Ai-Ai delas Alas and children hit back at alleged defender of Jed Salang

Isang buwan munang magbabakasyon ang komedyanang si Ai-Ai delas Alas sa Los Angeles kapiling ng kanyang tatlong anak na sina Nicolo (dulong kaliwa), Sophia (pangalawa mula sa kaliwa), at Sancho (dulong kanan).


Kita ang kasiyahan sa mukha ni Ai-Ai delas Alas paglapag nila sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California, kahapon, June 20, dahil nagkasama na silang buong pamilya—siya at ang kanyang tatlong anak na sina Sancho, Sophia, at Nicolo.

Sa Instagram (IG) post ng Comedy Concert Queen, sinabi nitong magpapaka-ina muna siya sa buong isang buwan ng kanilang bakasyon sa Amerika.

Aniya, “paradise with my children yahoo!!!”

“At para sa aking mga close friends, friends, supporters, nagmamahal—magpapaalam lang po ako ng isang buwan na pananahimik sa IG. Magpakananay po muna ako sa mga junakis…Normal citizen muna.

“Laba laba, luto luto, plantsa (kahit di nila pinaplantsa damit dito) heheheee.

“Mami-miss ko kayo at pag na miss nyo ako silip silip lang pag may time sa IG ni Sancho or Sophia…God Bless you all and I love you all!!!!”

“See you all after 1 month kiss kiss.”

Matatandaang isang araw matapos ang hearing ng kaso nila ng dating mister na si Jed Salang sa Quezon City Regional Trial Court ay lumipad si Ai-Ai, kasama ang anak na si Sancho, papuntang Los Angeles noong June 19.

May mga naghinala rin na sa loob ng isang buwang pamamalagi ni Ai-Ai doon ay aasikasuhin na nito ang divorce papers nila ni Jed.

(Read: Ai-Ai delas Alas “starting to heal” after split from husband Jed Salang)



JED SUPPORTER? Pero ngayong araw, June 21, muling nag-post sa kanyang IG account si Ai-Ai.

Sabi niya, “SA MGA NAGMAMAHAL SAKEN SINABI KO MAMAHINGA AKO SA IG PERO SA KASAMAANG PALAD AY MGA ANKA KO ANG GINUGULO NI @GROIN19 (NA ALAM NATING LAHAT KUNG SINO!!!!) KAHIT ALAM KONG WALA KANG DYOS @GROIN19 KAHIT KONTE MATAKOT KA MAN LANG SA LAHAT NG GINAWA MO SAKEN AT SA LAHAT PA NG GINAGAWA MO…PLS LEAVE MY CHILDREN ALONE…”

Si “groin19” ay matagal nang nagko-comment sa mga post ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa komedyana at iba pang followers nito, si “groin19” ay defender diumano ni Jed.

Sa isang post ni Sancho ng isang throwback picture, naka-hastag dito ang salitang “#ungas.”

Nag-comment si “groin19” dito ng: “Tama ungas ka nga! Paki sabi sa nanay @aiaidelasalas mo bakit nya ako blocked? Masakit ba ang totoo? Ilusyunada kasi siya na maganda sya. Tell her to wake up na.”

Sagot naman ng isa pang anak ni Aiai na si Sophie: “@groin19 nakakatakot daw kasi mukha mo JJ”

Sabi naman ni Sancho: “@groin19 wala ka na nga makain instagram ka pa ng instagram. Get a life…magsama kayo ni jed…J”

Marami pang sumunod na comments sina Sophie at Sancho. Pati ang kanilang mga followers ay kinuyog din ng komento ang sinasabing taga-depensa ng mister ni Ai-Ai.

Nag-post din si Sancho ng litrato nilang mag-anak at may caption ito na: “Hindi mo kami kayang tibagin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN