Rochelle Pangilinan on when she’ll tie the knot with longtime boyfriend Arthur Solinap: “Hindi ko po masasabi. Malay mo, bukas na pala!”

Rochelle on her Sunday All Stars’ co-stars all-out performance: “Sobrang exciting. At saka iba yung kaba. Iba yung performance na maibibigay. And lahat ng artista… effort! ’Eto, talagang makikita mo sa mga performance ng mga artista, e… talagang may galit habang nagpi-perform! May gigil! Di ba?”


Alam na ng lahat na magaling si Rochelle Pangilinan pagdating sa sayawan.

Hindi pa siya nag-aartista at miyembro pa lang siya dati ng all-female dance group na Sex Bomb Dancers, pinatunayan na niyang hindi siya basta-basta magpapakabog with her dance moves.

Pero kaninang hapon, Sunday, June 16, grabe ang ipinamalas na husay at energy ni Rochelle sa production number ng kanilang grupo kung saan team leader nila si Mark Bautista.

Showdown kung showdown talaga while they competed with the other three groups na ang nanalo ay ang team headed by Jennylyn Mercado.

“Siyempre bagong show, sobrang saya po ng feeling ko,” masiglang pahayag ni Rochelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Sobrang nai-excite kami sa kakalabasan. Kasi ano, e… yung mga artista ang nag-concept.

“So, sobrang exciting!

“At saka iba yung kaba. Iba yung performance na maibibigay.

“And lahat ng artista… effort!” sabay bungisngis niya. “Compared sa mga nakaraang shows.

“’Eto, talagang makikita mo sa mga performance ng mga artista, e… talagang may galit habang nagpi-perform!” natawang sabi pa ni Rochelle.

“May gigil! Di ba?”

GIGIL” FACTOR. Itinanong namin si Rochelle kung yung galit at gigil ba na yun ay bunsod ng kagustuhan nila na mapatumba na ang katapat na Sunday variety show ng ABS-CBN na ASAP?

“Wala naman pong gano’n!” sabay tawa ulit na reaksiyon niya.

“Yung gigil sa pagpi-perform na sinasabi ko, siyempre po iyon ay para ma-express mo kung ano yung gusto mo talagang gawin.

“Siyempre, like ako… lumaki ako sa contest. Bago ako mapunta sa kinalalagyan ko ngayon, e… laking kontesera naman ako.

“So… parang ibinalik ko lang yung dati.

“Yung may galit habang nagsasayaw. At kasabay na nito yung nag-i-enjoy ka.”

Noon bang ipinaalam sa kanila na mamamaalam na sa ere ang Party Pilipinas at sinabi sa kanila na hindi lahat ay makakasama sa bagong papalit na show, nakaramdam ba siya ng takot na baka hindi na siya mapabilang sa bubuo ng SAS?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman kasi, sa totoo lang ano, e… parang kung ano yung ibinigay sa akin ng Diyos.

“Kasi alam ko lagi na kapag nag-effort ako sa isang trabaho ko at minahal ko yung trabaho ko, gano’n din ang balik.

“So… ’pag minahal mo talaga ang isang bagay, alam ko, may magbabalik na mas maganda.

“Kaya lagi po akong naniniwala na kapag may pintong nagsasara, may bintanang nagbubukas. At ibinibigay ko lahat iyon sa Diyos.

“Na… Siya na ang bahala. Alam kong lagi Siyang may plano... na mas maganda,” pag-amin ng dalaga.

Tiyak na laging magiging madugo ang rehearsal ng mga gagawin nilang production number sa SAS linggu-linggo.

“Opo. Sobra!

“Actually four days a week kami nagri-rehearse. So mas effort talaga ’to.

“Kasi… parang nasa amin yung pressure, e.

“At saka isa pa, nakakahiya sa mga team leaders namin na… kapag sila nag-i-effort, tapos ikaw wala.

“So, parang ang pangit kung hindi ka makiki-cooperate sa iba,” dagdag ni Rochelle.

GOING STRONG WITH LOVELIFE. Bahagyang nangiti si Rochelle nang matanong naman tungkol sa going strong pa rin na relasyon nila ng boyfriend niyang si Arthur Solinap.

“Ay, happy po!

“Happy naman. Sobrang happy.

“And… every Sunday kasi, church day namin. So, mamaya pagkagaling ko sa SAS, sa church kaming dalawa,” kuwento niya.

Magpa-five years na ang kanilang relasyon this August. Any new plans na napag-uusapan nila?

“Ipon muna!” sabay ngiting sabi ni Rochelle. “Iyon pa rin muna po ang plano namin,” giit niya.

MARRIAGE OR BABY FIRST? Ano kaya ang posibleng mas mauna, yung marriage o pagkakaroon nila ng baby?

“Kami, gusto namin bilang Kristiyano… marriage.

“Marriage muna.

“At saka gusto namin ng masayang kasalan. Gusto namin talagang lahat ay nag-i-enjoy.

“Kasi kaming dalawa, ine-enjoy namin yung relationship naming magli-limang taon, e.

“So gusto namin talagang… pati lahat, nakiki-cooperate din sa kasiyahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi talagang parang iyon ang big event sa buhay namin. At isa pang bubuksan naming pinto ng big event din which is yung buhay mag-asawa naman.

“Na… ibang stepping stone na naman ’yon. Kaya gusto namin, lahat masaya,” patuloy niya.

Gaano katagal pa kaya bago ang masayang kasalan na gusto nila ni Arthur?

“Hindi ko po masasabi. Basta kung ano yung nasa plano ng Diyos para sa aming dalawa.

“Kaya hindi ko po masabi.

“Malay mo, bukas na pala!” sabay ngiti ulit niya.

“Di ba? Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari.

“Basta kung ibibigay Niya sa amin yung pagkakataon at yung chance na lahat nasa amin na, bakit hindi?” wika niya.

THINK POSITIVE. Yung ibang showbiz couples, ang tagal ng relasyon pero naghihiwalay pa rin at hindi humahantong sa kasalan.

Meron ding kung kailan nagpakasal, saka naman maghihiwalay.

Hindi ba siya nakakaramdam ng takot na baka gano’n din ang kahinatnan ng maglilimang taon nang relasyon nila ni Arthur?

“Wala pong gano’n sa akin. Think positive!” nangiting pahayag muli ni Rochelle.

Ganung ka-secure ang feeling niya sa relationship nila ni Arthur?

“Opo.

“Gano’n ang pakiramdam ko dapat.

“Kasi naniniwala naman ako na kung alanganin ka naman, bakit mo pa itutuloy yung relasyon mo. Sayang yung panahon,” diin niya.

HOME SWEET HOME. Bukod sa SAS, taping para sa Home Sweet Home ang isa pang pinagkakaabalahan ni Rochelle sa ngayon.

“Tapos kung minsan din, naggi-guest ako sa Eat Bulaga!

“So far, happy naman ako sa takbo ng career ko. Happy rin ako sa lovelie. Happy ako sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko,” panghuling naging pahayag ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN