Sarah Geronimo overwhelmed by record set by It Takes A Man And A Woman as the highest-grossing Filipino film of all-time

Proud si Sarah Geronimo na mapabilang bilang isa sa mga judge/mentor sa The Voice of the Philippines. Aniya, “Masarap sa pakiramdam na makakatulong ka na matupad naman ang pangarap ng ibang tao.”


Ang It Takes A Man And A Woman na ang may hawak ng record bilang “highest-grossing Filipino film of all-time.

Ayon sa Box Office Mojo, isang third-party tabulator, kumita na raw ang John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo starrer ng P401 million.

Nadaig na raw nito ang kinita ng pelikulang Sisterakas na mayroon namang P394.1 million.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah tungkol dito, hindi siya makapaniwala na ganun kainit tinanggap at sinuportahan ng publiko ang third and last installment ng pelikula nila ni John Lloyd.

“Surprised ako, kasi akala ko hindi na aabot… kasi yun ang sabi sa amin na hindi na aabot.

“Sobrang grabe ito… thank you Lord, at thank you sa lahat ng humabol pang manood,” sunud-sunod na sabi ng Pop Princess.

Dahil ang pelikula nila na ngayon ang highest-grossing Filipino film of all-time, napakalaki ng posibilidad na sina John Lloyd at Sarah din ang tanghaling “Phenomenal Box-Office Stars” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. sa susunod na taon.

Sina Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas ang may hawak ngayon ng karangalan para sa pelikulang nilang Sisterakas.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Kung mangyari man po, maraming salamat, maraming-maraming salamat.”

Sa tagumpay ng It takes A Man And A Woman, aminado si Sarah na takot siyang sundan ito dahil alam niyang mataas na expectations ng tao.

“Mahirap pa kasing sundan ang It takes A Man And A Woman, natatakot ako.”



JUDGE/MENTOR. Samantala, nakatuon muna raw ang pansin ngayon ni Sarah sa pagiging isa sa mga mentor/judge ng upcoming singing search ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines.

Makakasama niya bilang mentor/judge sina Lea Salonga, Bamboo, at apl. de.ap.

Sabi niya, “Hinay-hinay na muna tayo sa acting, dito muna tayo sa pagiging mentor.

“Very challenging, mahirap, pero alam kong marami akong matutuhan dito, maggu-grow ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap sa pakiramdam na makakatulong ka na matupad naman ang pangarap ng ibang tao.

“Buong-puso kasi yung sincerity natin na makatulong.”

Kinumusta rin namin ang napabalitang weekly drama show na pagbibidahan ni Sarah sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Shelved na siya, kasi may The Voice of the Philippines tayo, kasi gusto ko mag-concentrate sa The Voice bilang mabigat ito na trabaho."

Dagdag ni Sarah, “Currently, ginagawa ko yung bago kong album. Sana ma-release na soon, bago mag-start ang aking anniversary concert for the yearend."



CHARICE’S CRUSH. Sa pag-out at pag-amin ni Charice na siya ay tomboy, inamin din nito na si Sarah ang isa mga naging unang crush niya sa showbiz.

Bagay na sobra namang ikinakataba ng puso ng Pop Princess.

Sabi ni Sarah, “Ang sabi niya, parang nababaitan daw siya sa akin… ayun.

“Nakaka-flatter… yung ma-appreciate ka ng ibang tao lalo na noong isang Charice Pempengco.

“Masarap sa pakiramdam yun at sinasabi ko nga na mutual yung admiration namin—mutual yung pag-admire ko sa talento niya.

“Hinahangaan ko rin yung tapang niya… yung ginawa niya."

Hindi ba siya maiilang kay Charice ngayong inamin nito ang paghanga sa kanya?

Sagot niya, “Hindi, hindi… walang ganoon… walang ilangan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN