Andrea Torres on With A Smile loveteam partner Mikael Daez: “Friend lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya ngayon.”

Andrea wasn’t disappointed about the rescheduled airing of their morning teleserye, With A Smile. She said she fully supports the network’s decision in finding the appropriate "timing" for their show.


Walang naramdamang lungkot si Andrea Torres nang maantala ang pagpapalabas ng kanyang pinagbibidahang daily soap sa GMA-7, ang With A Smile.

Dapat sana ay noong June 17 magpi-premiere ang programa ngunit naurong ito sa June 24.

Sabi ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala, kasi ang sabi sa amin, parang program spacing daw.

“Kasi, parang kaka-launch lang ng Anna KareNina, then My Husband’s Lover. Hindi pa nagda-die-down ang hype.

“Tapos, kami naman.

“Parang gusto nila, magkaroon kahit isang week lang na pahinga.

“At saka, noong sinabi sa amin, ini-announce kasi sa isang grupo talaga.

“At yung aura naman, hindi naman parang bad news. Parang, ‘Pinapaalam lang namin sa inyo na mamu-move tayo.’”

NEGATIVE REACTION. Pero hindi pa man sila umeere, may mga negative comments na ang ilan tungkol sa serye niya kasama sina Mikael Daez at Christian Bautista, na kesyo hindi nila kayang tapatan ang mataas na rating at kasikatan ng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Ano ang reaksiyon dito ni Andrea?

“Actually, happy kami. Kasi, yung show namin, hindi siya tinapat, para maiwasan na nga yung ganoon,” tugon niya.

Mas maaga ang timeslot ng With A Smile kumpara sa Be Careful With My Heart.

Patuloy ng Kapuso acvtress, “Pero, ini-expect naman namin na may mga maririnig kaming ganun.

“Minsan, nag-uusap kaming tatlo—kami nina Christian at Mikael, pati si Direk [Louie Ignacio].

“Tinatanong nila kami kung kami ba, napi-feel ba namin na kinu-compare namin ang show sa kabila.

“Hindi naman, basta tine-take namin ang show as is.

“Yung mga kilos ng cast at staff, as is. Hindi naman namin binabase sa kung ano ang nangyayari sa kabila.

“Kasi, yun nga, gusto lang namang mag-explore ng GMA.

“Nagkataon lang na first time na nagla-light show ng GMA sa morning, kaya siguro may mga ganoon.”

CHRISTIAN BAUTISTA. Unang teleserye ni Christian sa GMA-7 ang With A Smile. At si Andrea ang una nitong naging leading lady sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpara kay Mikael, na nakasama na niyang matagal bilang leading man sa Sana Ay Ikaw Na Nga, wala bang naging ilangan sa pagtatambal nila ngayon si Christian?

Tugon ni Andrea, “Yun nga ang sinasabi ko sa kanya, wala.

“Kasi, noong audition pa lang, hindi pa kami friends, pero nagkukulitan na kami.

“Parang nag-skip na kami sa getting-to-know-you… mga hiyaan stage. Parang palagay na ang loob namin.

“Mabuti naman, kasi positive yung attitude sa set.

“Hindi namin nararamdaman na nagtatrabaho talaga kami.

“Talagang fun lang na lumalabas.”

MIKAEL DAEZ. Walang duda na sina Andrea at Mikael ang ginu-groom ng Kapuso network bilang magka-loveteam.

At kadalasan, kung sa umpisa ay wala, pero kapag madalas na nagsasama bilang loveteam, madalas sa hindi ay nagkaka-debelopan.

Ano ang masasabi ni Andrea rito?

“Oo, depende sa tao siguro—kung anuman yung maging friendship na mabuo sa kanila.

“Pero hindi ko naman iniiba ang pag-interpret sa ginagawa ni Mikael o ni Christian man.

“Pero siyempre, bilang leading man, talagang aalalay ’yan sa ’yo, sweet talaga.

“Hindi ko naman binibigyan ng meaning. Unless, yung tao na mismo ang magsabi na nanliligaw ako.

“Depende na lang din siguro kung mag-jive talaga ang personality namin,” paglinaw ni Andrea.

May excitement o takot ba sa kanya kung sakaling magka-debelopan nga sila ni Mikael?

“Hindi ko iniisip, e!” natatawang sabi niya.

“Friend lang kasi talaga ang tingin ko sa kanya ngayon.

“Parang ayokong pangunahan. Lalo na, ako ang babae.

“Ang hirap, di ba? Kumbaga, day by day lang, hindi ko na iniisip yun.”

FROM AFTERNOON TO MORNING. Dahil sa tagumpay noon ng afternoon series nilang Sana Ay Ikaw Na Nga, marami ang nag-akala na pang-primetime na ang susunod na teleserye nina Andrea at Mikael.

Pero ang nangyari, sa morning slot sila inilagay.

Ano ang naging dating kay Andrea ng sitwasyon na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Okay lang, kasi naniniwala naman ako sa ’slowly but surely’ pagdating sa showbiz.

“At saka, hindi ko naman tinitingnan ang sarili ko na sikat na ako o meron na akong napatunayan.

“So, kung ano ang ibigay ng network, tatanggapin ko.

“At saka, yun nga, hindi ko nilalagyan ang sarili ko ng label o level na pang-dito lang ako... na ito, ayoko ’to.

“Basta kung ano ang blessing na dumating, tatanggapin ko.

“Naranasan ko yung wala, e, yung nganga, wala kang show.

“Ngayong nabibigyan ka, choosy ka pa ba?”

Sabi rin niya, “At saka, challenging din yun kasi kami ang unang show na i-air na morning serye.

“Sabi nga, pray lang tayo para hindi maapektuhan.”

SUNDAY ALL STARS. Isa si Andrea sa mga masuwerteng nakasama sa bagong musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars (SAS).

Sa Party Pilipinas kasi noon ay hindi siya mainstay. Pero nang mawala ito sa ere, marami ang nawala at may mga nadagdag—at isa na nga siya rito.

Sabi ni Andrea tungkol dito, “Sabi ko nga, nagkaroon kasi kami ng team-building.

“So, parang nagkaroon ng chance na, in thirty seconds, may chance ka na magsabi doon sa taong nakatapat sa ’yo.

“Palagi nga akong nagti-thank you sa mga staff kasi, matagal na matagal ko nang dream na makasama sa variety show.

“Iba kasi yung feel na sumayaw, tapos nakikita mo ang audience, nagtsi-cheer sa ’yo.

“Kasi, sa taping, kayu-kayo lang.

“So, parang nagkaroon ng chance na makapag-perform ako.”

Pero natatawang sabi ni Andrea, “Sayaw muna, ’wag munang kanta!”

Nakikita ng karamihan na posibleng mahirap ang konsepto ngayon ng SAS dahil sa bawat team na maglalaban-laban at kailangang suportahan ng rehearsal.

Posibleng ang maging problema ay yung mga schedule nilang mga artista na hindi naman pare-pareho at karamihan sa kanila ay busy sa kani-kanilang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Andrea, “Kung dati, nakakapag-rehearse ako twice bago mag-technical, ngayon, once na lang bago mag-technical.

“Medyo, mag-a-adjust na lang talaga.”

Naa-anticipate na rin ba niya yung mga posibleng intrigahan? Na posibleng may lumabas na pasaway sa bawat grupo?

“Ewan ko!” natatawa niyang sabi.

“Kasi, madalas kaming nagpaparinigan na mga grupo. Parang pa-joke lang na maya-maya, seryoso na ’tong joke na ’to.

“Pero, maganda ang atmosphere. Maganda na nag-team-building muna,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN