James Yap’s camp to Kris Aquino: "Stop this drama!"

Sinagot ng kampo ni James Yap ang mga bagong pahayag ng dating asawa ng basketbolista na si Kris Aquino kaugnay ng pagbisita nito sa kanilang anak na si Bimby. Ayon kay Atty. Kapunan, mayroon silang katibayan na papahirapan diumano ni Kris si James na mabisita si Bimby.


Nagbigay na ng pahayag ang kampo ni James Yap tungkol sa mga panibagong pahayag na binitawan ng kanyang dating asawa na si Kris Aquino.

Matatandaang sinabi ni Kris na huwag siyang gawing "kontrabida" ng kampo ni James dahil siya pa diumano ang nagkusa na kontakin ang kampo ng basketbolista para ipahiram ang anak nilang si Bimby at makasama ng ama.

(Read: Kris Aquino to James Yap’s camp: "Honestly, huwag naman akong gawing kontrabida.")

Pero ayon sa statement ni Atty. Lorna Kapunan, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, June 20, mayroon silang pruweba na diumano ay papahirapan ni Kris si James na mabisita si Bimby.

Ayon pa kay Atty. Kapunan, tigilan na raw ang ganitong drama dahil ang gusto lang naman daw ni James ay mabisita, makasama, at makita ang anak.

Hindi naman daw kalabisang magkita ang mag-ama, ayon na rin sa desisyon ng korte na kailangan ni Bimby ang parehong mga magulang.

Narito ang kabuuang statement ni Atty. Kapunan:

“Kris and/or her lawyers actions are not consistent with good faith.

"We have text messages from Kris indicating she will make it difficult for James to visit Bimby, and that James should file a motion to amend the visitation order for him to visit Bimby.

“Her lawyers indicated they will question the order of the court denying PPO over Bimby and have asked to see the report of the psychiatrist/sociologist.

“We don’t know if Kris sent James a text knowing that he is out of the country—unless she wants to again build a case against James alleging that he has neglected his duties as a father.

“Enough of this drama! James just wants to visit his son. Is that too much to ask—when the court already decided that Bimby needs both parents!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JAMES STILL IN ITALY. Samantala, patuloy pa ring ini-enjoy ni James ang kanyang European vacation, kung saan nanatiling misteryo kung sino ang kasama niya sa ilang linggo na paglilibot doon.

Pero kahapon, June 19, sa kanyang Instagram account, nag-post si James ng litrato na may yumakap sa kanyang isang babae, na mukhang foreigner, ngunit wala itong caption kundi hastag na #italy #niceview.

Hindi rin niya sinagot ang mga followers niya sa kanilang mga katanungan kung sino ito at ano ang relasyon nito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN