Christian Bautista on Marian Rivera’s rumored network transfer: “If they stay, great... good for the channel! If they have to go, then let’s wish them the best.”

Christian on his Twitter bashers: “Sabi ko, ’Thank you for your opinion. Noted. God bless you and I just have to do my best and move on.’ Something like that. Hindi naman natin makukontrol, e. May mga bagay na wala tayong makokontrol. Kailangan lang natin, okay tapos na ito, ano yung next, kasama naman ako, salamat! Ginawa akong leader, salamat, that means may trust, move on tayo, move on.”


Sa paglipat ni Christian Bautista sa Kapuso network, isa raw sa mga kahilingan niya talaga ay ang ma-develop pa nang husto ang kanyang pagiging aktor at umarte sa isang teleserye.

‘I want to try it, e,” pag-amin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Sa Dos ba ay hindi siya na-utilize bilang aktor?

“Ginagamit naman ako pero ang dami kasing napakagagaling na aktor dun,” at tumawa si Christian. “It’s hard to get a spot.”

“I don’t blame them, you know, they’re always looking out for the best for the show. If I don’t fit, then ganun e, that’s life. I mean, what do I do?”

Kasama ba sa kontrata niya na gagawa rin siya ng pelikula sa ilalim ng GMA Films?

“If there is a chance, I believe yes, kasama siya,” giit niya.

Kaya mapapanood rin siya sa pelikula.

“Well, again it has to be good. It cannot just be any movie, tapos magpa-flop lang naman, so parang ayaw natin yan,” dagdag niya.

Bukod sa pagiging artista sa morning serye na With A Smile with Andrea Torres at Mikael Daez airing on June 24, si Christian din ang kumanta ng theme song nito na “Ngiti,” na original na hit song ni Ronnie Liang.

Bukod dito, si Christian din ang kumanta ng “Maghihintay Sa ’Yo” na theme song naman ng afternoon prime series na Maghihintay Pa Rin na pagbibidahan naman nina Bianca King, Dion Ignacio at Rafael Rosell.

Bilang dating taga-ABS na isa nang Kapuso ngayon, sino ang mga nami-miss ni Christian sa dati niyang TV network na kinabibilangan?

“Yung mga champions, actually. Sina Sarah, sina Erik... ’yon,” pagtukoy ni Christian sa mga kapwa niya singers na sina Sarah Geronimo at Erik Santos.

Sa Sunday All Stars na magsisimula na ngayong Linggo sa GMA-7, bilang isa sa mga team leaders, ang mga members ni Christian ay sina Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, Wyn Marquez, Kristoffer Martin, Jhake Vargas, Bea Binene, Aicelle Santos, Jay-R, at Rafael Rosell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON RAFAEL ROSELL. Speaking of Rafael Rosell, sa isang panayam namin dito kamakailan, nabanggit ng Maghihintay Pa Rin male lead na tinawagan siya ni Christian bago ito lumipat sa GMA.

“Oo! Sabi ko, ’Rafael, kumusta ka diyan?’ sabay tawa ni Christian. ’Okay dito, bro. Okay dito, okay dito.’

Naging magkaibigan naman raw sila ni Rafael.

“Sa ASAP kasi, isa lang yung dressing room namin dun so kahit paano, nagkakakuwentuhan kasi kami, e.”

MARIAN AS LEADING LADY. Kung si Christian ang papapiliin ng GMA na susunod niyang magiging leading lady, sino ang choice(s) niya?

“Sinagot ko ’yan dati, Marian, oo. Kasi ang galing niyang artista, e,” pag-ulit niya.

Anong uri ng proyekto ang naiisip niya na bagay sa kanila ni Marian Rivera kung sakali.

“Kung ano yung kaya ko.”

MARIAN’S ALLEGED NETWORK TRANSFER. May tsismis na baka umalis na si Marian sa GMA sa pagtatapos ng kontrata nito sa GMA.

“Si Dingdong [Dantes] daw ’tsaka si Marian, aalis na raw, iyon daw ang tsismis e,” mabilis na reaksyon ni Christian,” saad niya.

Ano ang masasabi niya rito? Baka hindi na niya makatrabaho si Marian.

“Oo nga,” at tumawa si Christian.

Hindi pa naman ito sure, tsismis lang.

“Ang comment ko dun, let’s wish them the best. If that’s what they feel in their lives right now, in their career, then let’s wish them the best.

“If they stay, great... good for the channel! If they have to go, then let’s wish them the best.

“Parang kung ako rin, lilipat, I’m sure yung mga kaibigan ko, iyon din naman ang sinabi sa akin.”

ON BASHERS. Noong nawala na sa ere ang Party Pilipinas, marami raw ang nag-bash kay Christian sa Twitter.

“Ayan, lipat-lipat ka pa kasi, tapos tanggal ka, wala ng mangyayari sa iyo!’

“Ganyan-ganyan,” pag-ulit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isinagot niya sa mga bashers...

“Sabi ko, ‘Thank you for your opinion. Noted. God bless you and I just have to do my best and move on.’

“Something like that. Hindi naman natin makukontrol, e. May mga bagay na wala tayong makokontrol.

Kailangan lang natin, okay tapos na ito, ano yung next, kasama naman ako, salamat!

“Ginawa akong leader, salamat, that means may trust, move on tayo, move on.

“So, gawin natin ang lahat ng makakaya because knowing ASAP, they will be watching...

“Di ba, so… And I love them, they’re my friends pero I will also do my best for this show,” pagtukoy pa rin ni Christian sa kapalit ng Party Pilipinas na Sunday All Stars.

SUNDAY ALL STARS. Sa palagay ba ni Christian ay mas maganda ang SAS kaysa Party P?

“It would be better… it’s a new concept.

“May competition, merong little games, pero may variety pa rin, parang they wanna shake things up, e.

Parang gusto nilang ibahin nang konti, so we’ll see.”

Bilang leader, may kaba at pressure na nararamdaman si Christian.

“Pressure sa mga leaders, actually.”

Ang iba pang mga team leaders ng mga performers every Sunday ay sina Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado, Mark Bautista at si Christian nga.

ON SEXY PICTORIALS. Nadako naman ang usapan tungkol sa pagpapa-pictorial ng sexy ni Christian.

Ginawa niya ito noon for Bench at Gold’s Gym two years ago, kung saan isang buffed na Christian ang nagpakuha ng mga larawan na shirtless.

“Kailan ba? Pagkatapos nitong With A Smile,” sabay tawa ni Christian.

Bakit hindi na niya ulit ginawa iyon?

“Kasi hindi ko na kailangan e, nagawa ko na.

“Hanggang dun na lang ako, ayoko nang mag-underwear.”

Never pa namang nagpa-pictorial si Christian ng naka-underwear lamang.

“Ayoko na nga mag-underwear, shorts na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo ba, may babae akong naka-date dati na artista na hindi ko na lang sasabihin kung sino, sabi niya hindi niya gusto ang mga lalaking nag-a-underwear model sa pictorial.

“Kasi iba na yun, e. Parang pag babae okay lang kasi swimsuit, ganyan, pero siya hindi niya gusto.”

Dahil sa sinabi ng babaeng iyon ay ayaw na rin niya?

“No, sinasabi ko lang. Pero ako rin e, parang, personal ko lang, I wanna be wholesome, kahit boring. Pero iyon ako, e.

“Hanggang shorts lang ako. Huwag trunks, shorts, hindi ko kaya yung Speedo.”

Hindi raw niya naging girlfriend ang naturang female star.

Ipapalabas ang With A Smile simula sa June 24 ng umaga.

MARICAR-RICHARD WEDDING. At dahil ito ang show na pinagbibidahan ni Christian (along with Mikael Daez and Andrea Torres), naitanong namin kay Christian kung sino ang taong nagpangiti sa kanya recently?

“Sino yung pinakahuling nagpangiti sa akin?

“Pinaka recent… okay ’eto na, dalawa sila— Si Maricar at si Richard.”

Nag-host si Christian sa kasal nina Maricar Reyes at Richard Poon kamakailan.

“It’s one of the most beautiful ceremonies na nakita ko. They kept it private pero you’ll feel the love of each other, everyone parang, ina-admire sila, parang, ’Wow, nakayanan niyo yun, ang galing niyo!’

“Parang ganun. So, yung dalawa... I wish them well,” kuwento niya.

Nakaramdam daw siya ng inggit habang pinagmamasdan ang dalawa, at tulad ng halos lahat ng taong nagmamahal, gusto rin ni Christian na maranasang ikasal balang araw.

“Someday,” saad niya.

Si Christian kailan siya ikakasal?

“Tagal pa,” at tumawa ang singer/actor.

“Hindi ko pa masyadong iniisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN