Politician Benjo Benaldo addresses alleged domestic violence issue with wife Daiana Menezes

Ayon sa e-mail na ipinadala ng asawa ni Daiana Menezes na si outgoing Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo, nagkabati na sila at mahal pa rin nila ang isa’t isa.


Sa wakas ay binasag na ni outgoing Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo ang kanyang pananahimik hinggil sa usap-usapang domestic violence diumano sa pagsasama nila ng Brazilian model turned TV personality na si Daiana Menezes.

Nagpadala ng email si Benaldo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, June 13, upang bigyang-linaw ang sinasabing pananakit diumano niya kay Daiana.

Nagsimula ang kontrobersiya nang mag-post ng sunud-sunod na mga mensahe si Daiana sa kanyang

Ito ay kasunod ng sunud-sunod na pagpu-post ni Daiana ng mga mensahe at mga larawan sa kanyang Instagram na nagpapahiwatig na dumaranas siya ng pananakit.

WE FOUGHT BECAUSE OF LOVE.” Sa email ni Benaldo sa media, inamin niyang nagkakaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Daiana, gaya ng ibang mag-asawa.

Dito rin inamin ni Benaldo na ikinasal sila ni Daiana sa Las Vegas noong December 2012.

Bagama’t hindi siya nagdetalye kung umabot sa pisikalan ang kanilang pag-aaway, ipinahayag ng pulitiko na humingi na siya ng paumanhin sa kanyang kabiyak.

Sabi ni Benaldo, “I am responding to the issues that have recently come out.

“I am speaking with the consent of my partner [Daiana].

“Like any couple, Daiana and I encounter problems. We try to resolve them privately.

“I have apologized to her and she has accepted."

Dagdag pa niya, “On behalf of Daiana’s actions on social media (Twitter, Instagram), we seek the understanding of everyone regarding her posts on her advocacies seeking help and support.

“I believe that any woman, any foreigner (woman) who might be facing a situation worse than ours must find an avenue for the redress of her grievances in our country.

“Daiana and I got married civilly in Las Vegas. Since then, we have been preparing for the big religious ceremony as we previously announced.

“Today, Daiana and I have settled our differences.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are together out of love. We fought because of love.

“She has forgiven me because she truly loves me. I am truly blessed.

“We thank our friends & relatives for their patience and support. We thank everyone for respecting our privacy,” pagtatapos ng liham.

Nobyembre ng nakaraang taon nang mailathala dito sa PEP ang engagement ni Daina sa pulitiko.

(Read: PEP SCOOP Daiana Menezes on engagement to Representative Benjo Benaldo)



DAIANA’S PLIGHT. Nagkaroon ng haka-haka ang ilan hinggil sa pinagdadaanan ni Daiana nang mag-post ito noong June 8 na mga katagang “The End” at may caption na “Good night.”

Sumunod na araw, June 9, Linggo, isang photo uli ang ipinost ng model na may nakasulat na “No To Rape,” at ang tanging caption nito ay sad face.

Sinundan ito ng isa pang post ng larawan ng singsing na ang anino ay brass knuckles at may nakasulat na “No to Violence Against Women.” Ang naka-caption dito ay “#NOtoDomesticViolence #NOtoRape. Till death do us apart…’

Mayroon ding kasunod na dalawang umiiyak na emoticon ang post na ito at ang isa ay may gag pa sa bibig.



VICTIM OF DOMESTIC VIOLENCE? Isang follower ni Daiana ang nag-comment ng, “I feel you…I am with you…”

Sinagot ito ni Daiana ng, “@didicamiling I’m tired of keeping it to myself already.”

May isang follower naman na nagtanong ng, “Is your boyfie hurting you?”

Pero hindi ito sinagot ni Daiana.

Ang sumunod pang larawan na ipinaskil ni Daiana ay ang kanyang braso na tila may hiwa ng sugat. Ang tanging caption lang nito ay tatlong smiley characters na umiiyak at ang isa ay pusong nabiyak. Meron na itong 44 comments na nagtatanong kung ano nga ba ang nangyari sa kanya pero wala ni isang sinagot si Daiana.

Kasunod niyang post dito ay isang imahe ng babae na nakayakap sa sarili at may malaking X na pula, nakasulat dito ang mga salitang ‘Real Men Don’t use Violence.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod pang post ni Daiana ng larawang may nakasulat na ‘Stop Violence Against Women.’ Naka-caption dito ang mga salitang, “Lord Please I can’t take this anymore, I’m all by myself here, prayers are much appreciated. But sa totoo lang THANK YOU PO LORD I’M STILL ALIVE.”

Isang follower niya na nagngangalang "prettycycle" and nagtanong nang, “Amiga what happen to you?

Sinagot ito ni Daiana ng, “I dunno y Filipino men can be…I have no words.”

Isa pang sagot ni Daiana sa isang follower, sinabi nitong, “Exactly they should respect the pain it’s not right to expose anymore its too Much to take.”

Sa sumunod na post ni Daiana ay larawan niya at may caption na, “Thank you God I Have a decent job. Good family who gave the best on education, thank you to my parents for bringing me to tha most expensive schools and encourage me to keep humble above all comfort and for their politeness. I’m a gifted child of lord.’

Halos ang mga comment dito ay nagsasabing keep safe at isa na nga sa kanila ay si Sunshine Cruz.

Ang isa sa mga pinakahuling posts ni Daiana ay photo note na nagsasaad kung ako ang kanyang pinagdadaanan.

Narito ang nilalaman ng kanyang post:

“I am aware of the posts and they’re aren’t cool. How can they be cool? But keep silent isn’t the best anymore after I heard that they’d believe me only seeing with their own eyes. So time to SPEAK UP. My apologies to those I had to ignore or not give details, even if I do, aside from looking DUMB MYSELF, I wish I had CCTV or if I knew, record would do, but ‘ang sakit’, it’s a physical, sexual and emotional pain that can’t be explained. Besides there are two sides of the coin and I know the other side will fight for defense, since there’s bipolar order, things can be turned around. I had witnesses BUT unfortunately they’re paid to keep quiet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Enough said" ang naka-caption sa nasabing photo. May 29 comments na ito pero wala pang sinagot si Daiana dito.

Sumunod na post ay isang larawan niya na may nakasulat na, “Just wanna explore the world where I’ll see life in a different way.”

“Positivity is the peace God gives us,’ ang kanyang caption dito.”

DAIANA’S STATEMENT. Noong June 10, Linggo, nagpadala ang PEP ng text message kay Daiana kung maaari ba siyang makapanayam kahit sa telepono o makuhaan ng statement tungkol sa kanyang mga instagram posts.

Sagot nito sa amin, “No, this is a very delicate matter for a woman not to be exposed domestic issues.”

Kasunod naming hiningi ang mensahe na lang niya sa kanyang mga tagahanga at kaibigang nag-aalala sa kanya.

Sabi niya, “I’m ok, I’m coping with it, it’s a trauma that I’ll carry for the rest of my life and so many women out there have to be aware of domestic violence such as physical hurt and most specially rapping. Be careful. That’s all I can say.”

Sumunod naming tanong kay Daiana kung hiwalay na ba sila ni Congressman Benjo at kung ito ba ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga posts.

Pero sagot niya sa amin, “I’m not ready to fully answer that question yet po. Hope you understand.”

Dagdag pa nitong text, “Thank you po for ur understanding.”

Kinagabihan, nilinaw ng PEP kay Daiana kung advocacy nga lang ba ito o di kaya ay gimik gaya ng hinala ng iba.

Sagot niya, “It has been my advocacy until I experienced it, the more I have been supporting the advocacy.”

Noong gabi rin ng June 10 ay nag-post ulit si Daiana ng isang litrato ng kanyang ina.

May nakasulat dito na, “Bye bye Maringa ! Que Deus abencoe minha nova jornada ! Filipinas estou chegando !”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng Brazillian model at TV5 star na si Daniel Matsunaga, isinangguni ng PEP sa kanya kung ano ang ibig sabihin nito sa English.

Tugon ni Daniel, “Bye bye maringa (name of a city or a person) that God bless my new journey! Coming to the Philippines.”

Naka-caption dito, “This is what REAL FANILIES (FAMILIES) do. They leave their own world to save their world (their children) see you mama, thanks for picking me up as if I Lyle child but seriously this case yeah definitely.”

Pero nang inusisa namin si Daiana through text kung aalis nga ba siya ng bansa, sabi niya, “Pls no more questions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN