Neil Ryan Sese gets guaranteed contract after 11 years of being an actor

“I’ve been an actor since 2001. Ilang TV shows na ang nagawa ko sa magkakaibang TV networks, GMA-7 lang ang nag-offer ng kontrata sa akin. Para sa isang character actor na tulad ko, imposibleng bigyan ka ng kontrata, e. Hindi naman tayo tulad nina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez or Dennis Trillo. But after I did Munting Heredera, doon na nila ako kinontrata for three years," pahayag ni Neil Ryan Sese tungkol sa three-year guaranteed cont


Nagpapasalamat ang film-TV-theater actor na si Neil Ryan Sese dahil sa sunud-sunod na TV projects niya sa GMA-7.

Lalo niyang ikinatutuwa na parati siyang sa primetime series ng Kapuso network napapanood.

Simula noong gawin niya ang Munting Heredera (2011-2012), nasundan ito ng Biritera, My Daddy Dearest, Paroa Ang Kuwento ni Mariposa, Pahiram Ng Sandali, Indio, at Love & Lies.

Ngayon naman ay kasama siya sa primetime series na Anna KareNina.

Pinapirma ng three-year guaranteed network contract last year si Neil ng GMA-7 na labis niyang ikinatuwa dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng ganung kontrata sa tagal ng kanyang pagiging isang artista.

Lahad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve been an actor since 2001.

“Ilang TV shows na ang nagawa ko sa magkakaibang TV networks, GMA-7 lang ang nag-offer ng kontrata sa akin.

“Para sa isang character actor na tulad ko, imposibleng bigyan ka ng kontrata, e. Hindi naman tayo tulad nina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez or Dennis Trillo.

“But after I did Munting Heredera, doon na nila ako kinontrata for three years.

“Siyempre, natuwa ako kasi sigurado na ang magiging trabaho natin at hindi na tayo palipat-lipat.

“Maganda na yung may maituturing kang tahanan na mag-aalaga sa iyo."

ANNA KARENINA. Sa primetime series na Anna KareNina, ginagampanan ni Neil ang papel bilang si Abel Barretto. Siya ang nag-iimbestiga kung sino ang tunay na Anna Karenina kina Barbie Forteza, Krystal Reyes, at Joyce Ching.

“Dahil sa sobrang concern ko sa kung sino ang tunay na Anna Karenina, magkakaroon kami ng conflict ng misis ko rito na si Ruth [played by Valerie Concepcion].

“Nagagalit siya dahil tumutulong ako sa paghanap ng tunay na Anna Karenina.

“May dahilan kung bakit siya galit dahil matindi pala ang selos niya sa tunay na ina ni Anna Karenina na si Maggie [played by Yasmien Kurdi].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalabas na pinagseselosan niya si Maggie noong maging kami noon. Pero napunta nga ako kay Ruth.

“At gusto rin ni Ruth na hindi na matagpuan ang tunay na Anna Karenina dahil gusto niyang siya na lang ang maging tagapagmana ng mga Monteclaro.

“Kaya may ganung kuwento that will eventually lead to what really happened to Maggie,” saad ng.

GINA ALAJAR. For the first time daw ay nakatrabaho ni Neil ang award-winning actress na si Gina Alajar, pero bilang direktor sa Anna KareNina.

Inamin ni Neil na noong nasa teatro pa lang siya ay pinangarap niyang makatrabaho ang tulad ni Gina Alajar dahil sa pagiging mahusay nitong aktres.

“Isa talaga si Direk Gina sa hinahangaan kong artista noong nagsisimula pa lang siya sa teatro at pelikula.

“Yung makasama ko lang siya sa isang project, ipagmamalaki ko na iyon.

“Natuwa naman ako dahil siya pa ang director ko ngayon sa Anna KareNina.

“Kaya it’s my honor to be working with her at iba pala ang experience na dinidirek ka ng isa sa nirerespestong aktres ng Philippine Cinema,” sabi ni Neil.

BACK TO THEATER AND INDIE FILMS. Dahil sa magkakasunod na TV shows ni Neil, marami na raw siyang natanggihang indie films at theater plays.

Nami-miss na nga raw niyang lumabas sa teatro at sa mga indie films kunsaan una siyang nakitaan ng husay sa pag-arte.

“Puwede ko namang gawin pero magiging conflict sa taping. Three times a week ang taping natin.

“E, ang teatro, kailangan parating may rehearsal diyan na hindi ko magagawa dahil nga sa taping.

“Yung indie film naman, kailangan tumugma ka rin sa schedules nila dahil mabilisan ang trabaho diyan.

“Nagkakataon na hindi talaga tumutugma.”

Ang mga huling pelikulang nagawa ni Neil ay ang suspense-thriller na Guni-Guni at ang Captive ni Brillante Mendoza. Parehong ipinalabas noong 2012 ang dalawang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Neil, “Noong hindi pa tayo busy sa TV, nakakailang indie movies ako sa isang taon.

“There was one year nga na naka-pitong indie films ako. Ngayon, wala talaga akong magawa kahit isa.

“But hopefully, after nitong Anna KareNina, may magawa ako kahit isang movie or isang stageplay bago ako magsimula ng bagong TV show.

“Gusto ko naman siyempre balikan kung saan ako nagsimula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN