PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes on brief stay behind steel bars: “Kasi dito, very organized, para kang pumasok sa kampo ng mga sundalo... magandang experience!"

Dingdong Dantes says Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center has an "atmosphere" that is "very enticing" for those who want
by Rommel R. Llanes
Published Jun 14, 2013
Isa sa mga realizations ni Dingdong Dantes matapos makisalamuha sa mga preso ng CPDRC (Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center: “Lahat may pag-asang magbago, so kumbaga, tayo nga may kalayaan tayo, pero minsan gumagawa pa tayo ng hindi maganda.”

First time ni Dingdong Dantes na makapasok sa loob ng isang bilangguan noong nag-shoot siya ng Dance Of The Steel Bars.

Pero iba raw ang nakita niya sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) kumpara sa naisip niya.

Ang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 11, advanced screening ng nasabing indie film, “...Kasi itong kulungan na ito, naiiba doon sa nai-imagine ko.

“Kasi dito, very organized, para kang pumasok sa kampo ng mga sundalo— lahat sila, e, systematic, 'tsaka maganda siya.

“So hindi siya yung tipong facility na nai-imagine ko, na magulo, hindi depressing. Kumbaga, yung atmosphere niya is very enticing sa pagbabago.

“Let’s say nakakulong ka doon, talagang mapipilitan kang maging mabait.

“So maganda, magandang experience..."


HEART TO HEART. Hindi nagkaroon ng chance si Dingdong na makausap ang ilan sa mga preso nang mahabaan at seryosohan.

Gusto niya sana, kung nagkaroon pa siya ng mas mahabang oras, ay makapag-stay sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “May mga nakausap pero mga small talk lang. Wala kaming masyado pang ano... hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon para lumalim pa yung usapan.”

Matapos niyang maranasan na mag-shooting sa loob ng kulungan, may naging ibang impression si Dingdong sa mga nakabilanggo?

“Lahat may pag-asang magbago, so kumbaga, tayo nga may kalayaan tayo, pero minsan gumagawa pa tayo ng hindi maganda.

“Pero sila, may option din sila to do the right thing, kayang-kaya nilang gawin yun.”

ACTING AWARD FOR DINGDONG? Sa shooting ng pelikula, binigyan si Dingdong ng instruction ni Direk Cesar Apolinario, isa sa mga director ng Dance of the Steel Bars, na huwag ngingiti, na sa ending lamang siya maaaring ngumiti.

Aminado si Dingdong na nahirapan siya doon.

“Alam ninyo naman ako na medyo light lang, na medyo magaan lang, na kung anu-ano, di ba?

“Hindi, at least, nagkakaintindihan naman kami kung ano ang diskarte niya and maganda, at nag-swak naman kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa ba siya ng acting award para sa papel niya bilang si Mando sa Dance Of The Steel Bars?

“Wala po akong inaasahan. Parati pong lahat ng ginagawa ko, hindi naman ako...

“I don’t do it just because I wanna expect something. Pero basta ako, I’m just proud of my first indie movie.”


PLANS FOR BIRTHDAY. Pagkatapos nito ay magpo-focus na siya sa bago niyang show sa GMA-7, ang Genesis.

“We need time for preparation, hindi siya puwedeng ipapalabas agad kasi marami siyang effects.”

Samantala, dalawang buwan na lamang at birthday na nila ni Marian Rivera— sa August 2, turning 33 si Dingdong, habang sa August 12, turning 29 naman ang kanyang girlfriend.

Pero baka hindi sila mag-travel sa taong ito. Last year kasi, sa Macau at Hong Kong sila nag-celebrate.

“Wala, wala muna, siguro December na ulit 'pag Pasko.

“Kasi, malamang Pasko kasi pag nag-start ako ng Genesis, hanggang December na yun, tuluy-tuloy.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May tsismis na ayaw na siyang payagan ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

“Wala namang ganoon, pero ano naman po, e, technically, it’s allowed in the contract naman.

“And I think, si Perry [Lansigan, his manager], okay naman, he was able to handle it na before, so I don’t think there’ll be a problem.”


MARIAN'S "FREEDOM." Sa tanong naman kung sino ang susunod niyang gustong maging kapareha sa isang proyekto, “wala pa akong maisip,” ang natatawa niyang sinabi.

Hiningan naman siya ng reaksiyon tungkol sa “newfound freedom” ni Marian Rivera ngayon.

“Whatever it is, nakikita ko na masaya siya, so iyon ang importante.

“Sa lahat naman ng tao, ang mahalaga yung kaligayahan mo at wala kang natatapakang ibang tao.

“Kasi, alam ko naman na itong sinasabi ninyong freedom na hinahanap niya, e, nakita niya at nakamit niya.

“So ang importante, everybody happy.”

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes, Marian Rivera
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga realizations ni Dingdong Dantes matapos makisalamuha sa mga preso ng CPDRC (Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center: “Lahat may pag-asang magbago, so kumbaga, tayo nga may kalayaan tayo, pero minsan gumagawa pa tayo ng hindi maganda.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results