Luis Manzano eyes "best game show host" award this year: “Lord, favor na lang ‘to... Nakaisa na ‘ko for every genre..."

“Tanggap ko naman na hindi ako kaguwapuhan na pang-leading man. Alam ko naman iyon. Definitely hindi ako yung pang-leading man na… Piolo [Pascual] Lloydie [John Lloyd Cruz], Gerald [Anderson], Coco [Martin]… Hindi ako ganun. Ako lang yung makulit who tries to make the job done. And siguro mas lumalabas iyon when I host,” says Luis Manzano.


Laging magiliw at mapagbiro sa kanyang interviews ang Minute To Win It host na si Luis Manzano.

Kaya nga naging masaya ang pakikipag-usap nito sa PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na bumisita sa ABS-CBN studio ng nabanggit niyang TV game show noong June 10.

Sa interview sa 32-year-old TV host and actor, tinanong ito kung bakit tila yata mas sikat at kilala siya bilang TV host kaysa pagiging aktor.

Plinano ba niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz na mas mag-concentrate sa hosting kaysa acting?

“Hindi. Siguro lang, tanggap ko naman na hindi ako kaguwapuhan na pang-leading man.

“Alam ko naman iyon. Definitely hindi ako yung pang-leading man na… Piolo [Pascual] Lloydie [John Lloyd Cruz], Gerald [Anderson], Coco [Martin]… Hindi ako ganun.

“Ako lang yung makulit who tries to make the job done. And siguro mas lumalabas iyon when I host.

“I’m not saying na I’m a good host. But I’m trying my best to get the job done,” paliwanag ni Luis.

Madalas na ikumpara siya sa kanyang ama na si Edu Manzano na kilala ring mahusay na host bukod sa pagiging mahusay na aktor.

Nung umpisa ba ni Luis bilang host ay binigyan siya ng pointers ng kanyang ama?

“I honestly think by experience na lang talaga. By knowing that you learn… ah, hit and miss,” tukoy muna ni Luis kung paano niya na-develop ang kanyang hosting skills.

“I can say na—this is not pagmamayabang— but siguro na nagkataon lang na... that my dad never gave me advice sa hosting. Never. He let me grow on my own.

“Mas nagbibigay pa nga ng advice ang mommy ko,” banggit ni Luis sa kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

BE CAREFUL… FAN. Ang pinaka-recent na acting job ni Luis ay ang guest stint niya sa Be Careful With My Heart bilang Captain James Luis Ventura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung hindi nga lang daw maaapektuhan ang Minute To Win It at Kapamilya Deal or No Deal, mas magtatagal pa sana siya sa nabanggit na daytime TV drama.

“I had to take a step back, kasi kumbaga, one would suffer. Whether it be Minute To Win It or Be Careful… Darating ako sa Be Careful, ngarag naman ako. Hindi ako magbibigay ng tama ko na hinihingi sa akin nina Direk [Jeffrey Jeturian and Mervyn Brondial]. So, I had to step back.”

Naaalala pa ni Luis na nung in-offer sa kanya ang role bilang “third wheel” sa tambalang Maya [Jodi Sta. Maria] at Sir Chief [Richard Yap], tinanggap niya agad noon dahil maluwag pa ang schedule niya bilang host sa Minute To Win It.

Isa pa’y gusto rin niya ang balak noon ng writers ng show na i-explore pa ang puwedeng mangyari sa pagitan ng characters nila ni Jodi.

Pero dahil nga sa mas busy na ang schedule niya ngayon, kinailangan na niyang tumanggi pa sa mga plano ng writers na palakihin pa ang role niya. Kinailangan na niyang magpaalam.

“But still, I’m a fan of the show,” pahayag ni Luis.

“Honestly, sobra akong kinikilig. Nakakaloko yung show nila.

“Kasi sa edad kong ‘to, kinikilig ako sa dalawa.

“And bihira kang makakita ng isang show na ganun na walang kissing scene, nothing heavy. Walang agawan ng asawa, walang patayan, ang light-light. Pero ‘pag pinanood mo, tututok ka talaga.

“Ako, I’m a big, big fan of Be Careful With My Heart.”

LUIS AS AN ARTIST. Tinanong ng PEP kung kailan naman kaya siya muling gagawa ng pelikula?

Huling ginawa ni Luis ang This Guy’s In Love With U Mare nung nakaraang taon.

Pero bago iyon at iba pang naunang comedy films ay kinilala nang husto ang galing niya sa pelikulang In My Life kunsaan nagawaran pa siya ng parangal ng iba’t ibang award-giving bodies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana… May offer ngayon na dalawang pene film na sana magawa ko. Pero maganda yung tema… family naman, e,” birong sagot muna ni Luis na ikinatawa ng lahat.

“No. Hopefully, after being blessed na… naka-best supporting actor tayo sa In My Life, of course you have that longing as an artist, na I’ve been very, very fortunate sa hosting. Nakailang awards na rin ako, kahit paano.

“Kumbaga, sana nga, this year, hopefully…” Napatingin pa muna si Luis sa itaas na animo nagdadasal, “Lord, favor na lang ‘to.

“Makumpleto ko na lang ang best game show host.

“Nakaisa na ‘ko for every genre—from showbiz-oriented, to best male, to talent search, to reality, nakatsamba rin ako.

“Yun na lang. Kaya, sana, sana sa mga darating na buwan for 2013 makatsamba ako either for Deal or for Minute.

“Pero as an artist na umaarte na rin ako, na you’re longing for the next challenge, sa akin, after best supporting, hopefully, something comes along my way na puwede sa aking mag[bigay] ng best actor [award].”

JENNYLYN’S FHM SHOOT. Tinanong din ng PEP si Luis kung pupunta ba siya sa 2013 FHM 100 Sexiest Women in the World party kung sakaling rarampa ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

“Actually, di ko alam kung baka mahiya pa siya sa akin. In fact, when she did that shoot for FHM, nandun ako.

“Nandun ako dahil it happened in Anilao, Batangas, nag-dive trip ako. So, in between my dive trips, dumadaan pa ‘ko sa shoot nila.

“If she’ll make me watch, maybe. Pero I’m sure even if I watch or not, I’ll be a very, very proud man,” ani Luis.

Wala rin daw katotohanan ang usap-usapan na hindi nagpaalam sa kanya si Jennylyn para sa shoot na iyon.

“No. Well, one is hindi niya kailangang magpaalam. Second, wala naman sa ‘kin yun. She’s a very smart lady. Alam ko naman hindi niya ilalagay ang sarili niya sa alanganin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na, if she thinks something is off she’s not gonna do it. Para sa akin, I completely trust her.

“Never did I disagree or stop her for doing FHM, not even for a second.

“In fact, nung sinend pa niya sa akin yung ibang mga photos, gusto ko pang unahan ang FHM. I wanted to post it online.

“I will never stop someone from, especially when I trust their judgement, and their intellect, their heart… never.”

Hindi ba siya nakadama ng awkwardness nung nanonood siya ng shoot ni Jennylyn?

“Na-awkward ako, kasi meron siyang dalawang sinuot na gusto ko sanang ma-try na suotin.”

Nagtawanan ang mga kausap ni Luis sa biro na naman niyang ito.

“Ganda, e. May hubog din naman ako kahit papa’no. Basta tama lang ang pagkakatali.”

(View: So what does Luis Manzano have to say about girlfriend Jennylyn Mercado’s third FHM cover?)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN