Rayver Cruz still maintains friendly relationship with ex-girlfriend Cristine Reyes

Tuwang-tuwa si Rayver Cruz sa kakaibang karanasan niya sa Cannes Film Festival kung saan ipinalabas ang pelikula nilang On The Job. Kuwento niya, “Sobrang overwhelming yung pakiramdam, kasi na-appreciate nila yung movie. Nakita ko sa kanila na tuwang-tuwa sila, yung pagtanggap nila sa pelikula sa Cannes—ibang-iba.”


Hindi maiiwasan na sa tuwing may mga isyu at kaganapan sa buhay ni Cristine Reyes, nahihingan pa rin si Rayver Cruz ng reaksiyon tungkol dito.

Marami ang saksi na sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa ay nandoon pa rin ang kanilang magandang samahan.

Patunay nito ay sa tuwing may guest appearance si Cristine ay madalas kasama niya ang ex-boyfriend off-cam.

Pero kamakailan ay nabalitang madalas nakikita si Cristine na kasama ang kanyang gym trainor.

Ayon pa rin sa balita, sweet na sweet ang dalawa at pag-iisipang may espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Rayver, hiningan namin siya ng komento tungkol sa isyung ito sa ex-girlfriend.

Reaksiyon niya, “Diyan sa issue sa trainor niya, di ko alam, di ko inaalam.

“Kung saan man siya ma-link, kung kanino man siya ma-link, wala namang mali.

“If she’s dating or lumalabas siya, there’s nothing wrong with that, single naman siya.

“Ako din naman, I go out with friends sometimes, lumalabas din ako, kasama ng mga pinsan ko, nakaka-meet din ako ng ibang tao.

“Walang masama kung lumalabas.”

Ayon sa young actor ay madalas naman silang nagkikita ni Cristine at napanatili nila ang pagiging magkaibigan.

“Oo, sa taping. Okay naman, ganoon pa rin, magkaibigan pa rin.

“Nagkaka-text-an pero hindi na yung lagi, nagkikita naman kami lagi sa taping.”

Magkasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.



BUSY WORKING. Kinumusta rin namin kung may bago na siyang nililigawan o kung may bago nang nagpapatibok ng puso niya.

Tugon ni Rayver, “Wala, e. Work muna siguro and hindi ko naman hinahanap kasi darating naman yun.”

Sa ngayon ay abala si Rayver sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ang seryeng diumano’y ipinagpalit niya sa role bilang Diego sa natapos na Ina Kapatid Anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Actually, hindi ko pa alam pero malapit na rin.

“Okay naman, masaya naman sa set, tuluy-tuloy ang taping namin so ayun, hinihintay lang namin na mapalabas.”

Sa consistent high ratings ng Ina Kapatid Anak, na nagtala ng 42 percent ang last episode, hindi ba nanghihinayang si Rayver na hindi siya natuloy sa serye?

Sabi niya, “Di naman, wala namang regrets

"Kung saan naman ako ilagay, walang problema.

“Di ko naman tinanggihan, management talaga ng nag-decide na doon na lang ako sa Bukas.”



HIGHLY ACCLAIMED. Balitang binili na ng ilang daang milyong piso ang pelikulang On The Job para sa distribution nito internationally.

Kasama si Rayver sa cast ng pelikula na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson.

Wala pa mang kumpirmasyon na nakarating kay Rayver ay hindi na niya ikinagugulat kung mabili man ng ganitong kamahal ang pelikula.

“Wala pang sinasabi sa akin pero kung ganoon nga ang mangyari, di naman malayo.

“Maganda yung movie and congrats sa buong team sa pelikula at sa lahat ng mga bumubuo ng mga pelikula.

“Excited na excited na ako na ipalabas siya dito.”

Nagkuwento rin si Rayver sa magandang karansanan niya sa dinaluhang Cannes Film Festival.

“Sobrang overwhelming yung pakiramdam, kasi na-appreciate nila yung movie.

“Nakita ko sa kanila na tuwang-tuwa sila, yung pagtanggap nila sa pelikula sa Cannes—ibang-iba.

“Noong nakikita ko na pinapalakpakan nila at nag-standing ovation pa, sobrang saya na, ‘Totoo ba ito? Totoo bang nangyayari ito?’

“Sobrang proud, oo, sobrang nakaka-inspire.

“Ang galing-galing ng mga pelikulang Pinoy, yung mga pelikula nating pumapasok sa ganoong mga festival.

“Parang iba na rin talaga yung talent nating mga Pinoy sa paggawa ng mga pelikula—ibang klase!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN