Shalala wishes Kuya Germs to guest in his first solo movie Echoserang Frog; declares, “Without Kuya Germs, walang Shalala.”

Shalala narrates his excitement about his first movie project: “Nakaka-tense, isip ako nang isip kung totoo na ba ito, kasi dati pinaplano pa lang, kumbaga usap-usapan pa lang na magkaka-movie ako, pero eto ngayon, eto na! Nakakaloka! Hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement dahil ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng solo movie, yung sa akin, kahit kasama lang ako sa pelikula masaya na ako dun. Akala ko nga hindi na ito matutuloy, kasi medyo matagal-tagal na rin,


Hindi raw maipaliwanag ni Shalala ang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay natuloy na rin ang kanyang first solo movie, ang Echoserang Frog.

Ito ay ipinrodyus at idinirihe ng award-winning director na si Joven Tan.

Masayang ikinuwento ni Shalala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, katulad bukas second day shooting namin.

“Parang iba ang timpla ng pakiramdam ko, parang di ko maihakbang ang mga paa ko.

“Nakaka-tense, isip ako nang isip kung totoo na ba ito, kasi dati pinaplano pa lang, kumbaga usap-usapan pa lang na magkaka-movie ako, pero eto ngayon, eto na! Nakakaloka!

“Hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement dahil ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng solo movie, yung sa akin, kahit kasama lang ako sa pelikula masaya na ako dun.

“Akala ko nga hindi na ito matutuloy, kasi medyo matagal-tagal na rin, ’tsaka wala na akong naririnig tungkol sa movie, hanggang sabihin nga sa akin ng manager ko na si Noel Ferrer na tuloy na tuloy na yung movie.

“Akala ko nga nagbibiro lang siya pero, totoo na pala at hindi echos lang, hahaha!

“Kaya ngayon meron na akong pelikula, eto ngang Echoserang Frog.

STORY AND CAST. Anong naman ang role ni Shalala sa kanyang debut movie?

“Yung role ko bale dito kung ano ako bilang si Shalala yun ang mapapanood nila sa akin.

“Pero yung istorya nito ay tungkol sa isang tao na nangangarap na magkaroon ng sariling pelikula, tapos nangutang ako ng one hundred thousand [pesos] para gagamitin sa movie.

“Tapos, audition dito ng mga talents at kung anu-ano pa hanggang sa naubos ang pera na inutang ko. Basta maganda yung twist ng pelikulang itong riot sa katatawanan at siyempre may aral.

“Napagkalaman kasi ako ditong tagapagmana ng milyones, pero at the end malalaman na hindi pala ako yun, kundi ibang tao, kumbaga echos lang kaya ang ending nganga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinu-sino ang makakasama mo sa movie ?

“Marami... ang alam ko kasama ko si Marco Alcaraz, pero yung iba cameo role lang, ang alam ko sila Iza Calzado, Anita Linda, Gladys Reyes, Joross Gamboa... mga kasamahan ko sa Ang Latest at marami pang iba.

FOREVER GRATEFUL TO KUYA GERMS. Si Kuya Germs ba maggi-guest sa movie bilang mentor ni Shalala?

“Yun ang request ko, na sana mag-guest si Kuya Germs sa pelikula ko with John Nite, alam naman ng lahat na galing ako kay Kuya Germs, and without Kuya Germs walang Shalala.

“Feeling ko kasi hindi magiging kumpleto yung movie ko pag walang Kuya Germs, kaya sana makapag-guest siya.

“Alam ko namang mahal ako ni Kuya Germs kasi galing ako sa kanya, sa kanya ako natuto at kung nasaan man ako ngayon utang na loob ko yun sa kanya.

“Alam ko na nagtampo siya sa akin nung umalis ako at naiintindihan ko yun, kasi nga alam kong mahal niya ako.

“Pero alam ko ring lumipas na rin yung tampo niya sa akin, kasi kung ilang beses na rin kaming nagkikita at nagkakasama.

“Kaya sana makasama ko siya sa first movie ko, dahil katulad ng sinabi ko, kumpleto na yung pelikula ko kapag nandun ang mentor ko na si Kuya Germs.

DEREK AS LEADING MAN? Sino naman ang leading man ni Shalala dito?

“Ang alam ko wala, pero if ever na bibigyan nila ako ang gusto ko si Derek Ramsay, tapos may love scene kami. Babaeng-babae lang ang peg, di ba?!

“Ang tanong... papayag kaya si Derek?” natatawang pahayag ng magaling na komedyano.

Bukod kay Kuya Germs, sinu-sino pa ang mga gusto mong mag-cameo role sa movie mo?

“Siguro yung mga kaibigan kong artista, sila yung gusto kong makasama dito, hindi ko na sila iisa-isahin pa pero alam kong alam nila kung sinu-sino sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mas maganda siguro kung pati sila Ate Guy, Ate Vi, Maricel Soriano, Sharon Cuneta may cameo role para bonggang-bongga at talaga namang star studded ang pelikula ko,” pabiro at natatawang pagtatapos na pahayag ni Shalala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN