Actor Marco Morales and the "Marco Saca" who was charged with estafa, physical injury, and theft: dead ringers or one and the same?

Isang "Marco Saca" ang inireklamo ng Victoria Court dahil sa umano’y hindi nito pagbabayad ng bill at pagnanakaw ng TV sa loob ng kanyang motel room.

Naiwan ni Saca ang kanyang driver’s license, at ang litratong nakalagay dito ay dead ringer ng aktor na si Marco Morales. Wala pang comment ang huli tungkol dito.


"Dead ringer" ng former singer at indie actor na si Marco Morales si "Marco Gonzaga Saca," ang lalaki na wanted ngayon ng Pasay City Police dahil sa pagtakas umano sa kanyang motel bill na nagkakahalaga ng P10,210 sa Victoria Court, Pasay City.

Nangyari ang insidente noong Lunes, June 10, bandang 2:30 p.m.

Bukod sa hindi raw pagbabayad ng bill, tinangay umano ng naturang "Marco Saca" ang flat TV sa loob ng kuwarto na tinuluyan at muntik nang masagasaan ng kotse niya (Volvo car, UPZ 452 ) ang motel employee na si Josemari Rancapan na nagtangka na pigilin ang kanyang pagtakas.

Nakunan ng CCTV ang buong pangyayari at sa imbestigasyon ng mga pulis, siya rin daw ang tumangay ng TV na nawala sa kuwarto na inupahan niya sa Victoria Court, Malate Manila.

Nakilala ang suspect dahil naiwan nito ang driver’s license sa kuwarto kaya nalaman na residente siya ng Malibu Hills, California, USA.

Mga kaso ng estafa, physical injury, at theft ang mga kaso na isasampa ng Pasay Police laban kay "Marco Saca."

Ipinakita kagabi, June 12, sa Bandila ang kopya ng driver’s license ni "Marco Saca" at marami ang nagulat dahil kamukhang-kamukha niya ang aktor na si Marco Morales.

Nakalagay sa US driver’s license ng suspect na isinilang siya noong August 1982 at sa research ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), 1982 din ang birth year ni Morales.

Samantala, sa Facebook account ng aktor, marami sa mga kaibigan ng aktor ang nag-aalala sa kanya.

Isang concerned friend ni Marco ang nagsabi na nakatanggap siya ng "Please save me" message mula sa aktor na hindi naman nila matawagan o makontak.

May mga nag-assume na si Marco at "Marco Saca" ay iisa. At hindi raw sila makapaniwala na magagawa niya ang mga kasalanang ibinibintang sa kanya dahil mabait ito.

Isang friend naman ng aktor ang nagkumpirma sa Facebook na iisang tao si Marco at ang "Marco Saca" na hinahanap ng Pasay City Police.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor nang tatlong beses para usisain siya tungkol pagkakahawig nila ni "Marco Saca." Subalit hindi nito sinagot ang aming mga tawag.

Bukas ang website na ito sa anumang magiging pahayag niya o ni "Marco Saca."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN