Kris Bernal still mum about real relationship wih Carl Guevara: “Kung anuman ang meron sa amin ni Carl, kami na lang ang may alam noon.”

Halatang may kakaibang pagtingin si Kris Bernal kay Carl Guevara kahit hindi aminin ng aktres ang tunay nilang relasyon. Sabi niya: “As of now, si Carl ang nakikita kong mabait at talagang may respeto sa pamilya ko at may respeto sa akin.”


Kung si Kris Bernal ang masusunod, gusto niyang paghiwalayin ang text votes sa votes ng judges na pinaiiral sa bagong Sunday All Stars o SAS.


Sa bagong format ng nasabing show, apat na teams ang nagtatagisan ng galing sa kani-kanilang production numbers.

Miyembro si Kris ng team “Ligang iLike” na pinangungunahan ni Jolina Magdangal bilang team leader.

Hindi sila pinalad na manalo noong pilot episode ng show noong nakaraang Linggo. Ang “Team Tweet Hearts” ni Jennylyn Mercado ang umani ng winning scores mula sa judges at text voters.

Dahil sa kanilang pagkatalo, sinabi namin kay Kris na bakit hindi niya i-suggest ang kanyang nasasaisip?

“Ano naman ang karapatan kong mag-suggest?” ang natatawang niyang sagot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 16, pagkatapos ng SAS pilot show.

INSTAGRAM MESSAGE. Pero ngayong Linggo, June 23, masusubukan naman ang kakayahan niya bilang team leader.

Sa Instagram account ni Kris, ipinapasa muna ni Jolina ang pagiging team leader kay Kris na napagkasunduan na ng production.

Kailangan kasing magpahinga ni Jolina ng dalawang linggo, base sa utos ng kanyang doctor.

Sa Instagram caption ni Kris, nakasaad na, “oh no! substitute muna ako ni Ate Jolens as leader ng Ligang iLike sa Sunday All Stars! :s grabeee… pressure and stress ito! :p

“pero thankful ako sa opportunity na mag-lead sa team…thank you Ate Jolens @mariajolina_ig & SAS production team sa tiwala!:)

“ibubuhos ko at ipipiga ko ang aking makakaya! to our followers, we need your support and cooperation…itodo natin ‘to!

“Ngayong Linggo, ABANGAN ang kakaibang pasabog ng Ligang iLike! J marami kaming sorpresa para sa inyo! Go go go team!!!”

REAL SCORE. Nagawi naman ang usapan sa relasyon ni Kris kay Carl Guevara, kaya diretsahan namin tinanong kung ano talaga ang estado sa pagitan nila ng Kapuso actor.

Nakikita kasi silang magkasama sa ilang events at gayundin sa mga public places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dumating na sa puntong nagpunta sila ng Singapore ng ilang araw na regalo raw ni Carl sa kanya noong birthday ng aktres.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, tuwing mai-interview sila, ang tahasang sagot nila palagi ay wala pa silang relasyon, na hindi pa sila.

Sabi naman ni Kris, “May kailangan ba kaming aminin?”

Pinaalala naman namin kay Kris ang isang Instagram post ni Rochelle Pangilinan na kunsaan, “sweet na sweet” silang nagtitigan ni Carl na parang walang ibang tao sa paligid nila.

Nag-caption si Rochelle ng, “Sila ba?”

Isa sa sumagot dito ay ang mismong manager ni Carl na si Perry Lansigan ng, “Sila na! since____ .”

Pero tinag sa Instagram accounts nila sina Kris at Carl.

Kung susuriin, ang mga tao mismo na nakakakita, nakakasama nila ang tila nagsasabi na “sila na nga.”

“Siguro, may ibang tao talaga na, iba kapag nakita kami, iba ang iniisip nila.

“Siyempre, hindi mo naman maiiwasan yun.

“Makita lang nila na magkasama or nag-uusap o makita lang na medyo sweet na.

“Pero tingin ko naman, may iba’t ibang tingin din ang mga tao,” paliwanag ni Kris.

INDICATIONS. Sinabi naman ng isang entertainment writer kay Kris na, nireregaluhan siya ng trip to Singapore, pero, wala pa rin silang relasyon?

“E, niregaluhan niya ako ng trip to Singapore, kasalanan ko ba yun?”

Puwedeng isipin sa kanila na, obvious na naman na sila, pero, dine-deny lang nila.

Hindi ba niya nararamdaman na baka nagiging ganoon na ang dating nila ni Carl?

Saad niya, “Hindi, hindi naman.

“Hindi nila alam ang totoo. Kung anuman ang meron sa amin ni Carl, kami na lang ang may alam noon.

“Kung sa tingin nila, kami na, tapos, nagsisinungaling kami, hindi nila alam ang totoo.

“Nasa amin ni Carl yun.”

Si Aljur naman kasi ay naging bukas na sa relasyon nito kay Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba sa kanya, tulad halimbawa ng loveteam nila ni Aljur Abrenica?

Sabi naman ni Kris, “Yun nga, kung talagang kami ni Carl, aamin ako.

“Kasi, yung loveteam ko, umamin.

“Ano ito ha? Kung pag-uusapan natin ang pag-aalaga ko sa loveteam namin ni Aljur, bakit siya, puwede, ako, hindi, di ba?

“So, ibig sabihin, wala talaga—wala akong aaminin.”

MUTUAL UNDERSTANDING. May M.U. o mutual understanding ba sila ni Carl?

“M.U. means, nagkakaintindihan kami? Yeah, yeah, nagkakasundo kami sa maraming bagay.

“Pareho kami ng ugali, pareho ang mga gusto namin, pareho ang mga ayaw namin.

“So, I think, sa ganoong paraan, M.U. kami.”

Exclusively dating ba sila?

Nangiting sagot naman ni Kris, “’Yan, walang usapang ganyan, pinapayagan ko siya.

“’Sige, kung gusto mo, may makita kang okay, hindi kita pinagbabawalan.’

“’Kasi, wala namang commitment, wala namang pagbabawal sa atin.’

“So, kung consistent siyang nanliligaw sa akin, and I can see na, kini-keep niya rin yun.”

Hindi ba nakikipag-date si Carl sa iba?

“Sabi niya, hindi. Nakikita ko rin naman.”

Sa parte niya, puwede pa ba siyang tumanggap ng ibang manliligaw?

“Allowed din naman, pero, kasi, hindi naman ako yung klase ng babae na, lahat, sabay-sabay silang manliligaw.

“Kung may magustuhan man ako at mukhang okay, isa lang,” diin niya.

Si Carl na nga ba yun?

“As of now, si Carl ang nakikita kong mabait at talagang may respeto sa pamilya ko at may respeto sa akin.”

Nagkasama na at nagkapareha na sila ni Carl sa isang episode ng Maynila, kumusta naman ito?

“Okay naman, medyo awkward kasi, ngayon lang kami nagka-trabaho ulit.

“Kasi, nagkasama na kami sa Last Prince, ngayon lang kami nagka-trabaho ulit.

“Pero, ang dali lang humugot sa kanya ng emosyon.

“Maybe, because, alam niya lahat ng problema ko, alam niya ang story ko, sa personal life ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siya rin, alam ko rin yung sa kanya, so, madaling makahugot sa mga eksena namin.”

EXCHANGE GIFTS. Tinanong na rin namin si Kris sa naging isyu kay Carl na diumano, kapag nagsa-shopping sila, ang credit card ni Kris ang ginagamit at siya ang nagbabayad sa binibili nito.

Pero niregaluhan naman siya ni Carl ng trip to Singapore, ganoon nga ba sila ka-galante sa isa’t isa?

Tugon niya, “Hindi totoo yun.

“Honestly, I think, para sa status namin ni Carl, na ako ang babae, na nirerespeto niya ako bilang babae, na ako yung talagang sinusuyo niya.

“I don’t think… bakit ako ang maglalabas? Siya ang gumagawa noon sa akin, hindi ko naman hinihingi sa kanya.

“Yes, sometimes, I give him gifts. But I don’t give him rubber shoes or something expensive.

“Siguro, ang nabigay ko lang sa kanya, letters.”

Nang magbakasyon si Kris sa Europe, wala ba siyang ibinigay na pasalubong kay Carl?

Sagot naman ni Kris, “E, kasi, ang tipid-tipid ko sa sarili ko, gagastos pa ako sa kanya?”

Ipinu-post din niya sa kanyang Instagram ang mga napamili niyang mamahaling brand ng sapatos at bag.

Katwiran naman ni Kris, “Bongga ang mga pinamili ko, pero, wala naman akong binili sa kanyang bongga—binayaran niya sa akin yun.”

May nagbiro naman na bakit daw tinanggap pa niya ang bayad ni Carl?

“Tinanggap ko ang bayad, siyempre, pinaghihirapan ko ang pera ko.

“Hindi naman sa madamot ako. Pero siyempre, hindi ko naman kayang bumili ng ganoon kamahal para iregalo sa isang tao.

“Hindi ko nga mabigyan ang sarili ko ng mamahalin.”

LOST DOG. Ilang beses nag-post si Kris sa kanyang Instagram tungkol sa nawawalang aso niyang si Zubu, isang Pomeranian na regalo sa kanya ni Carl.

Humihingi ito ng tulong na mahanap ang aso niya dahil hindi na raw siya makakain at makatulog kakaisip dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin sila ng pabuyang P15,000 sa makakapagsoli sa kanila ng aso kalauna’y naibalik ang alaga.

Aniya, “Nakita na ang aso ko. My gosh, I’m so happy!”

Ano raw ang nangyari, saan nila nakita?

“Binenta siya. Yung nakabili, binalik sa amin.”

Ang production assistant ni Carl na si Bernard Piamonte o “Kabog” ang hinala niyang nagbenta.

“Siya o kakilala niya,” paglilinaw naman ni Kris.

Paano ang nangyari?

“Kasi, yung nagbenta raw sa kanila, diniscribe ng babae.

“Kasi, ayaw niyang magbigay ng pangalan, natatakot din ang pamilyang bumili.

“Kung papaano niya diniscribe, yun ang mga taong nakilala namin sa circle ni Kabog...

“Na may kamag-anak siyang ganyan. Ganyan ang itsura, ganyan-ganyan.

“So, yun, binenta siya. Nabalik din naman sa akin. Binenta siya for P2,000 lang.”

Binayaran nila muli yung bumili?

“Kasi, ang reward namin sa makakapagbalik sa amin, P15,000.

“Pero, hindi hiningi ng family yung P15,000, kasi, ang hinihingi nila sa amin, aso… pug.

“Gusto nila, palitan namin ng pug ang aso ko. Napalitan namin.

“Kasi, napamahal na pala sa kanila ang aso ko, kasi, more than one month na nasa kanila,” kuwento ng dalaga.

Masaya na si Kris na ngayon, kapiling na niyang muli ang asong regalo sa kanya ni Carl.

“Masaya na. Kasi, ang Mommy ko, hindi makatulog, hindi kami makakilos nang maayos.

“Talagang kapag wala akong trabaho, pumupunta ako ng Alabang, namimigay ako ng flyers, namimigay ako ng posters.

“Pinupuntahan namin ang presinto, para lang mahanap ang aso ko.

“At least ngayon, malaking relief sa amin,” dagdag pa niya.

NEXT MOVE. Kinumusta naman namin kay Kris ang relasyon niya ngayon sa pinaghinalaan din nila na diumano’y nagbenta ng aso niya.

Sabi naman ni Kris, “Sa totoo lang, ayaw na naming… kumbaga, bahala na si Lord.

“Kung anuman ang totoong nangyari—kung binenta niya ba, pinamigay niya sa mga kamag-anak niya, tapos, binenta ng mga kamag-anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw na naming magdemanda, ayaw na naming gantihan.

“Sabi nga namin, ‘Lord, kayo na po ang bahala. Kayo naman po ang may alam ng totoo.’”

Posible rin kayang walang alam si Kabog nang ibenta ito o kinuha rito?

Ang alam ni Kris, “Hindi siya kinuha kay Kabog.

“Kasi, noong ine-explain ng family, kung sino ang nagbenta sa kanila, nasa circle nila Kabog yun, Ate niya. Parang ganoon.

“Siguro, pinabenta ni Kabog o puwede rin, sinadya ng kamag-anak niya na ibenta, na hindi alam ni Kabog.

“Alam mo yun? Yung hindi alam ni Kabog na binenta,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN