Toni Gonzaga on how she would react if boyfriend Paul Soriano suddenly proposes to her: “Go! Walang problema. Sasabihin ko naman sa inyo ’pag nag-propose.”

Toni on her new reality cooking show Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina: “Dalawa po ang pini-feature namin dito sa cooking show na ito. It’s not just about food. It’s about real, life-inspiring stories.”


Ang ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga ang host ng bagong cooking reality show ng ABS-CBN, ang Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina, na mapapanood tuwing Linggo simula June 23, 9:00 am.

Bukod sa mga iba’t ibang recipes, itatampok din sa show ang iba’t ibang nakakaantig na kuwento mula sa totoong buhay ng kanilang “featured Kapamilya” guest.

“Hindi kailangang mapansin ako rito [sa show]. Bawat subject na ipi-feauture namin, nandoon lamang ako para itawid ang mga kwento nila [pamilya].

“Yun po ang kabuuan ng aming programa,” sabi ni Toni tungkol sa Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina.

Nakausap ng PEP.ph at ilang entertainment press si Toni kahapon, June 14 sa presscon ng Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina na ginanap sa 14th floor ng ABS-CBN.

Kung kinuha mang host ng Kapamilya network si Toni para sa Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina, hindi naman daw ito nangangahulugang mahusay siyang cook.

Marunong na rin naman daw siyang magluto pero hindi pa ganoong kagaling. Kaya nag-aral nga raw siya last year ng culinary arts.

“Last year I was given the chance to have a short course lang sa baking and cooking.

“Konting-konti pa lamang po ang kaalaman ko [sa cooking] kaya nga natutuwa ako sa programang ito kasi as we go on, ang dami kong natututunan.

“Like, doon sa first episode pa lang namin, natutunan ko nang magluto ng kare-kare sulipan style dahil kay Chef Jim.

“Hindi lang siya basta kare-kare kundi kare-kare sulipan style.

“Malalaman ninyo kung ano yung ibig sabihin ng sulipan style pag napanood ninyo yung show sa June 23,” kuwento ni Toni.

Sa Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina ay may mga guest na chef si Toni.

“I think if I’m not mistaken every episode po, iba’t ibang chefs po ang ipi-feature namin.

“It depends on the food na iluluto at ihahain po namin.

“Sa first episode po namin, kasama po namin dito si Chef Jim, isa po sa pinakamahuhusay na chefs sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya po ang magluluto ng kare-kare para po dun sa aming first episode,” banggit niya.

Bukod sa mga chefs na guest sa Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina ay magkakaroon din ng celebrity guest dito.

“Yung mga makakasama po naming iba-ibang celebrity guest depending doon sa ipi-feature po naming story na medyo related din po dun sa kuwento ng celebrity guest,” kuwento pa ni Toni.

NOT JUST A COOKING SHOW. Marami nang cooking shows na napanood at napapanood a telebisyon. Ano ang kaibahan ng Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina sa ibang cooking shows?

“Kung napapansin ninyo po yung ibang mga cooking shows na napapanood natin, they’re just featuring the dish.

“The main star of the program ay yun pong dish na ihahain at iluluto.

“Dito po sa programang Kuwentong Buhay, Kuwentong Kusina, kaya po dalawa yung title niya, it’s not just the story of how we cook and we prepare food in the kitchen.

“It’s also gonna feature a story about a certain person na nakaka-inspire yung buhay niya.

“Kung paano sa pamamagitan ng pagkain ay nagkaroon ng meaning yung mga pinagdaanan niya,” paliwanag pa ni Toni.

“Katulad po dun sa unang episode na mapapanood ninyo, we feature Rommel na dating isang street kid na kinupkop siya ni Brother Joe.

“Si Brother Joe, mayroon siyang paboritong pagkain, yung kare-kare.

“Yun po ang ipinakita naming putahe para po sa una naming episode na ipinagluto ni Rommel si Brother Joe ng kare-kare.

“Tapos, the whole time na habang niluluto yung kare-kare, hindi lang namin natututunan yung buong proseso ng pagluluto ng kare-kare, natututunan din namin yung istorya ng buhay na pinagdaanan ni Rommel.

“So, dalawa po ang pini-feature namin dito sa cooking show na ito.

“It’s not just about food. It’s about real, life-inspiring stories. So yun po,” dagdag niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COOKING FOR BOYRFRIEND. Since nag-aral ng cooking si Toni, ano yung mga niluluto niya para sa kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano?

“Mahilig kasi yun sa Mexican food, mga tacos, okey na sa kanya.

“Pero hindi naman niluluto ang tacos, pini-prepare lang.

“Ano ba yung mga niluluto ko sa kanya? Mga soup pa lang, tapos garlic pasta, yun pa lang naman,” masaya niyang ibinalita.

Nasa right age na rin naman sina Toni at Direk Paul para magpakasal.

Pero kung si Toni ang tatanungin ay wala pa rin sa isipan niya ang lumagay sa tahimik na kabaligtaran ni Direk Paul na ayon kay Toni ay naiinip na at gusto nang magpakasal sila.

“May mga times na talagang naiinip na siya.

“Hindi na rin naman ako nagsisinungaling na inip na inip na rin siya.

“Pero dahil nga medyo nagkapatung-patong ang trabaho and as a contract artist ng ABS-CBN, there are some stipulatioons sa contract, so tinatapos ko ’yan.

“Malapit na rin naman ’yan. Darating na rin naman tayo sa puntong ’yan na talagang kapag I’m moving on for the next chapter of my life, e, sasabihin ko rin naman.

"Pero sa ngayon, wala pa," paglinaw ni Toni.

Paano kung biglang mag-propose na si Direk Paul sa kanya?

“Go! Walang problema. Sasabihin ko naman sa inyo ’pag nag-propose.

“Ang pag-aasawa naman darating na lang ’yan ke me kontrata o wala,” dagdag niya.

WHAT MORE TONI WANTS. Successful si Toni sa kanyang career as endorser, singer, TV host and actress. Masaya rin ang kanyang lovelife sa piling ni Direk Paul. May pamilya rin siyang supportive sa kanya at kanyang career.

Masasabi nating kumpleto na si Toni sa kanyang buhay. Pero sa tingin niya, may kulang pa ba na gusto niyang ma-achieve?

“I think lahat naman tayo, hindi naman natatapos yung kagustuhan natin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na sabihin mong you may have everything in your life, there’s always something that is missing.

“Meron pa ring kulang at kulang.

“I think it’s not about one thing. Whatever it is that I still don’t have, I think the key to having a happy life or yung kuntento ka sa buhay mo is not everything you have.

“It’s having everything that you need.

“So kung anuman ang meron ako ngayon, hindi man lahat ng gusto ko meron, well parang ganun na nga, sinasabi nila oo meron... ganito, ganyan.

“Siyempre marami pa rin pong aspeto ng buhay ko na medyo kulang pa... na hindi ko pa nakukuha.

“Pero hindi ko lang po masabi talaga kung ano yung kulang.

“Pero hindi naman po perpekto yung buhay natin.

“May mga hinahangad pa po tayo na hind pa talaga natin makuha.

“Gaya nga sinabi ko, it’s not having everything that you want, it’s about everything that you need.

“Lahat po ng kailangan ko naman ngayon sa buhay ko e, nasa akin na.

“Sapat na po yun sa akin,” pagtatapos niyang pagpapasalamat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN