Victor Basa clarifies past answer to hypothetical gay-themed question; explains: “Gusto ko lang i-clear yung statement ko na hypothetical din ang sagot ko.”

Victor explains: “Tinanong kasi ako if there’s a chance na mai-in love ako sa gay na... the theme was, it was the last wish of a dying person. Siyempre, ako naman, my answer was ‘yes’ although ayaw ko pa rin. Preference ko pa rin, di ba? Hayun, hindi ko na-klaro din. Ang pagkakamali ko ay basta hypothetical, hindi ’yan kinu-consider. At sabi ko pa, ’you never know pero preference ko pa rin.’ Yung lang naman yun. Wala namang


Sa pocket interview para kay Victor Basa na ginanap sa Jack’s Loft, Il Terrazo Bldg. sa Tomas Morato Ave., Quezon City ay ipinaliwanag niya ang tungkol sa sagot niya sa isang hypothetical question na ibinato sa kanya sa nakaraang presscon ng My Husband’s Lover kamakailan lang.

Base sa nabasa niyang kinalabasang artikulo, naramdaman niyang hindi niya naipaliwanag nang mabuti ang konteksto ng kanyang sagot, na maaaring ma-misinterpret ng mga makakabasa nito.

Sa nasabing GMA-7 teleserye, si Victor ay gumaganap bilang si David, isang closet gay.

CLEARING PAST ANSWER TO HYPOTHETICAL QUESTION. Ipinaliwanag ni Victor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang konteksto ng nabanggit na hypothetical question.

Panimula niya, “Tinanong kasi ako if there’s a chance na mai-in love ako sa gay na... the theme was, it was the last wish of a dying person.

(Read: http://www.pep.ph/news/39065/Victor-Basa-does-not-discount-the-possibility-of-falling-in-love-with-another-man)

“Siyempre, ako naman, my answer was ‘yes’ although ayaw ko pa rin. Preference ko pa rin, di ba? Hayun, hindi ko na-klaro din.

“Ang pagkakamali ko ay basta hypothetical, hindi ’yan kinu-consider. At sabi ko pa, ’you never know pero preference ko pa rin.’ Yung lang naman yun.

“Wala namang problem kaya lang sa akin, when we talk about falling in love, hindi mo puwedeng daanin sa pity, you have to be truthful to yourself.”

Nabasa nga raw niya dito sa PEP ang tungkol dito kaya gusto lang niyang i-klaro.

Ayon sa kanya, “Walang namang negative reactions. Kaya lang, gusto ko lang i-clear yung statement ko na hypothetical din ang sagot ko.

“Siyempre, yung readership n’yo, malawak—worldwide— ang nagbabasa, yun lang din naman ang habol natin sa showbusiness na napaka-standard ng answers.

“Ang hinahanap natin ay yung truth kaya gusto ko lang linawin. Hindi naman ako galit.”

Paano kung totoo ngang mangyari ito sa tunay na buhay? Paano siya magre-react?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Well, let’s see. Depende sa situation.

“But I don’t think so. I wanna be a bit honest and not be rude about it. Pero, bibigyan ko pa rin siya ng respeto kasi kapag binastos mo ang isang tao, anong klaseng tao ka, di ba?

“Be it his last wish o hindi.”

Sinubukan nga niyang ipaliwanag ang theme ng My Husband’s Lover.

Sabi niya, “Dito kasi sa show na ito, may gusto kaming i-clarify na isyu. Like, yung sa mga kaibigan ko, ang tingin nila sa bading ay habol lang nila ay… alam mo na yun, di ba?

“May kakilala ako who is a closet gay pero he’s a complete opposite ng sinasabi ng iba.

“He’s married pero napaka-faithful and successful. He’s really able to do his responsibilities and priorities sa kanyang family.

“Yung nga ang sinasabi ko, minsan ay mas lalaki pa ang bading kaysa sa mga lalaki. Lalo na when it comes to decision-making.”

Kaya nga hindi puwedeng sabihin na siya ay isang homophobic.

Mabilis na sagot ni Victor, “Ah, hindi ’yan puwede sa ating industriya. Actually, ’yon nga ang gusto naming ayusin sa show na ito.

“Wala namang reason para maging homophobic ako.

“Minsan kasi yung pagiging ganyan [homophobic], logically speaking ay nangyayari yan because of ignorance. You have to shed some light on it.”

INDECENT PROPOSALS. Nagsimula siya bilang isang modelo. Sa mundong ito ay nagkalat ang mayayamang gays na handang mag-offer sa kanya ng indecent proposals.

Naranasan ba niya ito?

Iiling-iling siyang sumagot na, “Since I was modeling, hindi naman ako nakatanggap ng indecent proposals of any sort.

“Yung mga ’aya lang naman nila sa akin, e, ‘O, tara, inuman tayo.’ Hindi ko naman kinu-consider that as indecent.

“Siguro, kapag ang pagyaya ay, ‘Oy, punta tayo sa condo.’ I haven’t experienced that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, I talk to them as friends.

“Yung una kasi, merong interest. Normal naman kasi sa tao yung attraction, di ba? But then, kapag sa una pa lang ay alam mo na na walang patutunguhan, wala, e.

“Pero, marami naman akong naging kaibigan.”

CLOSE CALLS. Ano na ba ang isang bagay na nagawa sa kanya ng isang bading na ikinapikon niya?

Napaisip ang model turned actor, “Napikon? Ah, wala pa namang nangyaring ganyan sa akin.

“Minsan ay pumunta kami ni Divine [Lee, ang kanyang girlfriend] sa isang bar. Tapos, siksikan. Ano ang ini-expect mo sa ganyang place?

“Minsan parang may dumikit sa aking ano... wala, ang naging reaksyon ko lang ay, ’Okay.’

“Sa amin namang mga lalaki, yung mga ganyan, depende na rin kung paano mo siya i-interpret. Pero ako kasi hindi ko tiningnan na may malisya.

“At saka dapat siguraduhin ko muna na aksidente yun kung hindi, e, baka napaka-war freak mo naman. Napaka-mapanghusga.

“So, kailangan mo munang alamin kung aksidente o hindi tapos kausapin mo na lang ng maayos.”

CONFIDENT WITH HIS SEXUALITY. In the first place, mataas naman ang confidence niya sa kanyang pagkalalaki.

Aniya, “I’m pretty confident sa pagkalalaki ko. Actually, I’m sure maraming actors ang nag-turn down dito sa role na ’to, yung role ko as David in My Husband’s Lover.

“Ako naman, I already played something like that na sa Cinema One noon, yung Maling Akala, kasama ko si Jodi Sta. Maria, never akong natakot sa tsismis na bading ako.

“I’m confident in the sense na nakita mo naman yung marks. I leave it to your imagination kung natuloy o hindi,” pagpapaduda pa niya na obviously ay nagbibiro lang.

Nagkaroon na din ba siya ng duda sa kanyang sarili pagkatapos niyang maging in-character sa role ni David?

Natatawang banggit niya, “As as actor, you have to live in the moment, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan mong i-experience lahat ng emotions. Meron din yung ’substitution’ na tinatawag. Yung technique na ginagawa...

“Na parang ini-imagine mo na like yung parang kinakabahan ako, ini-imagine ko kung paano kabahan ang sister ko.

“Minsan, kinu-combine mo yun, na iniisip mo na ang ka-eksena mo ay yung pinakakamahal mo sa buhay.

“Sa set, hindi naman nagkaka-ilangan sina Dennis [Trillo] at Tom [Rodriguez]. Alam kasi nila kung ano ang pinasok nila.

“You leave your apprehensions at the door kapag magsimula nang mag-take.

“Ako naman on my part, hindi ko naman pinagdudahan ang sarili ko. Natatawa nga ako minsan kasi sabi ko sa sarili ko, ’Ako ba ’to?’” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN