Assunta de Rossi on her and sister Alessandra’s success secrets: “Basta mailabas lang ang aming artistic juices ay masaya na kami.”

Hindi kaila na maganda ang samahan ng magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi. Pagmamalaki ni Assunta: “Pero, sabi ko nga before ay ang hindi namin napag-aawayan ay tatlo lang—hindi kami nag-aaway sa career, hindi kami nag-aaway sa pera at hindi kami nag-aaway sa lalaki.”


Hindi nanalo si Assunta de Rossi bilang “Best Actress” sa nakaraang 36th Gawad Urian Awards noong nakaraang Martes, June 18.

Nominated si Assunta para sa pelikulang Baybayin kung saan ang nanalo ay ang Superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang Thy Womb.

Ang Gabi ng Parangal ay ginanap sa NBC Tent, Bonifacio Global City sa Taguig City.

Matatandaang naging Best Actress na si Assunta ng Urian noong 2002 para sa pelikulang Hubog.

“Hindi naman ako nag-expect, e,” simulang kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Siyempre, maraming magagaling. At saka, look, si Ate Guy ang nanalo. Talagang fan niya ako.

“Pero, kung pinalad, e, di sana, twin awards kami ng sister [Alessandra de Rossi] ko.

Ang magkapatid na Assunta at Alessandra ay parehong nominees sa Best Actress categories na kalinya si Nora Aunor.

“Actually, nominated din siya sa Best Actress. O, di ba, sosyal ang kapatid ko? Siya na talaga!

“Masaya ako, na minsan na nga lang akong gumawa ng movie, na-nominate pa ako—I’m so proud of myself,” pabirong sabi pa niya.

HARD WORK. Talagang hindi niya maitago ang sobrang pagmamalaki niya sa kanyang younger sister na nag-uwi ng acting trophy noong gabing iyon.

Nasungkit ni Alex ang Best Supporting Actress award para sa pelikulang Mater Dolorosa.

Bulalas niya, “Sobrang saya ko for Alex. Sabi ko, ’Sana magkaroon siya ng Urian para dalawa na kami.’

“Ngayon, dalawa na kami, sana sa susunod ay Best Actress na siya.”

Matagal din bago nakuha ng kanyang kapatid ang award na ito—almost twelve years of working hard.

Komento ng 32-year old actress, “Ako naman kasi, I don’t wanna sound negative.

“Naniniwala ako na everything happens at the right time.

“Ang sabi nga sa Bible, ‘God is not one minute early, not even one minute late.’ I believe that this is her year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun talaga ang tinatalaga ng Panginoon sa kanya, it’s the right time talaga.”

Halatang wala talagang kumpetisyon sa kanilang dalawa.

“May nagtanong nga niyan sa akin kanina na, ’Pareho naman kayong magaling na aktres,’” nakangiting saad niya.

“Mabuti na nga yun at pareho kaming nasasabihang parehong mahusay na aktres, kesa naman isang ’ham,’ di ba? Charot!

“I think, we have different personalities first and foremost. And, magkaiba naman kami ng atake.

“But the bottom line is, the reason why nare-recognize kami, kahit hindi ma-nominate, basta mapansin lang, is because I think we are sincere artists.

“We really love our job, na kahit na maliit lang ang bayad ay papatulan namin basta mailabas lang ang aming artistic juices ay masaya na kami.

“It feels good, e.”

BEAUTY AND TALENT. Pero si Alex, ang tingin sa kanya ay hindi lamang basta aktres kundi diyosa rin ng kagandahan.

Reaskyon ni Assunta na medyo napasigaw pero nakangiti pa rin, “Hindi naman. Ano ba!?

“The most important thing is we are able to deliver.

“Kasi, masarap ang pakiramdam kung everybody is telling you na you’re good.

“Kasi, ang fame and beauty ay mawawala rin ’yan, e.

“Ang artista ay nag-e-evolve din ’yan at hindi forever na ikaw ang bida, na sikat or whatever.

“Kasi, it’s the real actor who will stay forever, di ba?”

NO RIVALRY. Ano ba ang sikreto sa relasyon nilang magkapatid na kitang-kitang sobrang magkasundo sila?

Paliwanag ni Mrs. Jules Ledesma, “Ah, when it comes to our careers, wala namang ganoon talaga.

“Lahat naman ay napag-aawayan na namin... as in.

“Pero, sabi ko nga before ay ang hindi namin napag-aawayan at tatlo lang...

“Hindi kami nag-aaway sa career, hindi kami nag-aaway sa pera at hindi kami nag-aaway sa lalaki.

“At siguro naman, upbringing na rin. We were brought up by loving parents, we are close... kaming mga siblings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May dalawa pa kaming kapatid na nasa abroad and I don’t think na magugustahan ng magulang ko na makikita kaming sobrang competitive o nagpapaligsahan.

“Kasi for them, you know, it’s just money, e.

“Wala ’yan, mawawala din ’yan but ang important thing is love for the family should remain.”

INCONSISTENT. Ang pagiging inactive ba niya sa showbiz is a matter of choice, although once in a while, ay gumagawa din siya ng movie?

Saad niya, “Yung ano naman kasi... may nagtatanong nga sa akin na parang lulubog-lilitaw nga raw ako.

“Bakit nga hindi ko pa dire-diretsuhin uli ang showbiz career ko?

“Well, I wish I could say that.

“Ang management ko naman, they know na ang priority ko ay family.

“Hirap din kasi yung sobrang busy, kasi, di ba? Baka ma-compromise yung time ko sa family.

“Ayaw ko namang masabihan nila na, ‘Ano ka ba, boarder? Umuwi ka pa ng ganitong oras!’

“Hindi ko naman sila pinapakain, e. Ha-ha-ha! Bakit kailangang patayin ko ang sarili ko?

“Sa akin, okay lang naman, choice ko din naman na hindi ako maging sobrang busy.

Dagdag pa niya, “I also have a life. I wanna see also my friends and spend time with my family. I wanna do stuff that I really wanna do.

“Wala, yun lang, I just have my life. Kapag meron naman akong trabaho, I gave my all naman.

“Ayaw ko namang isiping nagbe-bread-tripping lang ako, kasi may extra income.

“Gusto kong ibigay pa rin ang best ko at matutuwa ang mga direktor at mga manonood.”

DRESSMAKING. Inalam namin kung ano pa ang pinagkakaabahalan ni Assunta ngayon.

Pag-amin niya, “Wala. I’m still waiting kung may project. Kung wala, okay din lang naman.

“Heto, busy ako sa dressmaking course, although once a week lang naman ang pasok ko. Pero I really take it seriously.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig akong manahi noong bata ako, e. I wasn’t using a sewing machine ’coz wala naman kaming ganoon before.

“Wala lang. Kasi sabi ko, ’Ba’t di ko kaya gawin yung hilig ko?’

“Noong bata ako, mahilig akong magbihis ng dolls ko.

“Parang bumalik lang yung interest ko, kasi hindi naman ako laging-lagi may work kaya binabalikan ko yung hilig ko noong bata ako.

Sabi pa ni Assunta, “Oo kasi, before ako nag-artista ay nagpa-piano ako. Ngayon naman, gusto ko mag-violin ako. Sabi naman nila it’s never too late.

“Sa ngayon kasi, while I’m still a student, yung projects nila ay kailangan mong i-copy yun.

“And since I’m still sa basic, sana next month ay tapos na ako para makapag-secondary na ako.

“But yung advance classes ’ata, yung design your own—iyon yung you put your design sa exhibits.

“They have exhibits every year, you make ternos, gowns—yung mga ganoon.

Kung dumating ang panahon na magiging professional couturier si Assunta, ano ang magiging specialty niya?

Pahayag ng dating modelo, “Ako naman kasi, I’m doing this for myself. Nag-uumpisa pa lang naman ako, di ba?

“So, wala akong lakas ng loob na maging isang true-blue designer. Basta marunong akong gumawa ng damit, okay na yun.

“Well, ako naman kasi, ang personal style ko naman kasi ay yung subdued, simple lang talaga.

“Hindi ako masyadong ano… I like printed clothes, pero hindi ako masyadong … yung malinis lang din.

“Hindi ako masyado sa high fashion kasi, doon lang ako sa mas simple talaga.

“Tulad niyang suot ni Alex, hindi ko masyadong ano ’yan,” sabay turo sa suot ng kanyang kapatid na naka-petticoat black-grayish gown.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN