Angel Locsin on being meticulous about her scenes: “Kapag okey na sa director ko, pero hindi ko kasi naramdaman, pinapaulit ko ho talaga."

“Kasi, nakakahiya sa mga manonood... Paano kung hindi ko naramdaman? Paano kung yun palang eksenang yun ang eksaktung-eksaktong pinagdadaanan ng taong yun? ’Tapos, mali ang emosyon na binigay ko—nakakahiya naman,” katuwiran ni Angel Locsin kung bakit siya perfectionist pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera.


Nagulat si Angel Locsin sa inihandang VTR ng The Buzz para sa kanya nung mag-live guest siya sa programa noong Linggo, June 16.

Sa VTR, ang boyfriend na si Phil Younghusband ang nagsalita at bumati.

Halata namang natuwa si Angel sa sinabi ni Phil sa kanya na, “I love you so much.”

Kakatapos lang magdiwang ng magkasintahan ng kanilang first anniversary kaya lalong kinilig ang dalaga sa VTR presentation.

Sa parte ni Angel, pinuntahan naman niya si Phil sa Singapore kung saan may laban ang boyfriend noon.

Kuwento ni Angel, “Actually, Kuya Boy, sinurpresa ko siya.

“Kasi, parang anniversary namin the next day, e, meron siyang game.

“’Tapos, hindi ko na lang sinabi na nakahanap ako ng araw para ma-surprise siya. Wala lang. Surprise, surprise!”

“Oo, si Phil, hindi niya sinasabi sa akin na meron siyang interview, kaya nagugulat na lang ako.

“Ang hirap, Tito Boy, palagi siyang may pasabog. Palaging lamang kesa sa akin, mas sweet kasi siya sa akin," sabi ni Angel sa host ng show na si Boy Abunda.

“So, yung mga ganyang bagay, hindi niya masyadong pinag-iisipan.

“Ako talaga, effort. Pero, palagi pa rin akong talo.

“Nagpapatulong nga ako kung ano ang puwedeng iregalo.

“Palagi talaga ’kong kulelat pagdating sa mga regaluhan.”

ANOTHER VIDEO. Ikinuwento rin ni Angel na binigyan siya ng isang video presentation ni Phil.

Ano ang laman ng presentation na yun?

“Parang ano siya, istorya kung paano kami nagsimula. Paano yung first week namin, noong nagkita kami.

“Kaya kahit na may surprise ako sa kanya sa Singapore, wala pa rin binatbat yun. Talo pa rin ako.”

FATHER’S DAY. Noong Linggo, Father’s Day, binati ni Angel ang ama na si Angel Colmenares, at ayon sa aktres, nagi-guilty raw siya.

“Kung nanonood…kung nakikinig ka, daddy, Happy Father’s Day.”

Alam ng lahat na “daddy’s girl” si Angel. Paano niya nagagawa na maipagmalaki nga siya ng kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, e. Parang ang hirap sa isang anak talaga na maging proud ang magulang.

“I’m sure, lahat ng anak, makaka-relate sa mga sinasabi ko. Ang hirap, e.

“Paano nga ba magagawang proud ang isang magulang sa kanyang anak?

“Sa pag-aaral ba? Sa pag-aalaga? Hindi ko alam, e.

Kung ano na lang ang sabihin ni Daddy.”

PROUD FATHER. Pero ang ama niya mismo, sinasabi sa kanyang ipinagmamalaki siya?

“Si Daddy, palagi niyang sinasabi sa akin, ang suwerte ko sa tatay ko, kasi, very vocal siya sa nararamdaman niya.

“Sinasabi niya sa akin na, mahal niya ’ko, at saka, proud siya sa akin.

“At hindi siguro lahat, nakakarinig nun from their parents.”

Ano ang madalas na pag-usapan nila ng kanyang ama?

“Si Daddy, reminders yun palagi—like sa bank or kung anuman yung mga kailangan sa bahay, isusulat niya ‘yan.

“Kapag hindi kami masyadong nagkikita, kapag dire-diretso yung work ko, ganoon si Daddy.

“Gagawa talaga siya ng paraan para makapag-communicate kami. So, nakakatuwa.”

Dugtong pa niya, “Kung hindi ninyo po kasi alam, ang daddy ko po kasi, bulag.

“So, nakakatuwa kasi, nag-e-effort talaga si Daddy. Parang wala, hindi siya ganoon [bulag].”

Naipapaliwanag ba ni Angel sa daddy niya na dahil sa trabaho kaya siya nagkukulang ng oras?

Sabi naman ni Angel, “Opo. Gaya po ngayon, Father’s Day po ngayon, di ba?

“Isa po ito sa mga kasalanan ko kay Daddy. Pero, gaya nga po ng sabi ko, ang suwerte ko kay Daddy.

“So, gagawa na lang po ako ng paraan para maibigay ko itong araw na ito sa kanya.”



SPORTS MINDED. Maganda rin ang relasyon ng kanyang boyfriend na si Phil sa daddy ni Angel. Madalas daw na sports ang pag-usapan ng mga ito.

“Kasi, pareho silang athletic, pareho silang mahilig sa sports.

“Si Daddy kasi, mahilig sa sports.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron silang salita na sila lang ang nakakaintindi. Hindi ako nakakasingit.”

Singit ni Boy, maganda raw yun.

“Minsan,” natatawang sagot naman ni Angel.

“Minsan, nao-o.p. [out of place] ako.”

EXPECTATIONS. Dumako ang usapan sa pagkapanalo ni Angel ng acting awards.

Nagsisilbi ba itong dagdag-pressure sa kanya o mas nagkakaroon siya ng malakas na tiwala sa sarili?

Pag-amin niya, “Nandoon po yung nagkakaroon ka ng additional confidence.

“Pero, meron po talagang nadaragdag na pressure, na baka masyado na silang mag-expect para sa akin.

“O, masyado na akong ma-typecast sa mga drama?

“So, may pressure ho talaga, lalo na sa akin. Kasi, may pagka-perfectionist ako.

“Kapag okey na sa director ko, pero hindi ko kasi naramdaman, pinapaulit ko ho talaga.

“Kasi, nakakahiya sa mga manonood.

“Gusto ko hong maghatid ng kuwento, lalo na sa mga taong nakaka-relate sa pinagdadaanan ng role ko.

“Kahit paano, gusto kong magbigay ng inspirasyon.

“Paano kung hindi ko naramdaman? Paano kung yun palang eksenang yun ang eksaktung-eksaktong pinagdadaanan ng taong yun?

“’Tapos, mali ang emosyon na binigay ko—nakakahiya naman.”

Mula nang pasukin niya ang pag-arte at ngayong nananalo na siya ng awards, may pagbabago ba sa pag-atake ni Angel sa karakter?

Saad niya, “Actually, ganoon pa rin ho, e.

“Dahil marami akong natutunan sa mga magagaling na direktor at sa mga artistang nakakatrabaho ko at sa mga experience sa buhay.”

Siya ba ang tipo ng artistang dumarating sa set na handa na o sa set pa lamang kumukuha ng inspirasyon?

Ayon kay Angel, “Ako ho, dumarating sa set na memorize ko na lahat, Pati sequence guide. Pati linya mo, ganyan.

“Minsan kasi, may ginagawa tayong project na on-the-spot agad. So, kailangan mo rin mag-adjust.

“Hindi kasi puwedeng mag-a-adjust sila kung paano ka magtrabaho.

“Pagdating lang doon, kailangan lang maging alert ka, kausapin mo mga director mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alamin mo ang nangyayari at dapat lang, bilisan mong mag-memorize. Mabo-boldyak ka kung hindi.”


GRATITUDE. Sinabi naman ni Boy na napaka-blessed ni Angel dahil sa loob ng nakalipas na ilang taon, binibigyan siya ng Star Cinema ng magagandang proyekto.

Nakangiting pagsang-ayon naman ni Angel, “Ang suwerte ko ho talaga.

“Pagkadami-dami ng magagaling na artista, I’m very thankful ho sa Star Cinema. Sila ang nagbukas ng lahat ng pintuan sa akin.

“Hindi naman siguro ako mare-recognize bilang isang artista o credible na artista, kung hindi dahil sa kanila.

Hindi nakalimutang magpasalamat ni Angel nang maalala na “very blessed” nga siya dahil kay Ms. Malou Santos.

Si Ms. Santos ang nagtiwala raw sa kanya sa mga proyekto niya sa Star Cinema tulad ng bago niyang pelikula na Four Sisters And A Wedding na ipapalabas sa June 26.

“Sila ho talaga ang nagbukas ng pinto, dahil sa Star Cinema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN