Daiana Menezes posts "life goes on, back to work" on Instagram after recent marital problem

After four days of silence, Brazilian model turned actress Daiana Menezes posts Instagram photos showing her current status—back to work.


Matapos na hindi magparamdam sa kanyang Instagram followers nang apat na araw, kagabi ay sunud-sunod na ulit ang posts ni Daiana Menezes.

Una niyang post ay ang larawan ng kanyang ama na ka-chat niya kasama ang asawang si Cagayan de Oro outgoing representative Benjo Benaldo.

Nakamuwestra ang kanyang ama sa mga kamay nito ng hugis-puso.

Naka-caption dito, “My dad @helio_menezes is the most amazing example A REAL PERSON, yet successful, his humbleness, light love and forgiveness are all combined. The willingness to forgive is a sign of spiritual and emotional maturity. It is one of the great virtues to which we all should aspire. Imagine a world filled with individuals like HIM willing to do so and maybe to apologize and to accept an apology. Is there any problem that could not be solved among people who possessed the humility and largeness of spirit and soul to do both when needed? Thank you DAD FOR ALL.”

Sa kasunod niyang post ay ipinakita niya ang larawan niya mula sa FHM Philippines na may caption na, “Yes @fhmphil @fhmphilofficial, I’m truly the original BRAZILIPINA! And I LOVE you guys...Who can’t love this country and the fellas?!? It might not be on my blood but its in my heart and soul and EVEN TONGUE!!!!! Mabuhay.”

Isang follower niya ang nag-comment dito ng, “Mabait pa! D congrats pala. I heard the news on Saksi earlier. Ingat.”

Tugon dito ng Brazillian model, “Thank you po, ANY POSITIVE WORDS AT THIS TIME MAKES ME FEEL CLOSER TO LORD MORE BECAUSE OF YOU.”

Ngunit isa namang follower niya ang kumuwestiyon sa mga naunang posts ni Daiana.

Tila kinukuwestiyon ng follower na ito kung bakit daw hindi gumawa ng legal na aksyon si Daiana kung may nangyayari na palang masama rito. Bakit puro posts lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani @hopeful_2012, “Didn’t get the point why diana had to posts those very intriguing pics and messages and yet she has not consulted for a legal action. What’s the point of everything? Better keep it to yourself if she is scared and don’t have the courage to tell it. Dahhh!!!! Whatever!!!”

Ang tinutukoy ni @hopeful_2012 ay ang mga naunang nakakaintrigang posts ni Daiana sa Instagram.

Matatandaang nag-post noon si Daiana ng mga larawan at captions sa photo-sharing site na may mga salitang "no to violence against women," "stop violence against women," at "no to rape."

Nagdulot tuloy ito ng paglabas ng mga usap-usapan at haka-haka na may pinagdadaanang problema si Daiana sa relasyon nito sa asawa na palang si dating Cong. Benaldo.

Kahapon, June 13, nagpadala ng kanyang statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benaldo tungkol sa isyung ito at ibinunyag pa nitong pinakasalan na pala niya si Daiana sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., nung Disyembre ng nakaraang taon.

(READ: Politician Benjo Benaldo addresses alleged domestic violence issue with wife Daiana Menezes)

May ilang sumang-ayon kay @hopeful_2012, at mayroon din namang sumita sa pagkuwestiyon nito kay Daiana.

Pero sinagot na rin ng Brazilian model-TV personality ang pagkukuwestiyon sa kanya. Aniya, “@hopeful_2012 if you’re smart enough you’ll understand thru my yellow posts and if you walk on my shoes you might have to go miles away to be able to be forgiven by Lord for saying inappropriate judgements on situations just to get attention on someone else’s pain. God bless you.”

BACK TO WORK. Sa huling post ni Daiana, ipinakita niya ang pic collage kung saan isa sa mga litrato rito ay kasama niya ang kanyang inang si Adriane Alves.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Adriane para samahan si Daiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “And life goes on!!! Back to work with mama!”

Sabi pa niya sa caption, “Shooting time, #backToWork with mama (Thank you Lord).”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN