Daiana Menezes admits controversial Instagram posts were uploaded just to get attention of husband Benjo Benaldo

Ayon kay Daiana Menezes, hindi raw siya sinasaktan o nakaranas ng panggagahasa mula sa kanyang asawang si Benjo Benaldo. “In a way, I was actually seeking… He was so busy. Sometimes, we don’t really get to see each other,” paliwanag ni Daiana.


Parehong humarap sa isang exclusive interview ni Boy Abunda para sa The Buzz ang mag-asawang Daiana Menezes at outgoing Cagayan de Oro Congressman na si Jose Benjamin “Benjo” Benaldo noong Linggo, June 16.

May kaugnayan ang paggi-guest nila sa The Buzz sa kontrobersiyang kinasangkutan nila noong nakaraang linggo dahil sa mga sunud-sunod na Instagram posts ni Daiana tungkol sa domestic violence, rape, at larawan ng kanyang braso na may sugat.

Nakakuha ng pansin ang mga post na ito ni Daiana sa Instagram, kabilang na sa mga nagkainteres sa kanyang posts ay ang women’s rights group na Gabriela at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

(READ: DSWD expresses interest in alleged domestic violence issue between Daiana Menezes and hubby Benjo Benaldo)

Dahil dito, umugong ang usap-usapan na may pananakit na nangyayari kay Daiana at hindi nagiging maganda ang opinyon ng netizens na nakakita ng posts kay Benaldo.

Sa The Buzz, nilinaw nina Daiana at Benjo ang isyung ito.

Una muna ay sinabi ni Daiana na wala raw nanakot sa kanya o namilit na magsalita at magpa-interview.

Kaya tanong agad ng host na si Boy Abunda, bakit ngayon nila napagdesisyunang basagin ang kanilang katahimikan.

“We don’t really owe explanation to anyone. But it’s gotten to a point that even government officials are asking us about what’s happening.

“Yes, I am aware about the DSWD. I’ve never, ever reached out to them, seeking for help.

“Gabriella, I answered right away. No, thanks, we will solve it ourselves,” sagot ng 25-year-old Brazilian model.

ATTENTION SEEKER. Tinanong ni Boy kung ang pagpo-post ba ni Daiana sa Instagram ay paraan lang niya para makakuha ng atensiyon mula sa mister na si Benjo?

“Yes, in a way, I was actually seeking… He was so busy. Sometimes, we don’t really get to see each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paghahanap lang pala ng atensiyon ang lahat?

“From him,” pagbibigay-diin ni Daiana.

“Some are thinking, we want attention from the public, which is like, ‘No, no, no, we’re just normal.’”

Inamin naman ni Daiana na ang larawan ng sugat na pinost niya ay sa kanya mismo nanggaling.

Paliwanag niya, “It doesn’t really mean dumating kami sa punto na violent, e. Nakasakit kami because we we’re stopping from, like, ‘Babes, you’re hurting me [at saka nila ipinakita kung paano nga ang namagitan sa kanila].’

“Put yourself in my shoes. If you’re against violence, in your marital situation, you get hurt by your husband, even if it’s minimal, why can’t you just say?

“I didn’t know that people, would actually, notice.”

Ipinaliwanag naman ni Boy kay Daiana na sa pagpu-post niya ng mga litratong may mga salitang “No to Rape,” “No to Domestic Violence,” lohikal na iisipin talaga ng mga makakabasa nito na sinasaktan nga siya ng kanyang asawa.

“Of course, yes,” pagsang-ayon naman ni Daiana.

JUST PASSIONATE. Ang mister naman ni Daiana na si Benjo ang tinanong ni Boy tungkol sa ginawa ni Daiana.

“I’m so used to…well, one of the reasons, why I fell for her, she’s so passionate. She’s extremely passionate. But, which is what I like in a woman.

“Because I’m also passionate in everything else, on how I feel,” sabi ng dating Cagayan de Oro congressman.

Diretsong tinanong na ni Boy si Daiana kung sinasaktan ba siya, physically, ni Benjo.

“No,” mabilis na sagot ni Daiana.

Nakaranas ba siya ng panggagahasa?

“No, we’re just a normal couple,” ang nakangiting sagot ng Brazilian.

Hindi rin daw siya binubugbog ng kanyang mister na si Benjo o hindi rin daw siya isang battered wife.

Sinabi naman ni Daiana na nagsisisi siya sa mga nai-post niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I regret that I have brought him to a situation that may [damage his reputation],” ani Daiana.

Hindi naman daw pinansin ni Benjo noon kung nagmukha siyang “bad guy” dahil sa mga nai-post ni Daiana.

“I didn’t mind because I know the truth,” sabi ni Benjo.

Dugtong naman ni Daiana, “Sa kanya, masama ang effect, e.

“I came from a cover shoot, panay iyak lang ako. All the people that would talk to me about Benjo, they would side with me. They would bash him. I would defend him.”

FAMILIES AFFECTED. Nilinaw rin ni Daiana ang biglaang pagdating naman ng kanyang ina mula sa Brazil.

“My mom came over. She helped out. Because of the post, she arrived. My dad got really scared.”

Kumusta naman ang epekto ng isyung ito sa pamilya ni Benjo?

“Of course, they feel bad. In fact, they just arrived from Cagayan just now.

“With all the things [that happened], they we’re just shocked,” sagot ng 38-year-old na pulitiko mula sa Cagayan de Oro.

Ikinuwento ni Benjo ang pinag-ugatan ng problema nila.

“Something happened to the house with our people there.

“I was busy campaigning and I would always tell her, I need sleep. Then, I have to wake up early.

“And then, she would talk to me about things happening in the house and she would thought, I wouldn’t believe her.

“So, that’s why she put those things.”

Natuwa at sumang-ayon naman si Daiana sa paliwanag ng asawa.

“Yun na nga, Tito Boy, it takes a post para maniwala ang aking asawa at ang pamilya niya na totoo ang sinasabi ko. Not the attention, action, siguro.”

Sabi naman ni Boy, dumating nga lang daw sa “unimaginable proportion” ang isyu.

LESSON AND APOLOGY. Sa mga nangyari, may natutunan ba si Daiana?

“Natutunan ko na…yun pala, you have to be careful of what you say. Because it’s really after the interpretation of whoever seeing it, especially, if people don’t know you very well,” saad ni Daiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Benjo, “Now, there’s so much responsibility if the people see you. You have to be responsible also with what you do, especially…”

Hindi na natuloy ni Benjo ang sinasabi nang magsalita muli si Daiana.

“If I made no sense at all, my apologies. But, I really have my emotion,” singit ng modelo.

Sa huli, sinabi naman ni Boy na baka, “God’s will,” na rin daw ang nangyari at ngayon, yung atensiyon na hinihingi ni Daiana sa kanyang asawa ay nakukuha na nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN