Sam Milby denies being cause of delay in airing of Huwag Ka Lang Mawawala

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap si Sam Milby ng isang karakter na nananakit siya ng babae. At nagkataon pang si Judy Ann Santos ang kaeksena niya sa mga ito. Sabi ni Sam, "Parang nahihiya ako sa kanya [Juday] kasi minsan pag nadala ako sa eksena, ang hirap para sa akin na ingatan yung paghawak ko na parang malambot lang pero mukhang madiin. Hindi, e, malakas [mahigpit] talaga yung hawak ko. And she lets me [do it]. So, pagkatapos ng eksena


Malaki ang pasasalamat ni Sam Milby dahil isa siya sa mga personal choice ni Judy Ann Santos para makasama nito sa pagbababalik-teleserye ng aktres sa pamamagitan ng Huwag Ka Lang Mawawala, na mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Hunyo 17.

Sabi ni Sam, “I want to thank Juday not only yung personal choice niya kami ni KC [Concepcion], but also yung high praises niya sa akin.

"I’m really honored to hear yung mga puri niya sa akin. So, I just wanna thank Juday.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sam sa presscon na inihanda ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television para sa kanilang dalawa ni KC kagabi, Hunyo 11, sa 14thfloor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.



DARK CHARACTER. Gagampanan ni Sam sa serye ang karakter ni Eros Diomedes, isang anak-mayaman na lumaking mainitin ang ulo at may sama ng loob sa kanyang dominanteng pamilya. Dahil sa isang utos ng kanyang ama, makikilala at iibig si Eros sa mag-aasin na si Anessa, na gagampanan naman ni Juday.

First time daw gumanap ni Sam ng isang “dark character” na kung ilarawan niya nga ay “lalaking may topak.”

“Ito po ang pinaka-challenging role na ginawa ko. Siyempre yung mga ginawa kong roles dati, yung mga totoong leading men, yung pang-kilig, romantic, di ba?

"Dito makikita naman sa trailer na hindi yun ang role ko rito, pero hindi siya yung kontrabida role din, e.

"He’s a bida-kontrabida na malalaman n’yo sa first week pa lang kung bakit ganun siya.

“Eto yung first time na pinaka-intense na role na ginawa ko, medyo violent yung character ko.

"First time na hindi ako yung tipong good guy, grey character siya. I mean, makikita naman na may topak siya.

"Pero yun nga, may dahilan kung bakit kaya imbes na magalit yung mga tao sa character ko, sana din maawa din sila at sa first week maging kilig din sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang lalaking may topak, darating daw sa puntong bubugbugin niya si Juday dito. Gaano kahirap ito para sa kanya?

Sabi ni Sam, “Ito rin yung first time na may role na may ginagawa akong bugbog sa babae. First time ko sa mga eksenang ganun.

"So, parang nahihiya ako sa kanya [Juday] kasi minsan pag nadala ako sa eksena, ang hirap para sa akin na ingatan yung paghawak ko na parang malambot lang pero mukhang madiin.

"Hindi, e, malakas [mahigpit] talaga yung hawak ko. And she lets me [do it].

"So, pagkatapos ng eksena, parang nakukonsensiya na ako. ‘Okay ba kayo? Sorry ha.’ Nahihiya ako sa kanya.

"But, you know, sobrang bait niya sa akin and she allows me to grow.

"You know, she’s Juday, she has perfected the craft—yung acting—so you know what I mean.

"So, working with her, it’s been inspiring, it’s been a learning process para sa akin and a huge privilege.”

SUPPORTIVE JUDAY. Nakakaramdam ba siya ng kaba o takot sa tuwing makakaeksena si Juday, na kilala nga bilang Reyna ng Pinoy Soap Opera?

Sagot ni Sam, “Hindi naman fears, pero siyempre pag kasama mo ang isang Queen of Pinoy Soap Opera, lalo na sa mga first taping days, kinakabahan.

"Siyempre to be part of this project, kakaibang role din para sa akin.

"Sana mai-prove ko yung sarili ko na kaya kong gawin yung ganitong role.

"And siyempre sa sobrang galing niya sa acting, na hindi ma-overshadow din, e.

"Kasi, di ba, when you’re with someone na ganun kagaling, sometimes ma-overshadow ka rin sa acting niya.

"So, yun siguro ang takot ko.

"But so far, yung mga feedback na naririnig ko, maganda naman, galing kay Juday, galing sa production, galing sa mga nanood ng pilot week [sa special screening sa Resorts World]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ka-supportive si Juday sa kanya?

Sabi ni Sam, “Sobra, sobrang supportive talaga. I mean, I have times na parang kaeksena ko si Juday and minsan may mga times na nahirapan ako sometimes from the lines.

"Sobrang thankful ako, she’s always been sobrang bait sa akin, she’s so patient sa akin.”

NOT THE CAUSE OF DELAY. Natanong din sa presscon si Sam tungkol sa lumabas na isyu na diumano’y naging cause of delay siya sa taping ng Huwag Ka Lang Mawawala dahil sa umano’y naging problema na nahihirapan daw siyang makaarte o maka-deliver sa eksena. Inabot na kasi ng halos isang taon bago ito maipalabas sa telebisyon.

Paglilinaw ni Sam, “Ako, wala po akong narinig na masama from Juday, from the production. Even sa mga director, namin wala akong narinig na bad feedback at all.

"Ako, I’m open to criticisms naman, e. Kung may masasamang criticisms sa akin, I’m open to that lalo na kung makakatulong sa akin.

"Pero may mga criticism talaga na they’re just out there to put you down. Yun ang mga criticism na hindi ko papansinin.”

Present sa presscon ang dalawa sa mga direktor ng Huwag Ka Lang Mawawala na sina Jerry Lopez Sineneng at Tots Sanchez-Mariscal. Sila na mismo ang nagtanggol kay Sam laban sa intrigang ito.

Ayon kay Direk Jerry, “Wala pong problema sa acting ni Sam at ni KC.

"Swear, hindi po kami natagalan, hindi kami nahihirapan. Siguro kung mag-take two man kami, ibang dahilan, techinical o ano.

"At saka totoo po yun, walang etchos, hindi naman po namin papabayaan na hindi maganda yung performance niya.

"Pero yung totoo lang, hindi po kami na-delay because of his acting or anything.

"Wala po, napaka-professional po ng dalawang batang iyan, napakagagaling. Totoo po iyon.”

Pagsegunda pa ni Direk Tots, “Ako, I agree with Direk Jerry. I heard the tsismis, ang dami nang naitanong, pero unfair talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panoorin na lang, watch the soap opera to prove how both of them are. Yun lang.”

Tinugunan naman ito ng pasasalamat ni Sam sa dalawang direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN