Rowena Moran on daughter Lovi Poe’s lovelife: “At the end of everything, siya pa rin ang masusunod, hindi ako ang pipili for her.”

Bilang ina, ramdam ni Rowena Moran ang pagbabago ng anak na si Lovi Poe pagkatapos ng “unos” nito sa buhay. Aniya: “Pero siyempre, that’s life, e, she needs to move on. Kasi my career siya, she needs to continue her career. And now, she’s okay.”


Maraming bisitang VIP si Lovi Poe sa launching ng Love Affair, ang scent and perfume niya for Bench na ginanap kagabi, June 16, sa Trinoma, Q.C.

Nakaupo sa VIP section ang mga espesyal na bisita ni Lovi kabilang ang Bench top honcho na si Ben Chan.

Noong nagpapasalamat ang Kapuso aktres sa mga dumalo, saka lamang nakilala ang iba pang mga nasa VIP section.

Nakaupo na kahilera ni Mr. Chan ang ina ni Lovi, ang dating aktres na si Rowena Moran, kasama ang isa pa niyang kapatid at isang dalagitang pinsan.

Hindi muna natunugan ng press si Rowena dahil bihira itong sumama sa mga events at showbiz function ng award-winning actress.

Maliban sa importansiyang ipinakita kay Rowena sa pagpasok nito sa venue at nang ipinakilala kay Mr. Chan, makikinitang may kaugnayan ito kay Lovi.

Noong dumaan sa harap ng media si Rowena, animo’y nakakatatandang kapatid lang siya ni Lovi.

Matapos ang mini-concert ni Lovi para sa launching ng kanyang eau de toilette, nilapitan agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ng sexy actress para kapanayamin.

Hindi nagpakita ng pagtutol si Rowena at nakangiti niyang hinarap kami at ipa pang reporters.

Tinanong si Rowena kung ano ang nararamdaman niya sa mga magagandang nangyayari sa career ni Lovi?

Aniya, “You know, I’m very happy and I’m very proud of her career now.

“She’s doing good. And of course, I’m very thankful to… of course, the press people for helping Lovi with her career..."


FIRST TIME. Sa pagkakaalam namin, ngayon lang nagpakita sa publiko si Rowena mula nang mag-artista si Lovi.

“Yes,” pag-aamin niya agad.

“It’s because I’m supporting her and I promise that I will support her perfume.”

Hindi ba sumasama si Rowena sa mga fashion shows ng naturang retail brand na isa sa featured celebrity models si Lovi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahm, just behind, just at the backstage lang, fixing her career, assisting her, or supporting her.”

Nakaka-nerbiyos ba na nasa showbiz na ang anak niya?

“At first yes, pero paunti-unti, nasanay na rin ako paunti-unti.”

Ready ba siyang ma-intriga lalo’t makikta na siya ng publiko ngayon?

“Actually, I didn’t know na there’s press people here.

“I thought, it’s just an ordinary affair or just an event. I didn’t think it’s a big one,” nangingiti niyang sabi.

Ayaw ba niya ng may press?

“Ay, no-no! I love the press. It’s just that, you know... I’m very thankful because you’re supporting Lovi.”


COMEBACK? Dahil nababanaag pa rin ang kagandahan sa itsura ni Rowena, wala ba siyang balak balikan ang showbiz?

Tumawa muna siya at nagsabing, “I’ll just take the back seat and stay behind Lovi’s career na lang.”

Ang huling pelikulang ginawa ni Rowena ay ang Kapag Puno Na Ang Salop with Fernando Poe Jr., ang tinaguriang hari ng pelikulang Pilipino.

Sa pagkakatanda ni Rowena, twenty-four years old na siya noong tumigil siya sa pag-aartista.

“Iba, e. Hindi ko talaga hilig,” sabi na lang niya.

Nagpasalamat si Rowena sa magandang papuring naririnig niya mula sa press para sa kanila ng isa pa niyang anak na katabi niya nang mga sandaling iyon.

Mariela ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Lovi.

Kahit kasing-ganda ito ni Lovi, hindi raw ito mag-a-artista, ayon kay Rowena.

“One is enough… finish her studies,” deklara niya at sabay ngiti.


MOM’S REACTIONS. Nabanggit kay Rowena ang mga pinagdaanang mga issues ni Lovi na may kinalaman sa lovelife nito at sa dating kasintahang si Ronald Singson.

Masasabing ang pinakamatinding pinagdaanang isyu ni Lovi pagdating sa lovelife ay may kinalaman kay Ronald.

Noong maghiwalay ba sila ni Ronald, nakahinga ba nang maluwag si Rowena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“About Ronald? Ah, medyo na-feel ko yung being sad about it.

“Pero siyempre, that’s life, e— she needs to move on,” tukoy niya sa hiwalayan ng dalawa.

“Kasi may career siya, she needs to continue her career. And now, she’s okay.”

Sino ang paborito ni Rowna naging boyfriend ni Lovi?

Napangiti si Rowena at hindi alam kung paano sasagutin ang tanong.

Sambit na lang niya, “So far? I don’t know… I don’t know,” saka tumawa nang malakas.

Hindi naman itinanggi ni Rowena na nakilala niya si Ronald.

Wala nga lang siyang maisagot sa sumunod na tanong ulit tungkol sa lovelife ni Lovi.

Sabi pa niya, “You know what? Mommy is the last person to know, that’s the funny thing, Mom is always the last person to know.

“But you know, for me, at the end of everything, siya pa rin ang masusunod, hindi ako ang pipili for her.”

Isa rin sa mga naging issue kay Lovi ay ang pagkakaroon nila ng tampuhan noon lalo na pagdating sa mga lovelife ng anak.

“Well, naku, napakarami, but lahat yun, nalampasan na. I’m so happy because Lovi is 24 already.

“You know, when she was 18, it’s a bit different.

“But now, it’s okay—thank God, everything is okay.”

SHOWBIZ ENTRY. Natatandaan naming sinabi ni Lovi noon na ayaw siyang payagan ng ina na pumasok sa showbiz, pero nakumbinse lang niya ito.

Sumang-ayon naman si Rowena sa pahayag ng anak noong bagu-bago pa lang ito sa show.

“Yes! I really don’t want. I really don’t want.

“Because, one thing she’s good in her class. She’s very active in school.

“And it’s my dream for her to finish school, because she’s taking Psychology.”

Pero natigil ang pag-aaral sa pag-aartista ni Lovi?

“Yun nga, e. Pero she really wanted to go back to school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the problem is her busy schedule, her schedule is full. Wala, e...”

Samantala, inaamin ni Rowena na na-frustrate siya noong hindi ipinagpatuloy ng anak ang kanyang kurso.

Saad niya, “But I’m still hoping she will finish because that’s what she really wanted also. Yun ang dream niya and her promise to her dad also.”

Ano ba ang nakuha ni Lovi sa kanyang Daddy FPJ?

“I think, yung masyadong malapit sa tao, masyadong malambing, very… I don’t know. Ma-hug [mayakap] siya, mahilig siyang ganoon.”

Bilang ina, paano naapektuhan si Rowena kapag may intriga kay Lovi?

“Well, actually, Lovi is very sensitive when it comes to, you know, she’s concerned about me, she’s worried about me.

“Pero ako, I know she can handle that, kasi alam kong mabait ang anak ko, e, she can handle the situation.”


CAMPAIGN SEASON. Hindi na bago kay Lovi ang masangkot sa kontrobersiya. Noong girlfriend siya ni Ronald Singson, hindi tinantanan ang dalaga noong nakulong ang pulitiko sa Hong Kong.

Nitong nakaraang eleksiyon naman, inintriga sila na ate niyang si senator-elect Grace Poe.

Bakit nanahimik si Rowena noong mga panahong kabi-kabilaan ang issue sa anak?

Paliwanag ni Rowena, “You know why? Because I trust my daughter very well—I know she can handle everything.

“And there’s no reason for me to go out. I mean, there’s no reason to be with Lovi.

“I mean she’s old enough to know what’s right and wrong, and what to talk about or answer to all these things.”

Masakit ba kay Rowena bilang ina na nababato ng mga intriga ang anak?

“Yes, but minsan, nasasaktan ako ‘pag medyo below the belt. Sanayan na lang...”

Anong naramdaman niya noong ini-intriga sina Lovi at si Grace noong panahon ng kampanya?

“I’m not worried about it because I know what’s the truth, e. I know, they’re very close, they’re okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon na bang nagpunta na si Grace sa bahay ni Rowena or lumalabas na ba sila?

“Ahm, so far, because Grace is very busy and Lovi is busy also…”

Nagkakilala na ba sila ni Grace in person?

“Not yet, but sometimes they go out for lunch, nagla-lunch sila.”

Paano kaya kung pumasok rin si Lovi sa politics gaya ng kapatid niyang si Grace?

“Oh, my, that’s scary!” sagot niya agad habang nangingiti.

Papayagan ba ni Rowena?

Nag-isip muna ito at saka sumagot, “I don’t know really, don’t know if I will allow her. Because she can decide on her own, I’m just… I don’t know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN