Bea Binene maintains Jake Vargas is just a friend: “Ako… I’m just telling him to always know his limits.”

Ayon kay Bea Binene, alam daw nila ng ka-loveteam niyang si Jake Vargas ang kanilang priorities. “Kung meron man na ibang patutunguhan ang friendship namin ngayon, siguro dapat na huwag munang pangunahan. If ever na mangyayari iyon na maging more than friends kami, mangyayari yun. Pero right now, we know our priorities. At iyon ang clear sa aming dalawa talaga,” saad ni Bea.


Ang ka-loveteam na si Bea Binene ang nabanggit na dahilan ni Jake Vargas kung bakit isang araw itong nawala na walang nakakaalam.

Maski ang pamilya at maging ang manager-mentor ng young actor na si German Moreno ay hindi alam kung nasaan ito.

May usapan daw kasi sila ni Bea na lalabas, pero hindi natuloy. Kaya dahil nagtampo raw ang binata ay nag-online gaming na DOTA na lang daw ito nang buong maghapon kasama ang ilang kaibigan.

Nangingiti naman ang Kapuso young actress nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kahapon, Linggo, June 16, matapos ang airing ng pilot episode ng Sunday All Stars (SAS) na pumalit sa Party Pilipinas.

“Hindi ko po alam kung dahil sa akin,” sabi ni Bea. “Kasi ako naman, parang… hindi naman ako ang valid reason, di ba?

“Siguro isa sa mga reasons. Pero hindi ako ang main reason. Ewan ko sa kanya!” sabay ngiti ulit niya.

Pero bati na ba sila?

“Uhm… medyo nakapag-usap na kami. Basta tinanong ko lang kung bakit.”

Ano ang kanilang napag-usapan?

“Ha? Siya na lang po ang tanungin ninyo!” natatawang sagot na lang ng Kapuso young actress.

Ang nasabi nga ni Jake, may usapan silang lalabas, pero hindi natuloy. Kaya nagtampo kay Bea ang young actor.

“Hindi… Kasi, kapag naman po ano, kapag naman po hindi natutuloy, lagi namang may valid reason ako. Lagi naman kaming may valid reason kung bakit hindi natuloy,” depensa ng aktres sa sarili.

Nang tanungin kung saan ba dapat sila pupunta sa paglabas nila ni Jake, ayaw namang magdetalye ni Bea.

“Hindi ko alam kung ano nga bang lakad ‘yon!” tawa ulit niya.

“Basta lakad. Lakad-lakad. Ha-ha-ha!”

JUST FRIENDS. Kahit na may mga nagsasabing “lovers’ quarrel” ang dating ng tampuhan nilang dalawa, mariin naman sa pagsasabi si Bea na magkaibigan lang talaga sila ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re friends! We’re good friends.

“Siguro, Jake is one of my guy best friends,” deklara ni Bea.

Pero wika ng mga kausap ni Bea, ganyan ang kadalasang sinasabi ng iba pang artistang nagtatago ng relasyon. Friends lang daw, pero biglang mapapabalitang nag-break. Mag-on naman pala.

Ganun din ba sila ni Jake?

“Hindi po. Hindi po. Basta kami ni Jake, we’re very very good friends.”

Hindi ba sila puwedeng maging more than friends?

“Siguro sa ngayon…kasi we know our priorities. Inuuna muna namin yung aming priorities.

“Kung meron man na ibang patutunguhan ang friendship namin ngayon, siguro dapat na huwag munang pangunahan.

“If ever na mangyayari iyon na maging more than friends kami, mangyayari yun.

“Pero right now, we know our priorities. At iyon ang clear sa aming dalawa talaga,” paliwanag ni Bea.

Boyfriend material ba sa paningin niya si Jake?

“Opo naman. He is a very good guy. Mabait siyang tao. Gentleman. And alam ko naman na he cares for me.

“At saka…hindi pa rin naman siya nagsasabing nanliligaw siya. So, sa akin, basta…friendship.

“Yun! Friends talaga.”

Nung hinahanap daw si Jake ng pamilya at ni Kuya Germs, tinawagan daw si Bea ng mga ito.

“Tinanong po ako kung kasama ko raw si Jake. Sabi ko…hindi ko naman nga kasama. Nung time na yun, busy rin po ako, e. Hindi ko rin alam kung nasaan siya.”

BEING LINKED TO ANOTHER GIRL. Narinig na ba ni Bea ang tsismis na nagli-link kay Jake sa isang babaeng taga-kabilang istasyon?

“Opo naman. Alam ko naman.

“E, kapag tinatanong ko naman siya kung ano ba talaga yun, sabi niya, wala naman daw. Hindi naman daw.

“And then, ako… I’m just telling him to always know his limits.

“Kasi minsan, tini-take for granted na lang siya. Na…baka minsan, tini-take for granted siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka minsan yung pag-show niya ng…kasi si Jake malambing, e.

“So, baka mamaya yung pag-share niya ng care sa isang tao, ma-misunderstood. Yung gano’n?

“Malambing naman po kasi si Jake sa lahat. Caring siya.

“Bukod sa ano… pagiging gentleman niya.”

MORE CLOSE. If ever na maging sila ni Jake officially, hindi naman nila itatago sa public?

“Depende!” natawa ulit si Bea.

“Pero… hindi naman po namin ililihim.

“Siyempre naman po, uhm… the people always deserves to know the truth.”

At kalian naman kaya sila aamin?

“Hindi ko pa po alam,” napabungisngis niyang sambit.

Malaki ang posibilidad na maging sila ni Jake, di nga ba?

“Depende. Tingnan po natin.

“Kasi ako, ayoko pong pangunahan ‘yong mga nangyayari.

“Pero aaminin ko na mas nagiging close pa po kami, lalo at kami ang laging magkasama sa mga shows. Dahil magka-loveteam nga kami.

“Pero… we know our limits. We know our priorities.

“Trabaho muna. Alam namin kung hanggang saan muna kami ngayon.

“Yun nga… friends muna,” ulit na pahayag ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN