Marco Morales arrested in Makati over alleged motel robbery

Naaresto na ng Makati-PNP ang indie film actor na si Marco Morales dahil sa bintang na pagnanakaw diumano sa ilang motels sa Metro Manila. Ngunit itinanggi ng aktor ang mga bintang sa kanya.


Hawak na ngayon ng Makati-PNP si Marco Gonzaga Saca, a.k.a. Marco Morales, matapos itong maharang ng mga guwardiya ng hotel habang papalabas ng St. Giles Hotel sa naturang lungsod kaninang madaling-araw, June 19.

Sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, June 19, ipinakita dito ang isang CCTV footage sa naturang hotel nang mag-check-in ang indie film actor noong Lunes, June 17.

Patakas na daw sana si Marco kaninang madaling-araw pero naharang na ito ng mga guwardiya at naitimbre na sa Makati police.

Ayon pa kay Senior Superintendent Manuel Lukban, Jr. nakatimbre na raw si Marco sa naturang hotel.

Dagdag pa niya, “Discreetly, tinanggap siya doon but meron nang notice na kilala na siya.

"So pinagbigyan pa rin, pina-allow pa rin siyang makakuha ng room, until na makakakuha tayo ng evidence na yung ginamit nga niyang card nga roon through internet booking ay fraudulent.”

HOTEL AND MOTEL BILL SKIPPER. Sa natura pa ring ulat, binansagan si Marco na "notorious" na sa mga booking sa motel at hotel kung saan may unpaid bills ito sa Pasay, Manila, at Makati, kaya naman daw nakaalerto na ang mga kahalintulad na establishments.

Last May, nag-check-in sa Manila Peninsula Hotel si Marco gamit ang pangalang Mark Roche at umabot sa 100 thousand pesos ang bills niya dito. Kasama sa bill niya ang isang Lenovo laptop.

Nagpanggap naman siyang Jefferson Jayson Gonzaga nang mag-check-in sa Mandarin Hotel noong June 14 pero hindi daw ito natuloy dahil hindi siya nakapag-cash deposit.

Inamin naman ni Marco na siya nga ang tumakas sa Victoria Court noong June 11. Matatandaang sa Victoria court ay muntik nang makasagasa si Marco ng isang motel staff.

Pag-amin nito, “I had no excuse to uhm… like I may hurt someone. I terribly… I needed to help someone out, like in a flesh. I just needed to get out through the barricade.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sinabing barikada ni Marco ay ang linen cart na iniharang ng mga motel staff sa kanyang minamanehong Volvo. Pero itinanggi niyang siya ang kumuha ng LED TV sa kuwarto.

Depensa niya, “Hindi po ako magnanakaw. Wala nga po akong matinong… wala nga po akong bahay na matino, e.”

Itinanggi rin ni Marco na inabandona niya ang kanyang kotse sa Sogo Hotel sa Malibay, Pasay.

Sabi niya, “Wala nang gaas yun, e, but I needed to go because I need to get somewhere… I need to get gas.”

Handa naman daw nitong harapin ang patung-patong na kasong estafa, theft, at frustrated homicide na nakatakdang isampa dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN