Nora Aunor, Jericho Rosales, and Alessandra de Rossi win major awards at the 36th Gawad Urian

“Last year, ang dami kong tinanggihang pelikula, tatlo lang ang tinanggap ko.Yung tatlo na ‘yon pumasok dito, ‘tapos na-nominate pa ako. So, parang tama yung choices ko sa buhay kahit wala akong pera lagi," said first-time Gawad Urian Best Actress Alessandra de Rossi (second from left) during the 36th Gawad Urian Awards Night on June 18.

In this photo: (From left) Alessandra was pictured with Best Supporting Actor Art Acu&nt


Sa unang pagkakataon, nagkamit ng parangal sa pag-arte sina Jericho Rosales at Alessandra de Rossi mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) sa ginanap na 36th Gawad Urian Awards Night sa NBC Tent, Taguig City kagabi, June 18.

Si Jericho ay tinanghal na Pinakamahusay na Aktor para sa kanyang pagganap sa kauna-unahan niyang indie film na Alagwa.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nabigyan si Jericho ng parangal para sa nasabing pelikula.

Una siyang itinanghal bilang Best Actor para sa Alagwa sa Newport Beach Film Festival noong nakaraang buwan. Ginanap ang nasabing filmfest sa California, U.S.A.

Para sa 33-year-old actor, mas masarap daw ang pakiramdam na makakuha ng parangal mula sa local award-giving body, tulad ng Gawad Urian.

Paliwanag niya, “Kasi, isa itong simbolo ng pagtanggap ng mga Pilipinong kababayan natin sa mga proyekto na binubuhos natin ang lakas, galing, sipag, at pagmamahal natin.

“Kaya rin meaningful para sa akin ito kasi it’s my first indie film, I’ve been very choosy, pinipili ko talaga kung ano ang gagawin ko.

“Then, finally, a great story came to us with an advocacy pa, kasi it highlights human trafficking. I really worked hard para sa pelikula.

“Hindi lang ‘to para sa akin, but it means a lot.”

Samantala, lubos din ang saya ni Alessandra de Rossi nang parangalan siya bilang Ikalawang Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang Sta Niña.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Alessandra na matagal-tagal na raw siyang “nagpapa-cute” sa mga manunuri ng Gawad Urian, “Pero ngayon nyo lang ako napansin.”

Dagdag pa niya, “Na-shock ako na kalaban ko pala ang sarili ko.”

Sa panayam sa StarTalk host at isa sa mga manunuri ng Gawad Urian na si Butch Francisco kagabi, inamin ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi na tatlo ang kanyang nominasyon sa ika-36 na Gawad Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang beses siyang nominado sa best supporting actress category para sa mga pelikulang Mater Dolorosa at Sta. Niña. Nominado rin siya sa best actress category, kung saan nakalaban niya ang kanyang kapatid at co-actress na si Assunta sa pelikulang Baybayin.

Ani Alessandra, “Last year, ang dami kong tinanggihang pelikula, tatlo lang ang tinanggap ko.

“Yung tatlo na ’yon, pumasok dito, tapos na-nominate pa ako. So, parang tama yung choices ko sa buhay kahit wala akong pera lagi.

“Ang gusto ko lang naman po ay maging magaling, e. Ayaw kong maging sikat.”

NORA WINS AGAIN FOR THY WOMB. Samantala, muli namang nagkamit ng acting award si Superstar Nora Aunor para sa pelikulang Thy Womb.

Una nang pinarangalan si Nora para sa kanyang mahusay na pag-arte sa nasabing pelikula sa mga film festival sa iba’t ibang bansa.

Kabilang na rito ang Venice Filmfest/Independent Critics Group (Italy); Asia-Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane, Australia; at Asian Film Awards, sa Hongkong.

Sa Venice at Australia ay kapwa nanalo ng parangal sina Nora at ang kanyang direktor na si Brillante Mendoza.

Tulad ng sinabi ni Jericho, mas masarap din daw para kay Nora ang parangal na mula mismo sa mga Pilipino.

“Napakasarap po ng pakiramdam na ang ginagawa ninyong proyekto ay kinikilala sa ibang bansa.

“Pero mas masarap po pala talaga ang pakiramdam kung ang inyong mga kababayan mismo dito sa atin ang nagbibigay ng parangal.”

Ang kauna-unahang Best Actress award ni Nora ay nakuha rin niya mula sa Gawad Urian noong 1976 para sa pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos.

Nanalo rin ang direktor ng Thy Womb na si Brillante Mendoza para sa Best Production Design category.

Sa kabilang banda, isang “Natatanging Gawad Urian” naman ang ibinigay para sa beteranang aktres na si Mila del Sol.

Ilan sa mga nakilalang pelikula niya ay ang Giliw Ko (1939), Orasang Ginto (1945), Pakipot (1960), at Tatlong Magdalena (1960).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga naging host para sa gabi ng parangal ay sina Cherie Gil, Richard Gomez, Iza Calzado, Xian Lim, at Butch Francisco.

Sina Aiza Seguerra, KZ Tandigan, Abra, at ang bandang General Luna ay nagkaroon ng production numbers sa programa.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa 36th Gawad Urian Awards Night:

Best Film: Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim

Best Director: Adolfo Alix (Mater Dolorosa)

Best Actress: Nora Aunor (Thy Womb)

Best Actor: Jericho Rosales (Alagwa)

Best Supporting Actress: Alessandra de Rossi (Sta. Niña)

Best Supporting Actor: Art Acuña (Posas)

Best in Cinematography: Whammy Alcazaren and Sasha Palomares (Colossal)

Best in Screenplay: Mes de Guzman (Diablo)

Best Short Film: Remton Zuasola (Ritmo)

Best Documentary: Benito Bautista (Harana)

Best Production Design: Brillante Mendoza (Thy Womb)

Best Editing: Aleks Castañeda (Kalayaan)

Best Sound: Willy Fernandez, Bong Sungcang, and Ferdinand Marcos Sabarongis (Florentina Hubaldo)

Best Music: Diwa de Leon (Baybayin)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN