Marian Rivera ends misunderstanding with Mother Lily with a kiss and a hug

Marian Rivera on her supposed MMFF movie with Regal Films: “Ang sinasabi namin na sana ay planuhing mabuti, upuan namin, tapos makapag-usap-usap sa mga bagay-bagay para maayos naman.”


Agad na nagkaayos at nagkaliwanagan sina Marian Rivera at Mother Lily Monteverde sa press conference ng pelikulang My Lady Boss sa Imperial Palace Suites, Quezon City, kaninang tanghali, June 20.

Umpisa pa lamang ay agad nang tinanong ang bidang aktres sa pelikula tungkol sa diumano’y hindi nila pagkakaunawaan ng Regal matriarch.

Sa ulat ng PEP contributor na si Gorgy Rula, naikuwento ni Mother Lily kung bakit walang official entry ang Regal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ayon kay Mother Lily, mayroon daw sana siyang isasali na pelikulang pagsasamahan nina Judy Ann Santos at Marian Rivera, pero tumanggi raw ang Primetime Queen ng Kapuso network.

“Ayaw niya gawin kasi gusto raw niya, solo siya,” bulalas ni Mother Lily.

Sabi pa nito, “You know, malungkot din ako kasi wala ako entry. Pero ayaw gawin ni Marian, e.”

(Read: Mother Lily puts blame on Marian Rivera for not having MMFF entry this year)

Nang hingan si Marian ng paliwanag tungkol dito, sagot niya, “Kilala naman natin si Mother Lily, alam kong mahal ako niyan, siguro misunderstanding lang.”

Dagdag pa ng aktres, “Malaki ang utang ng loob ko kay Mother. Alam ko na matagal na kaming hindi nagkikita, hindi kami nakakapag-usap.

“May mga bagay talaga na minsan dapat yung bawat tao yung nag-uusap, hindi yung may pagitan kung ano yung gusto mong sabihin sa bawat tao."



CONTRACT WITH REGAL. Maya-maya pa ay sandaling nag-isip si Marian kung paaano niya ipaliliwanag sa press ang mga nangyari tungkol sa isyung ito.

Aniya, “Wala po akong hinihindian sa Regal. Ako po ay nakakontrata sa Regal.

“Katunayan nga po niyan, nandito po ako sa Imperial [na pag-aari ni Mother Lily] at itong My Lady Boss ay sa Regal po ito.

“At saka may dalawa pa po akong pelikulang gagawin sa Regal.”

Aminado naman ang 28-year-old actress na sinabi niya sa Regal na “sandali lang muna po” nang mabanggit sa kanya ang pelikulang gagawin sana nila ni Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwang ni Marian, “Ayaw ko na kasi yung mga pagkakataon na gagawa ng pelikula, biglang oo na lang nang oo.

“Gusto ko yung pinagpaplanuhan, yung maganda.”



NOT BECAUSE OF JUDY ANN. Nilinaw rin ni Marian na hindi niya tinanggihan ang pelikula dahil sa makakasama sana niya.

Ani Marian, “Noong sinabi nga po sa akin na makakasama ko si Ms. Judy Ann, siyempre excited po ako doon.

“At malaking karangalan po para sa akin ‘yon dahil napakagaling po ni Ms. Judy Ann Santos.

“Siyempre, gusto ko rin naman po na ihanda yung sarili ko sa mas magandang proyekto.

“At alam ko po na kapag nagsama kaming dalawa, marami akong matututunan sa kanya.

“Kaya wala pong katotohanan na hindi ko siya gusto, na tumanggi ako sa pelikula.”

Giit pa ni Marian, “Gusto ko lang po nang mas maayos, planado para mas maganda po yung mai-offer natin sa tao.

"At talagang maipagmamalaki ko na, ‘Ay, nakasama ko si Judy Ann. Ay, magaling din ako diyan. Ay, maganda yung proyekto namin.’

"Gusto ko yung ganun po sana.”

Sinegundahan naman ng talent manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo, na dumalo sa presscon kanina, ang pahayag ni Marian.

Ayon kay Alfie, si Judy Ann ang tumanggi sa naturang proyekto dahil sa ibang mga commitment nito.

Sa kabila ng mga lumabas na balita, naniniwala naman si Marian na maipaliliwanag nang maayos ang naging konteksto ng isyu.

Sabi pa niya, “For sure nagtatampo lang ‘yan [Mother Lily] at hindi naman galit siguro.

“Lalambingin ko na lang po mamaya!”

Nangyari naman ito nang dumating si Mother Lily sa kalagitnaan ng press conference.

Bago magbigay ng statement ang Regal matriarch, hinalikan niya muna sa pisngi at saka niyakap si Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN