Presidential Spokesperson Ricky Carandang says leak of PNoy’s "personal mobile numbers" is "cyber vandalism"

Nailathala ang tatlong diumano’y personal cellphone numbers ng pangulo noong Biyernes ng gabi, June 14, ng isang Facebook user na nagngangalang #pR.is0n3r.


Mga personal cellphone numbers nga ba ng pangulo ng Pilipinas na si President Benigno "Noynoy" Aquino III ang kumakalat ngayon sa iba’t ibang blogs at social networking sites?

Sa ulat kasi ng Agence France-Presse na nalathala kahapon, June 15, sa InterAksyon.com (news website ng TV5), may isang blogger daw na nag-post sa Facebook ng mga diumano’y personal mobile numbers ng pangulo.

Ayon sa spokesman ng presidente na si Ricky Carandang, isa daw itong kaso ng “cyber vandalism.”

Hindi naman nito kinumpirma kung kay President Aquino nga ang mga nasabing numero o kung nakumpromiso nga ba ang “personal state secrets” ng pangulo ng bansa.

Aniya, “It’s cyber vandalism plain and simple, we’re dealing with it. That’s all I can say for now.”

Nailathala ang tatlong diumano’y personal cellphone numbers ng pangulo noong Biyernes ng gabi, June 14, ng isang Facebook user na nagngangalang #pR.is0n3r.

#pR.is0n3r (username) at Anonymous Philippines (profile name) din ang "grupong" nag-hack sa Twitter at Facebook accounts ng PEP noong nakaraang taon.

Ayon pa sa "hacker" na may lagpas 9,000 followers, kung sino raw ang gustong makipag-communicate ng diretso sa pangulo ay maari nang gamitin ang alinman sa tatlong mobile numbers na nakalathala.

Kahapon, June 15, tinawagan namin ang mga naturang number pero hindi na sila gumagana.

Pinili rin ng PEP na huwag ilathala ang mga numero dahil hindi bahagi ang website na ito sa anumang kampanya ng grupong ayaw ipakilala ang mga sarili.

THE FACEBOOK POSTS. Narito ang Facebook post ng "hacker" na naglalaman ng kanyang saloobin tungkol sa pagkalat niya ng nasabing mga "personal mobile numbers" ni PNoy:

“Previous Post : https://www.facebook.com/im.a.pr.is0n3r/posts/498018916939769Alam ko may mali sa ganitong hakbang at alam naming lahat hindi kaya ng nag iisang pangulo na gumawa ng solusyon sa napakalaking problema sa pilipinas. Pero KAHIT ISANG PAG KAKATAON LANG o isang gabi o araw lang, Gusto naming dumirekta at sabihin ang gustong mangyari o saloobin kung meron man ng bawat isang pilipino. At patuloy namin gagawin to para magsilbing boses gamit ang technology. Marami po kaming natatanggap na mensahe na gusto nilang iparating sa ating pangulo ang mga hinaing ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napakarami na rin pong issue na hindi narinig ng karamihan ang mga kasagutan.

Napaka hirap makipag usap sa isang tao na napakaraming dadaanan pa. Napaka hirap sumulat sa isang tao na hindi namin sigurado kung natatanggap nya.”

Previous Post : https://www.facebook.com/im.a.pr.is0n3r/posts/498018916939769

Matapos nito, naka-link naman dito ang nauna na niyang post tungkol dito.

(Previous Post : https://www.facebook.com/im.a.pr.is0n3r/posts/498018916939769)

“Gusto ko lang po sanang tanungin kayong lahat o yung mga taong nais sumagot :

Kung bibigyan kayo ng pag kakataon na makausap o mag karon ng chance na maihatid ng direkta sa PANGULO ng Pilipinas ang mga mensahe nyo, ano po ang sasabihin nyo at ano po ang kaya nyong sabihin sa kanya?

- Anonymous Philippines -
~ #pR.is0n3r”

Pagpapatuloy pa niya, “Alam ko may mali sa ganitong hakbang at alam naming lahat hindi kaya ng nag iisang pangulo na gumawa ng solusyon sa napakalaking problema sa pilipinas. Pero KAHIT ISANG PAG KAKATAON LANG o isang gabi o araw lang, Gusto naming dumirekta at sabihin ang gustong mangyari o saloobin kung meron man ng bawat isang pilipino. At patuloy namin gagawin to para magsilbing boses gamit ang technology.

Napadala ko na ang ibang mensahe. Nasa inyo na kung meron kayong gustong sabihin pa. Magandang gabi po sa inyong lahat.

We are everywhere
We are Legion
Expect Us

- Anonymous Philippines -

~#pR.is0n3r


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN