Estranged couple Ai-Ai delas Alas and Jed Salang meet in court for hearing of civil case filed by the comedienne

Muling nagharap ang mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Jed Salang para sa pagdinig sa civil case na isinampa ni Ai-Ai laban kay Jed.


Nakunan ng TV Patrol ang paghaharap ng estranged couple na sina Ai-Ai delas las at Jed Salang sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 94—o mas kilala sa tawag na Family Court—kahapon ng umaga, June 19.

Ito ay kaugnay ng pagdinig sa civil case na isinampa ni Ai-Ai laban kay Jed noong May 24—ang Violence Against Women and their Children o paglabag sa RA 9262. Kasama ring hiniling ng komedyana ang Temporary and Permanent Protection Order.

Magkahiwalay na dumating sina Ai-Ai at Jed sa Quezon City RTC pero hindi sila nagbigay ng anumang pahayag.

Pagkatapos ng closed door court proceeding, magkahiwalay ring umalis sina Ai-Ai at Jed.

Nang muling hingan ng pahayag, parehong “no comment” ang sagot ng dalawa.

Samantala, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na tatlong military ang naka-back up kay Ai-Ai, bukod pa sa PSG na nakabantay rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN