Marian Rivera admits to crying over misunderstanding with Mother Lily: “Ako na naman ang masama. Ako na naman ang mali.”

“Naintindihan ko si Mother na na-disappoint siya dahil wala siyang pang-filmfest. Mahal na mahal ko si Mother at nagpapasalamat na lang ako na naayos na," sabi ni Marian Rivera tungkol sa naging tampo sa kanya ng Regal matriarch na si Lily Monteverde.


Pagkatapos ilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hinaing ni Mother Lily Monteverde kay Marian Rivera, nakatanggap kami ng tawag mula kay Rams David, ang presidente ng Triple A na siyang nagma-manage ngayon sa aktres.

(Read: Mother Lily puts blame on Marian Rivera for not having MMFF entry this year)

Ipinaliwanag ni Rams na maayos ang pag-uusap nila ni Roselle Monteverde-Teo, anak ni Mother Lily, na hindi muna gagawin ni Marian ang inaalok na project sa aktres.

Saad ni Rams, “Alam ko nagkakaintindihan na kami, e. Alam ko okay na.

“Ako ang nagsabi, ‘Kung puwede unahin muna natin ang solo movie for Marian.’ Sinabi ko yun.

“Wala si Marian sa meeting, wala rin si Mother.

“Wala naman script na ipinakita sa amin. Concept pa lang.

“Napag-usapan namin, pag-usapan pa muna namin at planuhin nang husto.”

THE SCRIPT. Nabanggit din daw na ang project na dapat na pagsasamahan nina Marian at Judy Ann ay isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, pero sa pagkakaalala raw ni Rams, hindi na rin aabot sa submission ng script.

Aware din daw si Rams na gusto muna ni Judy Ann basahin ang script bago ito mag-decide kung gagawin niya ang project o hindi.

Kuwento ng presidente ng Triple A, “May isang meeting uli kami sa Starbucks din, kasama na dun si Mother, pero wala si Marian.

“Nagkaayos kami na pag-usapan namin, planuhin nang husto.

“Aware si Marian sa napag-usapan namin nina Mother Lily, kasama si Roselle.”

Sabi pa ni Rams, “Kawawa naman si Marian, kasi siya ang sinisisi. Napagkasunduan namin ito lahat.”

"AKO NA NAMAN ANG MASAMA." Samantala, naiulat na rito sa PEP noong June 19 nang nag-return call si Marian sa amin para muling sagutin sana ang mga binitiwang pahayag ni Mother Lily.

Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Ayoko talaga sanang sagutin ‘yan kasi alam ko nagkausap na sina Mother at Ateng Rams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nakakahiya lang talaga, si Ms. Judy Ann, kasi wala namang ganun.

“Bakit ako na ang sinisisi? Ako na naman ang may mali?

“Alam mo, iniyakan ko talaga ito nang husto, kasi wala naman akong ginagawa.

“Ako na naman ang masama. Ako na naman ang mali.”

IT’S NOT MARIAN. Kinabukasan, June 20, bago nagsimula ang presscon ng My Lady Boss, nakatanggap ng tawag ang PEP mula kay Mother Lily.

Binawi sa amin ni Mother Lily na hindi raw mismo si Marian ang nagsabi na gusto nito ng solo movie.

“Si Rams nagsabi sa amin na alam ko si Marian ang may gusto!” medyo natatawang sabi ng film producer sa amin.

Pagdating sa presscon ay muling kinausap ng PEP si Mother Lily kung magkakaayos na ba sila roon ni Marian.

Nabanggit ng aktres na kakausapin niya si Mother Lily at yayakapin na lang niya ito.

Sabi naman ni Mother, “It’s not the tampo, e. Siyempre anak ko din si Marian, di ba?

“It’s just that… there are things that I have to clear na sana maklaro na.

“I don’t want to feel na when I say something, people might think that I’m telling a lie.

“In my status… I’m sick. I’m a cancer patient, and I just trust in God.

“I don’t know when God will take me away, hindi mo masasabi lahat ‘yan.

“That’s why what I want… I’m looking for peace, that’s so important.

“I want naman na people will trust me… you know, my credibility."

Dagdag pa ni Mother Lily, “Siyempre, masakit din sa akin na wala akong entry [sa MMFF]. You know naman that this is my passion.

“For so many years… kaya I’m so depressed and sad na wala akong solo entry.

“That’s why when you talked to me… I jut told you what really happened.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLARIFICATIONS. Sabi naman ni Marian, inaasahan niyang matatapos na ito dahil maayos daw naipaliwanag ni Roselle ang totoong nangyari.

Kahit ang manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo ay nilinaw rin sa presscon na hindi tinanggihan ni Marian si Judy Ann. Kahit daw ang Kapamilya actress ay hindi pa handang gawin ang naturang project.

Sabi naman ni Mother Lily, “Sa akin, wala naman na yun, e.

“I don’t want to put this na something I will never forgive.

“Iba na ang panahon ngayon. I need also to change… to understand also.”

Nilinaw rin ng Regal matriarch na tuloy pa rin ang mga susunod na projects na gagawin niya kay Marian.

Tugon naman ni Marian, “Naintindihan ko si Mother na na-disappoint siya dahil wala siyang pang-filmfest.

“Mahal na mahal ko si Mother at nagpapasalamat na lang ako na naayos na.

“Nagpasalamat din ako kay Tito Alfie na kinlaro na rin niya na wala talagang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN