Milkcah Nacion happy for fellow Kapuso child star Ryzza Mae Dizon’s popularity

Inamin ni Milkcah Nacion na nanonood siya ng mga soaps kaya may bansag sa kanya ang mga kasamahan. Kuwento niya: “Mahilig po akong manood ng soap opera tsaka po teleserye, kaya po tinatawag po nila akong “Drama Queen.”


Nagkakasama na sina Milkcah Nacion at Jillian Ward sa Daldalita at Home Sweet Home.

Guest lamang o suporta si Milkcah kay Jillian sa mga naunang mga programa, pero sa bagong weekly adventure series ng GMA-7 na One Day Isang Araw ay pareho na silang bida.

Sabi ni Milkcah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya po ako kasi po nakasama ko po ulit siya.

“Tsaka po, kasi po, may bago po akong nakilalang best friend ko, bago po, si Uno po.”

Ang tinutukoy ni Milkcah ay si Joshua Uy na gumaganap bilang si Uno sa One Day Isang Araw.

Pang-apat naman sa listahan ng mga bidang bata sa One Day Isang Araw si Marc Justin Alvarez na gaganap na Sunny sa show.

Si Jillian naman ay gaganap bilang si Daisy.

Vocal si Joshua sa pagsasabing crush niya si Jillian, at ayos lang daw ito kay Milkcah kahit hindi siya ang crush ni Joshua.

Sabi ni Milkcah, “Niloloko ko po, sabi ko, ‘Wala na… may ibang crush si Jillian, si Zac Efron, yung Amerikano!’

Mas may bonding daw sila ni Jillian ngayon kaysa noon.

“Minsan po, naglalaro po kami ng iPad. Mahilig po kasi kami gumawa sa Minecraft po ng mga ano...

“Tapos po, tumitingin po ako ng mga fashions niya po na laro.

“Tapos, tumitingin rin po siya sa akin kasi po, may mga dress-up po kaming laro.”

Masaya raw sila palagi sa taping ng One Day Isang Araw dahil iba-ibang karakter ang mae-encounter nila, tulad ng mga duwende at fairies.

“Ang role ko po dito, mahiyain, mabait, masipag pero po iyakin po," sabi ni Milkcah.

Matagal bago nasundan ang programang pinagbidahan ni Milkcah na My Daddy Dearest.

Pero aniya, “Okay lang po, may mga naging guestings naman po ako bago po itong One Day Isang Araw, e.”



ON RYZZA MAE DIZON. Nabanggit namin kay Milkcah ang tungkol sa child star din ng Kapuso network na si Ryzza Mae Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kanya, hindi pa raw sila pormal na nagkakakilala.

Kuwento Milkcah, “Nakita ko na po siya pero hindi po kami nagkausap, noong Little Miss Philippines pa lang po siya.

“Ano po, nag-guest po ako sa Eat Bulaga, sumayaw po kami.”

Masaya raw si Milkcah sa kasikatan na tinatamasa ni Ryzza Mae ngayon.

“Masaya po ako para sa kanya dahil po nakuha niya po yung pangarap niya.”

Seven years old pa lamang si Milcah kaya matanda ng isang taon sa kanya sina Ryzza Mae at Jillian, na pareho nang eight years old.



FAVORITE ACTRESSES. Nanonood din daw si Milkcah ng mga soap at ang paborito niyang drama series ay ang Mundo Mo’y Akin.

Sabi niya, “Tapos, mahilig po akong manood ng soap opera tsaka po teleserye, kaya po tinatawag po nila akong ’Drama Queen.’

“Pero sa totoo po, mahilig po talaga akong manood ng soap opera.

“Kasi po nag-young Marilyn po ako doon,” tukoy niya sa karakter ni Louise delos Reyes.

Paborito rin daw niya si Claudine Barretto na nakasama niya dati sa Iglot.

“Kasi po, ang dami-dami niyang ibinigay sa akin… Barbie, tapos mga shoes, mga damit."

SCHOOLING. Pinagsasabay ni Milkcah ang pag-aartista at ang pag-aaral.

Naka-enrol siya ngayon sa isang regular na eskuwelahan at hindi sa isang home-study program.

“Grade three na po ako, sa Coronado School of Quezon City po, malapit lang sa bahay namin.”

Mas gusto raw talaga ni Milkcah na maging isang regular student.

“Opo. Kasi po, gusto ko po makita yung mga kaklase ko. Kasi po may mga best friends po ako doon, e.”

Tila nahihiya namang sumagot si Milcah nang tanungin kung sikat siya sa school nila bilang artista.

“Hmmm… opo.”

Anu-ano na ang mga nabili na ni Milkcah mula sa kanyang kinita sa showbiz?

Sagot niya, “Gamit po sa bahay namin, tapos yung gamit po ng kapatid ko na baby na one month po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN