Aljur Abrenica on his self-produced second album: “Mas personalized.”

Aljur on his passion for singing: “Ever since naman po talaga, before tayong maging actor, ang passion ko po talaga is singing. Ang nakapag-push po siguro sa akin, instinct. Instinct ko rin. Na-enjoy ko ang ginagawa ko at ang importante, mai-share ko ang blessing na yun sa iba.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica noong Biyernes ng gabi, June 14, sa Edge of Light Studio kung saan naganap ang kanyang pictorial para sa kanyang bagong album.

Sa ikalawang album ni Aljur na posibleng lumabas sa mga record bars sa July, inamin niya na siya mismo ang nag-produce nito.

Wala pa raw siyang kumpirmadong title para sa bago niyang album bilang ang una niya ay self-titled at prinodyus naman noon ng Sony Music.

PROUDLY SELF-PRODUCED. Sa mga nakakaalam na, may mga nagulat sa pagse-self-produce ni Aljur. Bakit kaya niya naisipang siya mismo ang mag-produce ng sariling album?

“It’s my decision at ipinagpapasalamat ko naman po na pinayagan ako ng GMA.

“Mas lalo pa po akong nagpapasalamat dahil kahit self-produced ito, ang GMA Artists Center ay hindi ako iniwanan, nandiyan po sila para sumuporta sa akin,” panimulang pahayag ni Aljur nang makausap namin.

Ano ang naging inpirasyon niya sa paggawa ng ikalawang album niya?

“Ang inspirasyon ko po sa paggawa ng album na ito, kasi, napakahalaga sa akin ng experience.

“Gusto ko pong maranasan. Gusto ko pong makita kung paano pinaghihirapan ng mga tao sa paligid ang pag-produce ng album, paano inaalagaan ang album na ’to.

“Kumbaga, knowledge lang naman po ang habol ko rito at saka experience.

“Maliban pa po ro’n, itong album na ’to, mas personalized,” pag-amin niya.

Hands-on, all-around daw si Aljur sa ginagawa niyang album.

“Sampu po ang kanta sa album, ako ang namili, naghanap. Meron din namang naghanap para sa akin... sa schedule, sa recording, sa mga taong tumutulong sa atin, sa mga sponsors.”

Tatlo raw ang revival sa bago niyang album at pito ang original songs na binili raw niya sa mga composers. Ilan daw sa mga revival niya ay kanta ng Jeremiah at gagawan niya ng male version ang kanta ni Roselle Nava.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPECTATIONS. Ano ang expectation niya ngayon sa bago niyang ginagawa bilang isang album producer?

“Expectation? Wala naman akong expectation sa ginagawa ko ngayon na pagpu-produce at pagiging isang artist. Ang gusto ko lang, ma-experience ang pagpu-produce at ma-experience ito,” pag-amin ni Aljur.

Bukod sa pag-arte, ang pagpu-produce na rin ba ang isa sa gusto niya?

“Well, nakilala po tayo dahil sa GMA, sa pagiging isang actor. Gusto ko rin na ma-express ang sarili ko. Gusto ko rin mai-share sa ibang tao ang talent na ibinigay sa atin ni God.

“Ang purpose ko lang naman, kahit sana, kahit papaano, maaliw natin ang mga taong sumusuporta at nakakarinig ng ating kanta,” dagdag niya.

Ang unang album ni Aljur ay lumabas noong 2009.

Apat na taon na ang lumipas pero ngayon lang ito nasundan. Kaya naitanong namin sa kanya kung nagkaroon ba siya ng pagka-inip dahil nga matagal bago nasundan ang una niyang album.

Sabi naman ni Aljur, “Hindi naman, ano lang, talagang plinano na rin po ng GMA na gumawa ng album para sa akin.

“But I asked them, kung puwede sana na maging mas personal ang album ko.

“Pinag-usapan po namin ng husto at bilang artist nila, yun nga po, masasabi ko, pinagpapasalamat ko na pinayagan po nila ko na mag-self-produced.

“Para maging hands-on, alam ko, ako mismo ang personal na namili ng lahat,” giit niya.

Wala naman daw nasasagasaang kontrata si Aljur dahil wala raw siyang kontrata sa GMA Records kaya freelance raw siya bilang isang recording artist.

SHARING THE GIFT. Bilang isang producer ngayon, wala ba siyang nararamdamang takot na baka yung perang gagamitin niya, hindi bumalik lalo na’t hindi pa rin naman masasabing bumabalik talaga ng lubusan ang sigla ng local music industry.

Bukod pa rito, hindi pa rin naman nawawala ang piracy.

“Ang piracy naman, nandiyan na. Siyempre, sa pagpu-produce, maglalabas ka talaga ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa pagpu-produce ko po na ito ng album, wala po akong hinahangad kung hindi makapagpasaya ng mga sumusuporta sa akin.

“Kung mabawi at kumita po tayo, salamat, salamat. Pero, ang habol ko po rito, mai-share ang album sa mga sumusuporta sa atin,” saad niya.

Kailan dumating sa kanya ang “moment” na gusto na niyang siya ang mag-produce ng album niya?

Aniya, “Ever since naman po talaga, before tayong maging actor, ang passion ko po talaga is singing.

“Ang nakapag-push po siguro sa akin, instinct. Instinct ko rin. Nae-e-enjoy ko ang ginagawa ko at ang importante, mai-share ko ang blessing na yun sa iba.”

BLESSINGS. Sa taong ito, tila ngayon nagagamit ni Aljur ang mga pinaghirapan, pinagtrabahuhan o pinag-ipunan niya sa loob ng mahigit limang taon niya sa showbiz.

Kakabili lang niya ng sariling bahay.

Nakabili rin siya ng isang sports car at ngayon naman, producer na siya ng sarili niyang album.

Puwedeng isipin na ang yaman na niyang talaga.

Natatawang sabi naman ni Aljur, “Hindi naman po. Siyempre, proud naman po ako sa mga na-achieve natin... na-invest natin.

“Pero, itong pagse-self-produce po ng album ko, it’s like doing a favor sa mga tumutulong sa atin.

“At itong pagpu-produce na ito, marami rin po ang tumutulong sa atin, nagpi-finance, sponsor at lalung-lalo na po ang mga endorsements natin na nandiyan po talaga,” pangwakas niyang pagpapasalamat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN