Allen Dizon on doing more than butt exposure: “Wala na, lalo na ngayon, matanda na ako, di ba?”

Allen Dizon on playing gay roles: “Walang problema yun, lalaki naman ako, e... Lahat naman yata ginawa na yun, e. Sila John Lloyd nga, nakipaghalikan sa lalaki.”


Magkaibigan sina Allen Dizon at Bangs Garcia, pero may mga matitindi silang love scenes sa indie film na Lauriana.

Mula sa direksiyon ni Mel Chionglo, ang Lauriana ng BG Productions at FDCP ay entry sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Council of the Philippines.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen kung hindi ba siya naiilang sa daring scenes nila ni Bangs gayong magkaibigan sila.

Sagot ng aktor, “Daring talaga. Maiilang? Hindi.

"Iisipin ko na lang isa ko siyang girlfriend o asawa.

“Hindi naman siguro kami maiilang.

“Tsaka pag nandiyan na ang kamera, siyempre iisipin mo kung paano mo ie-execute nang maayos [ang eksena].

“Kung paano kayo magmumukhang talagang magkasintahan o mag-asawa.

“Ipapakita ko na lang na parang totoo, na natutukso ako kay Bangs.”



UNDERRATED. Marami nang acting awards si Allen, hindi ba niya nararamdaman na underrated siya bilang artista?

“Siguro para sa akin, okay na yun, okay lang naman yun, e. As long as may project, tsaka hindi ako nawawala.

“Iyon ang importante sa akin—hindi ako nawawala,” sabi niya.

Mas kilala si Allen bilang isang indie actor at hindi sa maintsream. Hindi ba sumasama ang loob niya kapag namemenos ang status niya bilang artista?

Tugon niya, “Okay lang, hindi naman ako John Lloyd [Cruz] siguro, hindi naman ako Piolo Pascual, e, di ba?

“Sila kasi, parang doon sila talaga, e.

“Kumbaga, malaking ano yung ABS-CBN sila, Star Cinema, so okay lang sa akin yun.

“Ever since, ako, ang crowd ko, different from them, di ba?

“Parang ang crowd ko, pang-indie film... sila crowd nila, mainstream.”



FROM INDIE TO MAINSTREAM. Nagsimula si Allen bilang sexy actor, naghuhubad, pero naka-“lundag” sa pagiging isang dramatic actor.

Sabi niya tungkol dito, “Malaking ano yun, iyon pa lang, parang ano na, malaking karangalan na para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, parang yung turn ko, three hundred sixty degree turn, di ba?

“Tapos, biglang nagka-award ako.

"So, iyon pa lang, blessing na yun para sa akin.”

Sino pa ang artistang gusto niyang makatrabaho?

“Sila Boyet [Christopher de Leon], hindi pa. Si Kuya Ipe [Phillip Salvador], hindi pa rin.

“Nakakasama ko sila sa basketball, pero hindi sa pelikula, hindi pa.”

Nakatrabaho na ni Allen ang ilan sa magagaling na aktres, tulad nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado. Sino pa ang gusto niyang makatrabaho?

“Sino pa bang bago? Si Marian Rivera, Angel Locsin... yung mga ganoon.”

Ano naman ang dream role ni Allen?

“Para sa akin, wala na, nagawa ko na lahat, e.”

Hindi pa raw siya nakakaganap ng isang gay role, pero nilinaw niyang papayag siyang gumanap bilang isang macho gay at kahit may love scene sa kapwa niya lalaki.

Aniya, “Depende siguro sa director, depende sa story... depende, depende siguro.

“Walang problema yun, lalaki naman ako, e. Wala namang problema yun, e.

“Lahat naman yata ginawa na yun, e. Sila John Lloyd nga, nakipaghalikan sa lalaki.”

DARING ALLEN. Pagdating naman sa pagpapakita ng katawan, ano ang pinakamatinding nagawa niya sa isang pelikula?

“Wala, puro puwet lang, e,” sabi ni Allen.

Pag higit pa doon ay hindi na raw niya kaya.

“Wala na, lalo na ngayon, matanda na ako, di ba?” at tumawa si Allen.

Karamihan sa mga pelikulang ginagawa ngayon ni Allen ay tungkol sa human rights.

“Oo, nagkataon, di ba? Sa akin, okay lang kasi at least kakaiba sa mga ginagawa ng iba.

“Sa abroad kasi, mas uso, e... mas maraming nakaka-relate.”

Ayon pa kayAllen, hindi siya mapili sa mga roles.

“Basta maganda, basta challenging.”



TELESERYE. Ang huling regular TV project ni Allen ay ang Princess and I sa ABS-CBN.

“Tapos nitong huli, nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] ako, kami ni Rica Peralejo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-e-enjoy rin daw siya sa paggawa ng mga teleserye.

“Oo naman. Mas nag-e-enjoy ako sa paggawa ng pelikula, pero kung... siyempre iba yung soap [opera], every day nakikita ka, nae-expose ka.

"Tsaka siyempre, maganda yung suweldo, kasi regular yun.

“May income kang regular, compared sa indie film.

“Magkano lang naman bayad sa amin sa mga indie films, mura lang naman, tapos ilang araw lang namin gagawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN