Bettina Carlos on why it’s taken her a long time to move on from her last relationship: “They have to experience what I went through para maintindihan nila ako.”

Bettina on why she’s not yet ready to fall in love again: “Hindi naman sa naging man-hater na ako or wala na akong tiwala sa mga lalake. Hindi naman gano’n ang feeling ko. Gusto ko lang na bigyan ko pa ng time ang sarili ko just to get over everything. Matagal din kasi akong parang na-torture emotionally. Malaking epekto iyon sa self-esteem ko. That’s why mas gusto ko munang mag-time out sa dating or meeting other men because of the fact na hindi pa a


Kapag tinanong si Bettina Carlos kung handa na ba itong makipag-date, lagi nitong sinasagot na hindi pa raw siya ready.

Mas gusto pa raw niyang tumutok sa kanyang trabaho, negosyo at sa kanyang 2-year old daughter na si Amanda Lucia or Gummy.

Para kay Bettina, hindi raw madali para sa kanya na malimutan ang hindi magandang karanasan niya sa ama ng kanyang anak.

TIME OUT FROM LOVE. Dahil sa emotional trauma na kanyang naranasan, mas gusto raw muna niyang iwasan ang “dating scene” at iba na lang ang pagkaabalahan niya.

“Hindi naman sa naging man-hater na ako or wala na akong tiwala sa mga lalake. Hindi naman gano’n ang feeling ko.

“Gusto ko lang na bigyan ko pa ng time ang sarili ko just to get over everything.

“Matagal din kasi akong parang na-torture emotionally. Malaking epekto iyon sa self-esteem ko.

“That’s why mas gusto ko munang mag-time out sa dating or meeting other men because of the fact na hindi pa ako ready—physically and emotionally.

“Sana ay maintindihan nila iyon,” pahayag pa ni Bettina nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa press launch ng My Husband’s Lover sa GMA Annex Building.

Parang sinasabi ni Bettina na hindi pa siya totally nakaka-move on sa nangyari sa kanya.

“Hindi naman kasi madali... Hindi ito yung simpleng problema na kapag itinulog mo, the next day okay ka na... may solusyon ka na at tapos na.

“They have to experience what I went through para maintindihan nila ako.

“Madaling sabihin na, ’Bettina, move on ka na!’ or ’Bettina, forget what happened!’ Pero sa totoo lang, mahirap pa siyang gawin.

“I have always been a positive person. Never akong naging cynical or naging distrustful.

“Lagi kong nilalagay sa isipan ko na things will get better. I have to make something good out of a bad situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya unti-unti kong inaayos ang buhay ko—I have to dahil may anak ako, e.

“I need to start my life all over again. I want to gain my confidence back,” dagdag pa ng 25-year-old actress.

DAUGHTER GUMMY. Umiikot ngayon ang buhay ni Bettina sa kanyang anak. Kapag kasama nga raw niya ito ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.

“My daughter is my life. Ayokong ipadama sa anak ko na may bahid pa rin ng kalungkutan ang buhay ko.

“Kaya I make things work for us. When I’m with Gummy, masaya ang mundo ko kasi nakikita ko siyang laging masaya.

“That is why I am embracing my life as a single parent.

“Kahit na nag-iisa lang ako, I will make sure that I will be able to give my child the life that she deserves.

“Kung hindi iyon nabigay ng isang tao sa buhay niya, sisiguraduhin ko na maibibigay ko iyon sa kanya,” diin niya.

Nagpapasalamat nga si Bettina na nandiyan ang pamilya niya na nagsisilbing support system niya noong panahon na hindi niya alam ang susunod na gagawin sa buhay niya.

“I am just lucky to have a great family.

“My family supports me all the way. Mahal na mahal nila ang anak ko.

“Everything that my daughter needs, ready nilang ibigay.

“Siguro para sa akin, tama na iyong pagmamahal na iyon sa anak ko.

“Ang importante, napapaligiran ang anak ko ng mga taong nagmamahal sa kanya,” ngiti pa ni Bettina.

BAKED GOODS BUSINESS. Bukod nga sa pagiging busy ni Bettina sa taping ng My Husband’s Lover kunsaan gumaganap siya bilang si Vicky na best friend ni Lally (played by Carla Abellana), abala rin siya sa kanyang home-based business na Baked Bites by ABC.

Gumagawa at nagbebenta nga si Bettina ng mga pastries tulad ng brownies, donuts, mini-cakes at iba pang desserts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanilang signature desserts ay ang Fudgee Wudgee Dark Brownies, Foodee Woodee Food For The Gods, Nutty Bunny Mini Carrot Loaves, ChocNut Donuts and Twirly Wirly Caramel Hunks.

“Bites kasi is my nickname noong bata pa ako. Tapos ABC stands for the initials of my full name, Anna Bettina Carlos.

“I love baking kaya I decided to get into this business.

“Very lucrative siya kasi tayong mga Pinoy, may sweet tooth tayo, e.

“I also make my desserts na sugar-free para sa mga nagda-diet pero hindi maiwasan ang kumain ng sweets.

“My daughter inspires me to create different kinds of desserts.

“I am happy that ever since I started this business noong 2011, it’s been doing very well.

“I thank God for blessing me with such a business na enjoy kong gawin parati kahit pagod ako,” pagpapasalamat niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN