Sef Cadayona wants to do another indie film after breakthrough performance award

Matapos na manalo ng Breakthrough Performance by an Actor mula sa Golden Screen Awards for Film, hindi naman daw naghahangad ng malaking pagbabago sa career niya si Sef Cadayona. “Pero sana, mag-jump lang din ako ng konti,” aniya tungkol sa kanyang career.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang si Sef Cadayona sa taping ng Mundo Mo’y Akin.

Si Sef ay si Nonoy na gumaganap na kaibigan ni Jerome na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Magkakagusto rin daw siya kay Marilyn, ang character na ginagampanan ni Louise delos Reyes.

Iisa tuloy ang naging tanong ng entertainment press na dumalaw sa taping: ano raw ba ang meron sa “pangit” na mukha ni Marilyn at bakit lahat ng lalaki, nagkakagusto rito?

Parang, hindi na raw yata realistic?

Nakangiting sabi naman ni Sef, “Yung character niya po, siyempre, kami-kami lang ang magkakasama.”



BREAKTHROUGH PERFORMANCE AWARD. Kinumusta rin kay Sef ang pagkapanalo niya ng Breakthrough Performance by an Actor ng Golden Screen Awards for Film.

Nanalo si Sef sa kanyang pagganap bilang isang “klosetang” teenager sa indie film na Gayak.

May nagbago na ba sa career niya mula nang manalo siya ng award?

Sagot ni Sef, “Ang ine-expect ko, hindi naman yung lead na ano… Pero, kung paano ang ginagawa ni Kristoffer Martin, support…pero, makabuluhan. Tulad sa Kakambal ni Eliana.

“Sana, mapansin [ako].

“Actually, nagulat nga rin ako na-nominate ang pelikula.”



LIKES ACTING MORE. May nagsabi naman kay Sef na okey naman daw ang support, pero sana lang daw, hindi puro bading na karakter lang ang ginagawa niya.

“Okey lang naman, pero sana, mag-jump lang din ako ng konti.”

Nakilala na talaga si Sef bilang isang dancer sa regular na pagsasayaw niya sa Party Pilipinas noon.

Pero kung si Sef daw ang tatanungin, mas gusto raw niyang umarte talaga.

Kaya malaking bagay nga raw na nanalo siya sa nakaraang Golden Screen Awards.

Aniya, “Yung magsayaw, masaya. Masaya siyempre. Simula naman noong bata ako, yun ang ginagawa ko.

“Pero simula nang sumali ako sa Starstruck, hindi naman yun ang minithi ko talaga.

“Kaya sobrang saya ko talaga noong manalo ‘ko. Sobrang, sobrang saya ko talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mag-off-the-air na raw ang Party Pilipinas, inisip niya na baka puwede siyang makipag-meeting sa GMA Artist Center dahil gusto raw niyang gumawa muli ng indie film.

“Gusto kong bumalik po ulit doon.

Last year po, pinayagan din nila akong mag-Cinema One Originals.

“‘Tapos, hanggang sa makilala ko si Direk Romy Bertubin, kinuha niya ‘ko sa Gayak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN