Ruffa Gutierrez says she’s ready to fall in love again; dismisses rumors that she plans to enter politics

Ruffa Gutierrez will celebrate her 39th birthday on June 24, and her birthday wish? “Wish ko sana naman may ma-meet na ’ko… parang ready naman na ako after two years being single, parang ready na ’ko for my Prince Charming.”


Handa na raw si Ruffa Gutierrez na pumasok sa isang bagong relasyon.

Ito ang sinabi niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ibang entertainment press nang tanungin namin siya kung ano ang birthday wish niya para sa nalalapit niyang kaarawan sa Hunyo 24.

“Wish ko sana naman may ma-meet na ’ko… parang ready naman na ako after two years being single, parang ready na ’ko for my Prince Charming,” kinikilig na sagot ni Ruffa.

Bukod pa roon, sana rin daw ay “sana naman hindi ako ma-distract sa London habang nag-aaral ako.

“Uhm, matapos ko ang course ko at maging successful ako do’n, I’ll be going there also to shoot in Italy, pero secret pa ’yon.”

Nakausap ng PEP si Ruffa kahapon, Hunyo 14, sa East Avenue Medical Center sa Quezon City para sa Domestic Violence Survivor’s Continuing Journey Towards Empowerment seminar.

Ito ang ikalawang beses na dumalo sa naturang seminar, na partnering project ng East Avenue Medical Center Women’s Crisis Care Unit at AVON Philippines.

STUDYING IN LONDON. Samantala, nauna nang ibinalita kahapon ni Ruffa sa social networking site na Twitter na siya’y mag-aaral sa London.

Dito sinabi niya sa kanyang followers na mag-aaral siya ng kursong International Political Economy, under Business & Management, sa King’s London College.

(READ: Ruffa Gutierrez to study in London)

Ayon kay Ruffa, matagal nang may offer sa kanya na mag-aral sa ibang bansa. Iyon nga lang, mas binigyang priyoridad niya noon ang kanyang umuusbong na showbiz career.

Kuwento ng former beauty queen, “Alam n’yo kasi noong 19 years old ako, nakatanggap ako ng isang letter galing sa Schiller International University, and I was already accepted to study International Relations din.

“Hindi lang natuloy kasi back-to-back ang mga pelikula ko, so I decided to forego my education and concentrate on my career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, opportunities only knock once. So kailangan pagbigyan natin yung mga blessing na dumadating.

“So, we were doing five movies then, [kaya] hindi ako natuloy.”

Nilinaw niya rin na summer course lamang ang kanyang kukunin sa King’s London College.

Aniya, “It’s not a college degree, it’s a short course— you have to remember, I haven’t been in school since I was sixteen years old.

“Hindi ko na sasabihin kung ilang taon na ’ko ngayon… I mean, I’ve done short courses at School of Fashion and the Arts [SOFA], cooking pastries, but those are all private lessons.

“So, this is gonna be the first time that I’ll be a boring student.”

Bukod sa International Political Economy course, natanggap din daw si Ruffa sa isang course kung saan siya nag-apply.

“Kasi dalawang applications yung ginawa ko. One for King’s College London and one for SAOS [School of Oriental and African Studies], both under the University of London, so yung SAOS is International Relations.

“Kagabi or kaninang umaga nabasa ko yung e-mail, na natanggap din ako sa school.”

Iyon nga lang daw, “hindi ko magagawa,” dahil depende pa rin daw ito sa schedule ng kanyang mga upcoming projects.

Hunyo 28 daw balak na lumipad ni Ruffa sa London kasama ang kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin.

“I really want them to go to London even for one week to ten days,” wika ng TV host-actress.

“Para makita nila yung hitsura ng nanay nila na nag-aaral, makita nila yung school ko, makita nila yung buhay ko bilang estudyante.

“I think it’s gonna be something nice for them to witness.

“Pero ang plan talaga is for them to go to States with my mom and my dad, magbabakasyon sila do’n because after the elections, my mom, hindi pa nagbabakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s waiting for the kids na matapos ang school nila, so that’s happening on July.

“Pero ngayon sabi ko kay Mommy, ’Ay, hindi mo puwede akuin ang mga bata! When I go to London kailangan pumunta sila do’n kahit ten days lang, so they can at least be with me.’”

ENTERING POLITICS? Base na rin sa mga kursong kukunin ni Ruffa, tingin ng marami ay paghahanda niya ito para sa pagpasok sa pulitika.

Matatandaan na nitong May 2013 elections ay kumandidato ang kanyang mommy na si Annabelle Rama na congresswoman ng North District ng Cebu, ngunit hindi ito nanalo.

Pinabulaan naman ni Ruffa ang mga haka-hakang ito.

“Well alam mo yung pulitika kasi, as of now, wala akong plano.

“And at the same time parang tama na ang mga problema ko, mga problema ng pamilya ko, pati problema ng friends ko.

“Ayaw ko namang dagdagan na buong problema ng bayan akuin ko na!” natatawa niyang pahayag.

Dagdag pa niya, “Actually, yung isang course na gusto kong i-take, aside from internation [and] political economy is the art of leadership.

“So the art of leadership is hindi lang para maging leader para sa mga kababayan natin, but also being a leader for your family, being a leader for your kids.

“You know, I want to show my kids the value of education, na kahit ang mommy nila is mommy na, nagtatrabaho, marami na akong nagawa sa buhay ko, I still value education.

“So siguro, let’s start from there— being a good leader to your family, setting an example to your kids, ’tsaka na yung bansa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN