Rafael Rosell on getting carried away during kissing scene with Bianca King: “Parang wala na akong narinig, parang nabingi na ako.”

Rafael on the possibility of being considered as Dennis Trillo’s gay lover in My Husband’s Lover: “Wala naman akong karapatang magselos sa iba dahil lahat naman ng blessings na gusto ko, napupunta naman sa akin. So bakit ako titingin sa plato ng iba para sabihing gusto ko ’yang pagkain niya?


Raf at B ang tawagan nina Rafael Rosell at Bianca King sa isa’t isa.

Pero ayon kay Rafael…

“Halos lahat naman Raf ang tawag sa akin, e. Pero siyempre iba pag yung tawag niya sa akin, Kiko,” sabay tawa ni Rafael na gumaganap bilang Kiko sa kanilang bagong GMA-7 teleseryeng Maghihintay Pa Rin.

“Pag Kiko kasi, may lambing, may sweetness, may pagmamahal. Pag Raf, may pagka-neutral pa rin.”

Kaya mas gusto raw ni Rafael kapag tinatawag siyang Kiko ni Bianca.

“Para maramdaman ko yung pagmamahal,” saad niya.

Magkarelasyon kasi sila sa Maghihintay Pa Rin kung saan gumaganap naman Bianca bilang si Geneva.

Kamakailan ay nag-taping ang kanilang GMA afternoon serye sa Singapore, at sa paglalagi nila doon ng isang linggo, may mga kuwento si Rafael sa stay nila doon at sa mas lalong pagba-bonding nila ni Bianca.

“Magkatabi kami sa eroplano kaya nag-bonding kami.

“Tapos nung nandun na kami sa Singapore, kumain kami sa parang Arts Center dahil napadpad kami sa isang parang food court, na wala akong masyadong mahanap na pagkain sa food court dahil naka-ilang beses na ako sa Singapore, e.

“So, na-research ko na rin kasi yung mga food courts nila at napansin ko sa sarili ko na hindi ako masyadong hiyang sa vetsin.

“Nakakaantok, ang init at ang humid pa doon, and buong araw pa ang taping namin... everyday pa, kaya pini-preserve ko yung energy ko.

“So umiwas ako sa vetsin, umiwas ako sa mga maiinit na lugar na nakaka-drain dahil ang sakit kasi sa mata pag gabi na, e.

“Ibang klase ang araw dun, nakaka-drain talaga,” patuloy na kuwento ni Rafael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal.

REJECTED? Nadiskubre raw ni Bianca habang nasa Singapore sila na may romantic at soft side pala si Rafael.

At ang reaksyon ni Rafael dito...

“Ganun? Anong soft at romantic side? Ewan ko kung anong sinasabi niya, basta nag-invite akong mag-friendly date, ni-reject niya,” ang tila nagtatampo pero natatawang sagot ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon naman kay Bianca, hindi raw nito alam kung seryoso si Rafael noong itanong niya yun.

“Ha? Hindi, hindi ako nag-iimbita na mag-date dahil siyempre single ako di ba, tapos binaba ko na ’to friendly date, tapos na-reject pa ako.

“Dahil sa last day namin, bonding sana para makita lang yung Singapore at least makaupo sa coffee shop, makapagkuwentuhan ng konti pero…”

Ayon kay Bianca, hindi naman daw nag-follow-up si Rafael.

“Sige, sige, sige,” mabilis namang reaksyon ni Rafael na ang ibig sabihin, ngayong andito na sila sa Pilipinas ay muli siyang magyayaya na may kasamang follow-up sa friendly date nila ni Bianca.

Paano ba siya ni-reject; ano ang sinabi ni Bianca?

“Hindi ko maalala e, parang dumilim na ang lahat, e,” pagbabalik-tanaw ni Rafael.

“Na-reject e, kaya sabi ko, okay, huwag na lang siguro, pero dapat nga may follow-up, e.

“Matagal na kasi akong hindi pumupunta sa mga date e, kaya hindi ko na mabasa yung mga ganung signals sa babae, e.”

Muli nga niyang yayain si Bianca…

“Basta alam ko wala akong masasagasaan o maaapakan.”

BRO CODE” WITH DENNIS. So, nagpaalam na ba siya kay Dennis Trillo na matalik na kaibigan ni Rafael at ex-boyfriend ni Bianca?

Lalo pa nga at may “bro code” sila ni Dennis, na kapag liligawan daw ang ex ng kaibigan ay merong paalaman dapat.

“Friendly date lang naman, e.

“Sinabi ko naman sa kanya na parang... na friends kami at if ever, di magpapaalam ako,” depensa ni Rafael.

Tila masisira ang “bro code” nila ni Dennis dahil halatang nahuhulog na ang loob ni Rafael kay Bianca.

“Hindi ito, magka-Canada kami, super-bonding naman kami dun ni kuya Denden [palayaw ni Dennis].”

May Kapuso show sila sa Canada ni Dennis at doon raw kakausapin ni Rafael si Dennis para magpaalam.

“Siguro pag nakatulog na kami ng maayos,” at natawa si Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umalis sila patungong Canada nitong Huwebes ng gabi, at Huwebes naman ng hapon namin nakausap si Rafael sa taping ng Maghihintay Pa Rin.

Wala ba siyang nararamdamang pag-aalala na kapag kinausap na niya si Dennis ay maapektuhan ang pagkakaibigan nila?

“Wala, e. Parang feeling ko kasi solid yung pagsasama namin ni Denden kaya wala talagang conflict pagdating sa kahit anumang isyu.

“Sobrang lalim ng bonding namin kaya imposible naman sigurong masisira iyon sa isang friendly date.

“Malalim talaga, super-bonding talaga kami,” pagmamalaki ni Rafael.

NOT JEALOUS ABOUT TOM’S ROLE. Hindi kaya siya si Tom Rodriguez sa buhay ni Dennis sa kanilang bagong teleserye, biro pa namin kay Rafael. Nag-iibigan kasi sina Tom at Dennis sa kuwento ng My Husband’s Lover.

Speaking of My Husband’s Lover, hindi ba nag-wish si Rafael na sa kanya sana ipinagkatiwala ang role ni Tom bilang Vincent sa naturang successful drama series na pinag-uusapan ngayon?

“Hindi. Nandito naman ako sa Maghihintay Pa Rin at wala naman akong karapatang magselos sa iba dahil lahat naman ng blessings na gusto ko, napupunta naman sa akin.

“So bakit ako titingin sa plato ng iba para sabihing gusto ko ’yang pagkain niya?

“Happy na ako sa organic food ko,” at tumawa si Rafael.

At kasama niya si Bianca sa Maghihintay Pa Rin.

“Oo iyon, di ba magrereklamo pa ba ako?”

BIANCA’S NON-SHOWBIZ SUITOR. May nanliligaw daw kay Bianca na non-showbiz guy.

Gaano kahanda si Rafael para makipagsabayan dito?

“Hindi ko alam kung nabanggit niya sa inyo pero everyday naman, tinatanong ko kung kumusta na.

“Dahil siyempre yung mood niya maaapektuhan kung paano ang trato niya sa akin, maaapektuhan sa eksena.

“So as much as possible sinusubukan ko yung neutral na treatment with each other, na walang magseselos or walang conflict.

“Kasi trabaho pa rin. Sa ngayon mas mahal pa namin ang career namin kesa sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kilala ni Rafael ang non-showbiz na suitor ni Bianca, kaya hindi pa niya kilala kung sino ang “kalaban” niya.

“Pero sa ngayon naman very professional siya [Bianca], hindi siya naaapektuhan sa mga outside forces na ganyan. Llahat ng mga eksena, plantsado at walang problema.”

Pareho sila ni Bianca na hindi naghu-hold back sa mga intimate scenes nila sa Maghihintay Pa Rin.

“Sobrang bigay na bigay sa mga eksena, kaya happy rin ako.

“Kissing scenes, crying scenes, laughing scenes, sad scenes – lahat.”

KISSING SCENE. May isa nga raw eksena na na-carried away siya, na sa kissing scene nila ni Bianca, nag-cut na ang direktor nilang si Don Michael Perez ay hindi ito narinig ni Rafael at tinuluy-tuloy niya ang paghalik sa kanyang leading lady.

“Nung nagki-kiss kami, parang wala na akong narinig, parang nabingi na ako, ilang beses na palang nagku-cue si direk na kalas na, tuloy pa rin ako.”

Hindi na raw alam ni Rafael kung ilang minuto silang naghahalikan ni Bianca.

“Time is relative nga di ba pag ganun, so hindi ko na alam.”

Hindi na rin daw niya napansin na inaawat na siya ni Bianca dahil cut na nga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN