Richard Gutierrez to take long vacation after end of contract with GMA-7: "Now is the perfect time for me to step back and relax."

Hindi direktang sinagot ni Richard Gutierrez ang tanong kung totoo nga bang hindi na siya magre-renew ng kontrata sa GMA-7. Pero aniya, “I think it’s the right time to take a vacation. Take a long break. Step back, see where I want to be. Matagal na panahong hindi ako nakapagpahinga nang matagal. Lahat ng oras ko, dinedicate [dedicated] ko sa trabaho ko."


Muling humarap sa press sina Richard Gutierrez at Marian Rivera dahil sa sa wakas ay matutuloy na rin ang pagpapalabas ng kanilang pelikula para sa Regal Entertainment at GMA Films, ang My Lady Boss, sa July 3.

Parehong mainit ngayon ang dalawang Kapuso stars dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

Sa kaso ni Marian ay ang tampo sa kanya ng Regal matriarch na si Lily Monteverde dahil ang aktres diumano ang dahilan kung bakit walang entry ang Regal Films sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ayon kay Mother Lily, tinanggihan daw ni Marian ang offer na pelikulang pagsasamahan sana nila ni Judy Ann Santos.

(Read: Mother Lily puts blame on Marian Rivera for not having MMFF entry this year)

Kanina sa presscon ay nagkapaliwanagan na sina Marian at Mother Lily dahil sa Imperial Palace Suites, na pag-aari ng film producer, naganap ang presscon ng My Lady Boss.



LONG VACATION. Kay Richard naman ay ang balitang hindi na niya pagre-renew ng kontrata sa GMA-7.

Balita rin kasing pupunta ng Switzerland ang aktor para mag-aral at samahan ang kanyang kasintahan na si Sarah Lahbati.

Sabi ni Richard tungkol dito, “I think it’s the right time to take a vacation. Take a long break. Step back, see where I want to be.

“Matagal na panahong hindi ako nakapagpahinga nang matagal.

“Lahat ng oras ko, dinedicate [dedicated] ko sa trabaho ko.

“Sa GMA, eleven years akong gumawa ng soap opera, sitcom, Survivor, game show… nag-Extra Challenge at mga documentaries for the News.

“Non-stop work ako for eleven years.

“Now, I decided, now is the perfect time for me to step back and relax.”

Totoo bang plano niyang mag-aral ng film directing?

Tugon ni Richard, “I plan to go to school, yes.

“But, until now, hindi pa ako nakakapag-decide kung saan talaga ako mag-aaral o anong school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ngayon, after this movie, I’m gonna take a break and see kung saan ko talaga gustong mag-aral.”

Posible nga bang sa Switzerland kunsaan naroon si Sarah?

“Tingnan natin, tingnan natin,” sambit niya.

Gaano naman katagal ang plano niyang pagbabakasyon?

“Let’s see, let’s see what’s gonna happen… siguro a few months.

“I’m not closing my doors for anything. Tingnan natin.

“I just wanna unwind and see kung saan ko talaga gusto.”



SARAH IN SWITZERLAND. Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang bumalik sa Pilipinas si Richard mula sa pagbabakasyon niya sa Switzerland upang bisitahin si Sarah doon.

Halatang pribado kay Richard ang relasyon nilang dalawa ni Sarah ngayon. Lalo na’t malakas ang usap-usapan na nagsilang na raw si Sarah ng kanilang supling ni Richard.

Pero napakiusapan naman ang aktor na magkuwento ng puwede niyang i-share tungkol sa kasintahan.

Ayon kay Richard, “Sarah is doing well and she will come back soon.

“Haharapin niyang lahat ang mga intriga.

“So, abangan n’yo na lang kung kailan siya babalik. But I guarantee, she will come back soon.

“And she will answer all the questions for you, guys.”

Kasama rin daw sa haharapin ni Sarah ang mga kasong isinampa laban sa kanya ng kanyang home network na GMA-7 at ng GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN