Andrea Torres denies undergoing breast enhancement

Ayon sa lead star ng GMA-7 teleserye na With A Smile, hindi siya nao-offend kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang dibdib.


Wala raw nakikitang masama si Andrea Torres kung gustong sumailalim sa cosmetic surgery o enhancement ng isang tao para gumanda.

Pero kung siya ang tatanungin, ayaw niyang sumailalim dito dahil takot siya.

Sabi ng Kapuso actress, “Oo naman, may mga nagpapagawa na nakikita ko na, ‘A, ganda, ha! Gumanda nga siya.’

“Pero ako kasi, takot ako sa injection, so alam ng mga doktor ko ‘yan, na kapag andun na ako, ’Ay!’

"Wala akong pakialam kung wala akong poise, basta ayoko lang magpa-inject.

“Takot lang ako sa knife, sa injection… yung mga gano’n."

Sa ngayon daw ay hindi pa niya masabi kung gugustuhin ba niyang sumailalim sa cosmetic surgery in the future.

“Siyempre hindi ko alam kung pagtanda ko, kung magpapa face-lift ba ako o ano… di ko masasabi.

"Pero yun nga… sa ngayon, takot ako sa blood, takot ako sa pain.”



IT RUNS IN THE FAMILY. Binanggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tanong ng ilan kung nagpagawa ba siya ng dibdib.

May mga nakapansin kasi na tila lumaki ang "hinaharap" ng star ng With A Smile—ang bagong morning teleserye sa GMA-7—na nagpadagdag sa kaseksihan ng aktres.

Sagot ni Andrea, “Sa akin naman, marami naman ang nagsasabi [na malaki nga]….

“Pag nakita naman nila yung mommy ko, tsaka ate ko, ‘Ay!’ Makikita na nila, ‘A, okay, pare-pareho sila.’ It runs in the family.

“Siguro depende rin sa damit, tsaka nakikita rin naman nila.

"Pati yung trainor ko minsan sinasabi niya sa akin, nakikita naman nila na pag pumapayat ako, lumiliit siya, pag medyo nagkakalaman ako, lumalaki na naman siya.

“Kasi para sa akin, hindi ko naman kailangan i-defend at di ko kailangang ma-offend, kasi siyempre, kung ako ang napansin nila, siyempe yun naman ang usual na tatanungin, di ba? ‘Nagpa-ano ka ba?’

"Kasi siyempre uso siya ngayon, pero di ako nao-offend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RESULT OF HARD WORK. Ani Andrea, ang magandang hubog ng kanyang katawan ay kanyang pinaghihirapan.

At kahit ngayong may regular TV series siya ay sinisikap pa rin niyang magkaroon ng panahon para sa pagdyi-gym.

“Kung kailan puwedeng isingit. Before kasi, bago ako nagka-soap, every day [ang pagdyi-gym], pero ngayon kung saan puwedeng isingit.”

Aminado si Andrea na mahilig siyang kumain kaya effort talaga sa kanya ang panatilihin ang sexy figure niya.

“Nahihirapan ako mag-diet, actually. Yoyo ako, hanggang ngayon.

“Minsan nagda-diet. The next day, magbi-break, [tapos] magda-diet na naman, magbi-break [uli].

"More on ano talaga, gym.”



TWO LEADING MEN. Sa morning teleserye ng GMA-7 na With A Smile, ang dalawang leading men ni Andrea ay si Mikael Daez at ang bagong Kapuso star na si Christian Bautista.

Sabi niya tungkol sa kanyang leading men, “Mababait naman sila, silang dalawa… tapos may natututunan naman ako sa kanila palagi.

“Tsaka ang maganda, hindi lang sa soap kundi kahit outside of work, nakakausap ko sila.

"Nagkakumustahan kami, nakakausap ko sila about personal things."

Pangalawang pagtatambal na ito nina Andrea at Mikael, na unang nagkasama sa afternoon teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga,; amantalang unang beses nilang magkakatrabaho ni Christian.

Dahil may foundation na sila ni Mikael, palagay na ang loob nila sa isa’t isa.

Si Christian naman kaya?

Sabi ni Andrea, “Sabi ko nga, magaang siya kasama, kasi hindi na namin kailangang mag-go through sa getting-to-know-you stage.

"Parang first time pa kaming nagkasama sa audition [para sa serye], naglolokohan na kami. Akala mo friends na kami.

“Tapos nung natanggap na, parang nagpa-follow up na lang na nagkakamustahan… yung ganon, kuwentuhan.

“Happy-happy talaga, very positive ang atmosphere.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN