Lovi Poe says she’s not in a love affair with anyone at the moment because: "I just wanna enjoy my life first."

Sa launching ng sariling pabango ni Lovi Poe, itinanggi niyang may karelasyon o may ka-love affair siya ngayon. “Wala akong ka-love affair. Perfume lang,” aniya.


Sexy, flirty, at pagiging sweet, ang naging performance ni Lovi Poe sa launching ng Love Affair, ang kanyang sariling perfume brand mula sa Bench.

Ginanap ang launching sa Trinoma Activity Center kahapon, June 16. Bukod sa mga executives ng nabanggit na clothing and personal care company, naroon din ang ilang malalapit na kaibigan at ilang miyembro ng pamilya ni Lovi.

Sa pasasalamat ni Lovi sa launching, nabanggit ng 24-year-old actress-singer na napanaginipan niya noon na may billboard siya sa Guadalupe, Makati City, bilang isang perfume endorser.

Sambit niya, “Dream come true. Hindi pa ako nagsa-sign sa Bench, literally, napanginipan ko na may billboard ako sa Guadalupe for a perfume.

“Then, after a few days, tumawag ang Bench, may meeting kami.

“Then, nag-sign ako sa Bench—same spot, pero, Bench body naman ang billboard."

Naging modelo ng nabanggit na underwear line si Lovi nung 2010.

“So, now, I have a billboard again as Bench perfume endorser. So, dream come true talaga.”


PERSONAL CHOICE. Personal na pinili ni Lovi ang pangalan ng kanyang perfume line.

Kaya natawa ito nang sabihan siya ng isang miyembro ng press na marami na kasi siyang naging “love affair.”

Tanggi niya, “Hindi! It’s very sweet and sexy. Very flirty.

“Kailangan ibahin natin ang iniisip ng Filipino sa ibig sabihin ng flirty.

“Flirty, you know, perfume na lang. Hindi mo na kailangang mag-flirt. Dumaan ka lang, nakapag-flirt ka na.”

Dugtong pa niya, “I want to have a love affair—in a perfume! Iyon na yun,” natatawang sabi pa niya.

Pero sino nga ba ang ka-love affair o karelasyon niya ngayon?

“Wala akong ka-love affair. Perfume lang,” natatawa pa rin niyang sabi.


POLITICIAN FRIENDS. Hindi lingid sa lahat ang naging relasyon ni Lovi kay Ilocos Sur Congressman Ronald Singson.

Ngayon, isang pulitiko na naman ang nali-link sa kanya—ang bagong halal na Camarines Sur Governor na si Migz Villafuerte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mabilis namang nilinaw ni Lovi, “Migz is a good friend of mine. Totoo talaga.

“Natatawa lang ako sa reaksiyon ninyo, pero matagal ko na siyang kaibigan.”

Napansin ng ilang entertainment press ang pag-ikot ng mata ni Lovi nung sinabi niya na kaibigan lang niya si Gov. Migz. Lalo tuloy siyang tinukso ng mga ito.

Isang mariing "No!" ang sagot ni Lovi nang tanungin siya kung nanliligaw ba sa kanya ang 24-year-old governor.

Kung hindi nanliligaw si Gov. Migz, kumusta naman sila ni Jake Cuenca?

Hanggang ngayon kasi’y hindi pa rin namamatay ang pagli-link sa kanilang dalawa ng Kapamilya actor.

Pero tulad ni Migz, magkaibigan lang din daw sila ni Jake.

Aniya pa, “We’ll always remain friends ni Jake, whatever happens.”

Tinanong tuloy si Lovi kung sino ba kina Migz at Jake ang mas malapit sa puso niya.

“Hindi ko masasagot ‘yan, yung mas malapit? Wala,” nakangiti niyang sagot.

Pero kahit na madalas daw makita si Lovi na kasama si Migz sa Resorts World Manila, hindi pa rin masagot ng Kapuso actress kung sino talaga ang madalas niyang nakakasamang lumabas.

“Wala akong time na lumabas talaga," sagot ni Lovi.

Ngunit tila ayaw paniwalaan ng entertainment press ang sinabi niya. Kaya’t may nagtanong kung sino ang kasama niyang lumabas sa loob ng isang buwan.

“One month? Mahirap sagutin ‘yan, e. They’re both my friends.”

Pero hindi naman itinanggi ni Lovi na kahit wala na sila ni Cong. Ronald Singson ay nananatili pa rin silang magkaibigan at nakikita pa rin silang magkasama sa ilang okasyon at pagkakataon.

May balikan bang magaganap sa kanila ng Ilocos Sur congressman?

“Hindi ko alam, e. Basically, ganoon lang yun. But then, nothing ano…” sabi niya.

So, paano niya ide-describe ang estado ng kanyang lovelife ngayon?

Dating? Collecting?

“Ano lang, I just wanna enjoy my life first,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SUPPORTIVE MOM. Marami naman ang nagulat nang makita ang ina ni Lovi na si Rowena Moran na isa sa mga nanood sa launching nung gabing iyon.

Dating commercial model at sumubok ding mag-artista si Rowena. Lumabas sa pelikulang Kapag Puno Na Ang Salop (1987) si Rowena (lumabas sa 01:37 ng clip na nasa ibaba). Nakatambal niya rito ang King of Filipino Movies na si Fernando Poe, Jr. na siyang ama ni Lovi.

Nagulat ang karamihan dahil bata pa ring tingnan at maganda ang ina ni Lovi.

Para nga lang silang magkapatid kapag pinagtabi.

“Oh, yes! My mom is so beautiful," nakangiti at buong-pagmamalaking sabi ni Lovi nang ma-acknowledge ng press si Rowena.

Siyempre pa, na-interview na rin ito ng press.

(READ: Rowena Moran on daughter Lovi Poe’s lovelife: “At the end of everything, siya pa rin ang masusunod, hindi ako ang pipili for her.”)

Nasabi nito sa interview na iba na si Lovi ngayon kumpara noong 18 years old pa lang ito.

Nasa ganoong edad si Lovi nung madalas na mabalitang hindi sila magkasundo.

“Oo naman, matagal na yun. I love my mom, and it’s given naman. She gave me unconditional love.”

Pero banggit ng mommy ni Lovi, pagdating daw sa lovelife ng dalaga ay laging siya ang huling nakakaalam.

“Akala niya lang yun. Siyempre, wala lang,” natatawang sabi ni Lovi.

“My mom knows a lot of things about me. Siguro ngayon, wala lang.”

MISSING DAD. Father’s Day rin kahapon, kasabay ng launching ng perfume ni Lovi.

Nang kumustahin tungkol sa Father’s Day, sinabi ni Lovi na plano niyang dalawin ang namayapang ama noong gabing yun. Nakahimlay ang Hari ng Pelikulang Pilipino sa Manila North Cemetery.

Aniya, “I’m gonna visit tonight—magti-thank you ako dahil dito.

“Feeling ko, timing na timing talaga siya, na my dad’s here with me, watching me do this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila naman daw ng kanyang ate, si Senator Grace Poe-Llamanzares ay may komunikasyon pa rin.

Ayon kay Lovi, “Nagko-communicate kami ni Ate Grace.

“Pati ang anak niya, si Brian. I’m so proud of Ate Grace talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN