Dingdong Dantes on being tied to a network: “Label lang din naman kung saan ka. At the end of the day, ang gusto ko talaga, to make movies, TV shows, do good projects.”

Na-question si Dingdong Dantes kung bakit sinabayan ng Dance of the Steel Bars ang Independence Day celebration. Tugon niya: “Nagkataon lang na they wanted a date na may meaning… may meaning din sa pelikula at sa ating lahat because it’s Independence Day.”


Ginanap noong June 10, Lunes, ang premiere ng Dance of the Steel Bars sa Cinema 8 ng SM Megamall.

Pero bago ang premiere night, lumipad muli papuntang Cebu si Dingdong Dantes noong Biyernes, June 7, kasama ang ilang staff ngpelikula.

Ipinakita sa inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) ang pelikulang kinunan doon three years ago.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong kung kumusta ang naging experience niya sa kanyang pagbabalik sa CPDRC.

Tugon ng aktor, “Okay, kasi tuwang-tuwa ang mga inmates. Happy sila.

“And they were laughing kapag nakakatawa. Kapag nakaka-touch, siyempre medyo apektado rin sila.

“Kasi, sila yung parang nakikita nila ang sarili nila, di ba?

"Parang they were very happy to see their stories and themselves, particularly.”



DELAYED FILMING. Gaya ng nauna nang nabanggit, halos tatlong taon din bago nakabalik si Dingdong sa CPDRC.

“Yes, noon lang, nandoon pa rin sila. May mga nadagdagan, may mga nabawasan.”

Nainip o hinintay ba ng mga inmates na ipalabas ang pelikula nila?

“Well, siguro, ganoon na nga. Kasi, bihira lang din silang papanoorin ng ganoon doon.

“Meron lang sila, maliit na TV, kapag may oras na makapanood.

"Pero ngayon, nag-set-up ang GMA ng wide screen for them—very touching.

“Kasi, makikita mo sila, they don’t get that very often or maybe, nakikita nilang nandoon sila… mga sarili nila.

“So, they were reacting accordingly na tuwang-tuwa talaga sila.”



SIMULTANEOUS SHOWING. Ngayong araw, June 12, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang showing ng Dance of the Steel Bars sa mga sinehan, eklusibo sa mga SM Cinema.

Pero kasabay rin nito, ang showing ng isa sa kilalang Hollywood movie, ang Man of Steel.

Biniro si Dingdong na siya naman daw talaga ang Superman ng Pilipinas.

Natawa si Dingdong saka sinabing, “Ako, proud ako sa first indie movie ko.

"And, I’m also a fan of Superman, I’ll watch it, Thursday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



END OF CONTRACT. Sa press conference pa rin, may nagbiro kay Dingdong na siya na lang daw ang “Hari."

Ano raw ang pakiramdam nito?

“Saan ba? Hindi ko po ma-get,” sabi naman ni Dingdong.

Nilinaw naman ng ilang entertainment press na siya na ang "Hari" sa GMA-7.

“Well, ako, I’m fortunate na may mga opportunities na ibinibigay sa akin.

“I’ll be with GMA ’til December and it’s a very long time. Mag-uumpisa pa lang po ang show na gagawin namin.”

Pero bakit hanggang December na lang?

“Hindi, hanggang doon kasi matatapos ang soap. My last soap was February yata.

“Yung bagong soap, which is still part of my old contract, sa September po yata mag-uumpisa.”

Magkasabay sila halos ni Marian Rivera na mag-e-expire ang kontrata.

Diretsahan namang tinanong si Dingdong kung saan daw ito mas masaya: kapag nasa GMA-7 o kapag nakakagawa ng project sa ibang network?

Sabi naman niya, “You know what? Label lang din naman kung saan ka.

“At the end of the day, ang gusto ko talaga, to make movies, TV shows, do good projects.”



GOOD LUCK GIFT. Pagdating ni Dingdong sa premiere night, dumiretso siya agad sa dinner at dito nakausap ang ilang entertainment press.

Nalaman namin na ang bouquet ng roses na iniabot kay Dingdong ay galing sa girlfriend na si Marian Rivera na nasa eroplano pa at pauwi ng Pilipinas.

May kasama rin na card ang bulaklak sa sobre at may nakasaad na, “Dad, I love you. MGD.”

Kinumpirma naman ni Dingdong na pauwi na nga raw si Marian at susunduin niya ito sa airport.

“After nito, takbo na ako sa airport,” nakangiti niyang sabi.

Na-miss niya si Marian?

“Oo,” mabilis niyang sagot. “Dalawang linggo ba naman!”

Sabi naman namin, na-miss din naman daw siya ni Marian.

May standee naman na ibinigay ang GMA Pinoy TV kay Marian dahil nami-miss siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah talaga?” natuwang sabi naman ni Dingdong.

Samantala, kapag nagsasagutan sila ni Marian sa kani-kanilang Instagram account—@therealmarian para kay Marian at @dongdantes para kay Dingdong—kinikilig ang mga fans.

“Natutuwa kasi ako sa kanya, nag-e-enjoy siya sa Instagram, sobra!” nakangiting sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN