Taylor Lautner is the newest endorser of Bench; Ben Chan describes Hollywood star as “sobrang bait”

Nagbahagi ng personal experiences si Ben Chan noong nagkita sila ni Taylor Lautner (o si Jacob ng Twilight Saga) last month para sa shooting na ito sa Bench.


Nagpatawag ang founder ng Bench clothing na si Ben Chan ng isang press conference para ianunsiyo na si Taylor Lautner—kilala ring si Jacob ng Twilight movies—ang bago nilang endorser.

Ang biro ng entertainment writers, bakit mas pinili niya si Taylor over Robert Pattinson (o si Edward ng Twilight Saga).

Tugon ni Mr. Chan, “E, siyempre, mas maganda ang katawan nito [Taylor], ‘cause Bench, di ba?”

Sinundot naman ito ng isa pang tanong kung bakit hindi sa Bench Underwear kinuha si Taylor.

“Mahirap ‘yon, pag underwear, triple ang presyo,” tugon ng businessman.

Hindi naman sinagot ni Mr. Chan ang tanong kung si Taylor na ba ang may pinakamahal na bayad sa lahat ng mga naging foreign endorsers ng Bench.

Ilan sa mga naging foreign endorsers ng clothing brand ay sina Jessica Sanchez, Adam Levine, Liam Hemsworth, Jerry Yan, Lee Min Ho, at marami pang iba.


FIRST CHOICE. Paglalahad pa ni Mr. Chan, personal choice nila si Taylor.

“Kami talaga ang namili. Nag-survey kami kung sino talaga ang gusto ng tao.”

Ginanap daw nila ang commercial at photo shoot sa Los Angeles, California noong nakaraang buwan.

May mga naging special demands ba si Taylor during the shoot?

Mabilis na tugon ni Mr. Chan, “Wala. Sobrang bait.”


MEETING TAYLOR FOR THE FIRST TIME. Hindi itinanggi ni Mr. Chan na nai-starstruck pa rin siya kapag nakakakilala ng mga celebrities, mapa-Hollywood man o local celebs.

Ano naman ang pakiramdam niya nung una silang magkita ni Taylor?

“Suyempre kinakabahan din kasi pag suplado mate-turn off ka. Pero ’eto, tumatabi na nga ako, lalapit pa siya, di ba?” kuwento ng successful businessman.

Pagpapatuloy pa niya, “The usual. Nagfi-filming na nga, ayaw mong guluhin, lalayo ka. Siya [Taylor], lalapit pa siya para tanungin, ‘How’s everything?’”

Pagbabahagi pa ni Mr. Chan, mabiro raw ang personality ni Taylor at nang ganapin ang shooting ay kasama pa ang ama nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang entertainment reporter ang humirit kung may ipinakilala bang girlfriend ang Hollywood actor.

Sagot ni Mr. Chan, “May ’pinakilala sa akin. Hindi artista. Di ko rin alam kung girlfriend niya ‘yon, pero mayroong pumunta.

“Siyempre, ayoko namang magtanong-tanong.”

Kasabay ng pag-anunsiyo na si Taylor ang bagong endorser nila, sinabi rin during the special announcement na ang pagdating sa bansa ni Taylor ay magaganap ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN