñoz na isa sa UFC fighters sa Amerika, at binanggit nga ni Bryan ang pangalan ng international singing sensation na si Charice.

Bilib na bilib daw si Bryan sa husay kumanta ng Pinay singer. Aniya, sa liit daw nito ay napaka-talented at napaka-powerful ng kanyang boses.

Ikinagulat nga lang ni Bryan ang balitang umamin na si Charice na isa siyang tomboy. Halos hindi siya makapaniwalang isang tomboy ang petite singer dahil nakilala niya itong babae.

Pero sandali lang naman ang pagkagulat ni Bryan. Nagpahatid pa nga siya ng mensahe sa harap ng press na iniimbitahan ni si Charice na manood sa kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang maaasahan daw sa pagtatanghal ng Chippendales ay “sexy, seductive but entertaining.”

Ang kanilang mga production number ay kumbinasyon ng singing at dancing. Hindi rin daw mawawala ang paghuhubad nila ng damit o costume na halos kaselanan na lang nila ang natatakpan.

Bagamat naghuhubad at nanunukso sila ng audience sa pamamagitan ng kanilang pag-indayog, ang kanilang palabas ay maituturing na world class. Kung kaya’t isa ang Chippendales sa main attraction sa Las Vegas kung show rin lang ang pag-uusapan.

HUGE IN THE U.S. Sa muling pakikipag-usap ng PEP kay Bryan matapos ang presscon proper, inalam namin kung paano niya nalaman ang tungkol kay Charice at ano pa ang ibang rason kung bakit siya napahanga ng Pinay singer.

“Well, being a vocalist, you know, I worked with the top names in the business,” simula ng black-American strip dancer.

“So, being a vocalist, I’m up-to-date with, you know, with the current pop culture.

“And she’s [Charice] huge in the United States.

"And plus the fact that she was discovered in the YouTube and she has the voice of freakin’ Whitney Houston and Celine Dion…

“And when you see talent like that, you know, I’m drawn to that.

“So, that’s how I know who she is.”

Did he get the chance to meet Charice in the States?

Sagot ni Bryan, “I did not get to meet her. I would love to meet her. I love to sing for her. I would love to sing for Charice… yeah!”

What was his reaction when he first heard about Charice’s coming out?

Napangiti muna si Bryan at sinabing, “I was shocked… was it just last week?

“Well, you know, this is 2013. So, I mean, we meet all kinds of people and this age, it doesn’t really matter, you know, as long…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m glad that she’s comfortable enough with herself and established herself as an artist…”

Is he really serious about inviting Charice to watch their show?

“One hundred percent!” bulalas ni Bryan.

“We have celebrities come to the show all the time and they enjoyed it, they loved it, they loved it a lot.

“And we actually love Charice to come out and see the show.

“Personally, I’m inviting her out.

“We actually have a star right now in Las Vegas show, she’s in 90210. She’s actually one of our hosts in Las Vegas right now.

“But, you know, we love to see Charice to come out in Las Vegas and see us in Las Vegas show and maybe get the chance to sing and dance out there.”

Kung mayroon siyang kanta para kay Charice, ano ito?

Bilang tugon, bumanat si Bryan ng ilang linya mula sa kanta ni Bruno Mars—na isa ring half-Filipino—na “Just The Way Tou Are."

“’Cause you’re amazing, just the way you are… ’cause when I see your face...”

Nang tanungin naman kung ano ang mensahe niya para kay Charice, sinabi ni Bryan na ang kantang inawit niya ang kanyang mensahe.

Dagdag pa niya, “And to anybody else, you know, that’s just going through that, you know, it’s so great that an artist feels comfortable in coming out and saying, it’s okay to be who you are.

“And I think we need more people like Charice.

“To say, ‘You know what, I want you to love me for my craft and what I do and not for, you know, my personal life.’

“So, I say, Charice, you are amazing just the way you are.”

Sa palagay ba ni Bryan ay makakaapekto sa career ni Charice sa abroad ang kanyang pag-come out?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, just like I said, I don’t think her coming out would affect her career because it’s 2013 and I think it’s becoming more acceptable.

“Ten years ago, I don’t think it would have been okay.

“And I would assume that record producers and the management team would have said not to.

“But you know, I think it’s great that people have to come out and we actually have an open Chippendale in Las Vegas.

“So, you know, it’s 2013 and it’s about having fun, live your life and live your dreams.”

Dagdag pa niya, “Actually, you know, Charice has become popular and gained worldwide success because of her talent. Not because of what she does with her personal life.

“And it would be a shame for anybody to not wanna listen to her or not give her the credit that she deserves because of that.

“She’s great.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN