Richard Gutierrez on end of contract with GMA-7: "I can say na I lived a full career in GMA Network."

“I can say na I lived a full career in GMA Network, and I think now is the right time for me to step back, assess myself, see where I want to be and let’s see… I’m not closing my doors on anything," sabi ni Richard Gutierrez tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya sa Kapuso network pagkalipas ng 11 years.


Sa presscon ng My Lady Boss noong Huwebes, June 20, tinanong ang lead actor na si Richard Gutierrez kung huling pelikula na niya ito.

Usap-usapan kasing maglalagi muna sa Switzerland ang aktor para mag-aral ng filmmaking at para makasama ang girlfriend nitong si Sarah Lahbati.

Sagot ni Richard, “Kung saan-saan ninyo nakukuha ang mga impormasyon n’yo, ha.

“Wala pa akong sinasabihan kung ano ang mga plano ko, sila may plano na sa akin, e, ‘no?

“Nauna pa yung plano n’yo sa akin, ha!”

Nabanggit kasi niya dati na plano nga niyang mag-aral.

Tugon ni Richard, “Alam mo na kung saan, e, ‘no? Nauna ka pa sa akin, ha!"

Pero dagdag niya, “Hindi ito ang last movie ko dahil nakakontrata pa ako sa GMA Films until… matagal pa.

“So may kontrata pa ako sa GMA Films and I have to honor that contract, so I don’t think this will be my last film with them.

“Kung kailan man yung susunod kong pelikula, e, tingnan na lang natin kung kailan.

“Pero yung mga plano ko sa pag-aaral, yes, I’m planning to take a break, dahil ito ang perfect opportunity for me to assess and unwind.

“Nag-end yung contract ko sa GMA Network after eleven years ko na magtrabaho sa kanila from doing movies, TV, documentaries, reality shows, game show… lahat kumbaga nagawa ko na sa GMA Network.

“I can say na I lived a full career in GMA Network, and I think now is the right time for me to step back, assess myself, see where I want to be and let’s see… I’m not closing my doors on anything.

“But now is the perfect time for me to actually take a long break, so I will take that opportunity.”



LONG DELAY. Natutuwa naman si Richard dahil sa wakas ay maipalalabas na sa mga sinehan ang My Lady Boss simula July 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katambal ulit dito ni Richard si Marian Rivera.

Aniya, “Finally nga ipapalabas na ang My Lady Boss, excited na kaming lahat mapanood ito.

“Kasi nga, nung time na dapat ipapalabas siya, medyo gipit kami sa oras ng mga panahon na yun.

“So at least ngayon, nabigyan siya ng oras, na-edit nang maayos, napaganda pa lalo.

“Kaya yung trailer namin ngayon, parang sabi namin, ‘Aba, parang nag-improve yung trailer natin, a!’

“So nalagyan ng mas maraming materyal, mas maganda, so mas nakabuti pa yun sa pelikula namin.

“And ako mismo, excited na mapanood ito.”

Ano naman ang expectation nila sa pagpapalabas ng My Lady Boss matapos itong ma-delay?

Saad ni Richard, “Ako, feeling ko, mag-e-enjoy ang mga taong manonood dahil, iyon nga, matagal nila kaming hindi nakita ni Marian.

“Tapos itong pelikula pa namin, sinigurado namin na matutuwa sila, mag-e-enjoy sila pag nanood sila ng pelikula.

“At sana ganun nga yung maging response nila.

“Kung anuman yung goal namin na gawing masaya itong pelikula para sa mga manonood, sana ganun din ang maging response nila.

“At kahit anong mangyari, okay lang sa akin dahil ang katapat naman namin, si Johnny Depp, idol ko, kaya okay lang,” sabi pa ni Richard, na ang tinutukoy ay ang Hollywood movie na The Lone Ranger na kasabay nila ang showing.



WHO’S THE BOSS. Sino ang maituturing ni Richard na “boss” sa buhay niya?

Tugon niya, “Ako, si Lord. Siya actually.

“At iyon siyempre, yung parents ko.

“Nirerespeto ko kung ano yung mga pananaw nila at iyon—parents ko tsaka si Lord.”

Sino ang mas boss para sa kanya: Ang ama niyang si Eddie Gutierrez o ang ina niyang si Annabelle Rama?

Sagot ni Richard, “Si Mom, kasi siyempre mas ano siya, mas vocal. Si Dad naman mas relaxed.

“Pero siyempre, at the end of the day, pareho kaming pag may mga questions kami or pag may mga plano kami ni Mom, siyempre tinatanong namin lagi ang last word ni Daddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ganun.”



RESPONSIBILITY. Kinakarir ni Richard ang promo ng My Lady Boss dahil umuwi pa ito mula sa pagbabakasyon sa Switzerland para lamang sa presscon at promo ng pelikula nila ni Marian.

Sabi niya, “It’s my responsibility as an actor, it’s my responsibility dito sa pelikulang pinaghirapan namin.

"It’s my responsibility to my co–actors, si Marian and si Direk Jade [Castro], my producers.

“So iyon, responsibilidad ko yun bilang isang artista kaya bumalik ako dito to promote my movie.”



PERSONAL QUESTIONS. During the panel interview, may nagtangkang tanungin si Richard tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanya at kay Sarah Lahbati.

Pero sagot nito, “Siguro kung may mga gusto kayong itanong sa akin na personal e mamaya na natin pag-usapan yun dahil ngayon, nandito tayo para i-promote ang pelikula namin.

“Gaya nga ng sabi ko, umuwi ako dito to promote the movie, not to discuss anything tungkol sa private life ko. I’m here to promote the movie.

“Kung meron man kayong tanong sa akin na personal, mas magandang itanong ninyo sa akin nang personal, mamaya.”

Pero pagkatapos ng panel interview, naging matipid pa rin ang sagot ni Richard tungkol sa mga personal questions sa kanya.

Sinabi lang nito na babalik si Sarah sa Pilipinas at haharapin nito ang lahat ng mga intriga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN