Sandy Andolong credits stem cell treatment for revitalized health; supports daughter Mariel’s plan to join showbiz

Sandy on working with today’s young stars: “But these young ones, sila ang nagpapabata sa amin. Kapag napaligiran ka pala ng mga bata, feeling bata ka na rin! Kaya lagi kong request na kailangan may mga bata akong katrabaho!”


Marami ang natuwa sa mas batang hitsura at mas malusog na pangangatawan ngayon ni Sandy Andolong.

Kinuwento nga nito na sumailalim siya sa stem cell treatment kaya malaki ang naging improvement ng kanyang kalusugan.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng maraming sakit si Sandy noong 2003.

She was diagnosed with kidney maladies, her large intestines had lacerations, her uterus was inflamed, there was a polyp in her gall bladder and her pituitary gland had a disorder resulting in abnormal lactation.

Muntik na nga raw sumailalim sa isang kidney transplant operation ang butihing asawa ni Christopher de Leon.

Pero dahil sa malakas na panalangin nila sa Panginoon, nagkaroon ng kasagutan ang kanilang mga dasal and ten years after, maganda na ang kalusugan ng aktres.

“I went through six months of stem cell treatment. Dito lang naman sa atin ginawa kaya hindi na namin kailangang pumunta sa ibang bansa.

“After the treatment, mas lumakas na ang katawan ko kasi nga bagong mga cells ang nasa loob ng katawan ko.

“I feel more energized at parang nagdahilan lang ako sa sakit ko before.

“Sobra ang pasasalamat namin sa Panginoon because dumating nga ang treatment na ito and it worked for me.

“I thanked God for making me go through that and for the treatment na pinagdaanan ko.

“Ilang years kaming nagdasal for healing and now it has happened. Kaya never-ending ang pasasalamat namin sa Kanya.

“Now maayos na ang pagtrabaho natin. Hindi na ako mabilis na mapagod tulad ng dati. Pero ingat pa rin naman ako.

“I still have a cut-off time para naman makapahinga ako ng tama.

“Ayoko namang abusuhin ang katawan ko. Kapag time na magpahinga, kailangan magpahinga tayo,” kuwento pa ni Sandy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping Anna KareNina sa New Manila, Quezon City, kamakailan.

ANNA KARENINA. Gaganap si Sandy bilang si Doña Carmela, ang lola ng nawawala niyang apo na si Anna Karenina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My last series was Pahiram Ng Sandali and madrama iyon. Ito namang Anna KareNina, medyo heavy drama rin siya.

“Most of my scenes naman are with the three Anna Kareninas na sila Barbie Forteza, Joyce Ching and Krystal Reyes.

“Nakakatuwa ay nakatrabaho ko na ang tatlong ito in different TV dramas. Like si Barbie, nakasama ko na sa Stairway To Heaven. Si Joyce naman sa Endless Love. Si Krystal sa Bantatay.

“Mga bata pa sila noon pero ngayon mga dalagita na. Ang bilis talaga ng panahon.

“But these young ones, sila ang nagpapabata sa amin. Kapag napaligiran ka pala ng mga bata, feeling bata ka na rin!

“Kaya lagi kong request na kailangan may mga bata akong katrabaho!” sabay tawa pa ni Sandy.

WORKING WITH DIREK GINA. Special para kay Sandy ang Anna KareNina dahil ang kanyang kaibigan na si Gina Alajar ang director nito.

“This is the first time na madirek ako ni Gina sa isang TV drama. As an actress, ilang beses na kaming nagkasama niyan. This time, she’s the captain of the ship.

“Wala namang masyadong demands si Gina. She just wants the scene to come out great kaya she wants all of us to give our best,” paglinaw niya.

“Ako naman, okay lang na pagalitan ako ni Gina. She is just doing her job as the director and she does it very well.

“Nakikita ko naman kung paano makinig sa kanya ang mga artista niya, lalo na ang mga batang cast namin. They all have this big respect for Gina.

“I am proud of her because she has come full circle na. From being a child actress to an award-winning actress and now a director. I am proud to be one of the people na naidirek na niya,” ngiti pa niya.

WISHES FOR COMEDY ROLE. Kung makakapag-request nga lang daw si Sandy, gusto niyang gumawa ng comedy series. Ilang years na raw kasi siyang nagda-drama at nais naman daw niyang gumawa ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa totoo lang, I love doing comedy.

“Yung mga naging early movies ko, comedies sila like Salawahan ni Ishmael Bernal and Kakabakaba Ka Ba? ni Mike de Leon. I also did Ang Leon at ang Kuting with Fernando Poe, Jr. and Niño Muhlach.

“Nakaka-relax kasi ang gumawa ng comedy. Hindi ako napapagod. When I did Arriba-Arriba noon for ABS-CBN, ang saya-saya namin parati sa taping.

“The last comedy series I did was O Mare Ko for QTV 11. Kasama ko diyan sila Gina, Lorna Tolentino, Amy Austria. Tapos nagkasunud-sunod na ang mga dramas.

“But one day sana, makabalik ako in doing a comedy show. Para maiba lang,” saad niya.

SON’S WEDDING. Bagamat hindi sinuwerte ang mister niyang si Christopher de Leon na manalo bilang congressman sa Batangas, napalitan naman daw iyon ng kasiyahan nang ikasal ang kanilang panganay na si Rafael Sandino sa fiancé nitong nagngangalang Aerica Laino sa Batulao, Batangas.

“Naku, umiyak ako!” sabay tawa niya.

“Siyempre, panganay namin ’yan ni Boyet and the first of our children to get married.

“They will both settle down in New Zealand kunsaan nandoon ang work nila. Mami-miss namin sila.

“We will either visit them or sila ang magbakasyon sa Pilipinas.

“Excited na rin kami ni Boyet para sa magiging apo namin sa kanila.”

MARIEL’S SHOWBIZ PLANS. Papasukin nga rin ng isa pa nilang anak na si Mariel de Leon ang showbiz. Naging candidate sa nakaraang Bb. Pilipinas 2013 si Mariel at naging isa sa mga finalists ito.

Nasa showbiz na rin ang isa pa nilang anak na si Gabriel.

“Gabriel is in the show Teen Gen, pero matatapos na nga iyon. Hindi ko pa alam ang magiging next show niya.

“Si Mariel naman, after Bb. Pilipinas, gusto naman niyang subukan ang showbiz.

“I entrusted her to Boy Abunda. Malaki ang tiwala ko kay Boy na may magagawa siya for Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Silang dalawa na ang mag-usap. Si Mariel kasi, marami siyang gustong gawin, e. Bahala na si Boy sa kanya.

“Whatever happens, nandito kami ni Boyet at mga kapatid niya to support her sa career na gusto niya,” pagtatapos ni Sandy sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN