Kris Aquino on James Yap camp’s last retort: “Sila ang nag-drama, di ba?”; court hearing scheduled for July 1

Kris narrates how she communicated with James’ lawyers last Father’s Day, June 16: “Si Atty. Kapunan ang nag-text blast na NO FATHER’S DAY for James. E, wala naman talaga kasi di ba, nasa Europe nga? And I never text James, I texted Attorney Alivia at 8:15 am on June 16. He replied at 4:44 pm.”

And the lawyer’s reply was: “Good afternoon Ms. Aquino. We could not contact James, but Bimby can call anytime


Noong Huwebes, June 20, nagpaliwanag ang abogado ni James Yap na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa mga pahayag ni Kris Aquino sa isang presscon nito sa diumano’y kusa niyang pagpapahiram sa anak nila ng estranged husband na si Bimby noong Father’s Day.

Sa nasabing presscon din ay sinabi ni Kris na huwag daw siyang gawing kontrabida ng kampo ni James pagdating sa visitation rights nito kay Bimby.

Ayon pa sa abogada, tigilan na daw ang ganitong drama dahil ang gusto lang naman ni James ay ang magpaka-ama sa kanilang anak ng ex-wife.

Bahagi pa ng sinabi ni Atty. Kapunan, “Enough of this drama! James just wants to visit his son. Is that too much to ask when the court already decided that Bimby needs both parents?”

KRIS REACTS. Sa kolum ni Vinia Vivar sa pahayagang Bulgar last Friday, June 21, inilathala nito ang binigay na reaction ni Kris tungkol dito na ipinaabot nito sa kolumnista noong Huwebes din, June 20.

Pahayag niya, “No comment. Si Atty. Raymund Fortun will represent me regarding visitation agreement, hearing is tomorrow.”

Dagdag pa ng Queen of All Media, “Sila ang nag-drama, di ba? Si Atty. Kapunan ang nag-text blast na NO FATHER’S DAY for James. E, wala naman talaga kasi di ba, nasa Europe nga?”

“And I never text James, I texted Attorney Alivia at 8:15 am on June 16. He replied at 4:44 pm.”

Inilathala din dito ang text ni Kris sa isa sa mga abogado ni James noong June 16, mismong Father’s Day.

Ani Kris, “Good morning, Atty. Bimby will call James to greet him, please let me know what time is best.”

Makalipas daw ang walong oras, saka lang daw sumagot ang abogado.

Saad daw nito sa text, “Good afternoon Ms. Aquino. We could not contact James, but Bimby can call anytime and we are certain that James would appreciate Bimby’s call any time of day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nasa Europe pa rin si James para sa kanyang ilang linggong bakasyon.

THE JUNE 21 HEARING. Noong Biyernes, June 21, nagpaabot ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Atty. Kapunan tungkol sa nasabing hearing. Mensahe nito, “This morning branch 140 at 8:30.”

“Atty. Fortun and MOST [law firm] appeared for Kris, the parties [including Bimby] are required to appear in court July 1.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN