Charice ecstatic over "dream come true" duet with Aiza Seguerra

Charice narrates a memorable story about her idol: “Kasi meron akong magandang istorya na talagang memorable. One time sumali ako noong araw sa isang videoke singing contest, ang nabunot kong kanta, "Pagdating Ng Panahon." Nanalo ako.”


It was a dream come true for the YouTube sensation

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama ni Charice Pempengco sa entablado ang kanyang idolo na si Aiza Seguerra.

Bumisita si Charice sa "Tambayan Hits" concert ni Aiza at Noel Cabangon sa Makati City noong Biyernes, June 21, at mula sa audience section ay umakyat siya sa stage kung saan inawit nila ni Aiza ang acoustic version ng "Titanium" ni David Guetta.

Ayon kay Charice sa interview sa kanya sa Startalk TX kahapon, June 22…

“I think lahat ng tao hinihintay yung duet na yun, e. And yung dinuet pa namin favorite song ko.

“Sobrang thankful ako, thankful ako kay Aiza na in-invite niya ako dito.”

Aminado si Charice na matagal na niyang idolo hindi lamang sa pagkanta kundi sa outlook sa buhay si Aiza.

At nang maimbitahan sa concert ng singer at ni Noel Cabangon noong Biyernes, hindi na nagdalawang isip ang international singer.

“Kasi meron akong magandang istorya na talagang memorable. “One time sumali ako noong araw sa isang videoke singing contest, ang nabunot kong kanta, “Pagdating Ng Panahon” [Aiza’s biggest hit].

“Nanalo ako.”

Ayon naman kay Aiza sa panayam pa rin ng Startalk TX

“Siyempre nakaka-touch naman... thank you, thank you. Happy ako, sana na-enjoy niya, sana na-enjoy niya yung jam namin today.

“Kasi masaya, masaya and I think alam mo yun, talagang... sana, sana, hindi lang ito yung huli pa.”

BACK-TO-BACK? May mga nag-iisip na pagsamahin sina Charice at Aiza sa isang malaking concert.

“That will be an epic concert kung mangyayari iyon,” bulalas ni Charice. “Why not?”

Hindi maiwasang ikumpara ng publiko ang pinagdaanan ng dalawang mahusay na mang-aawit.

Katulad ni Charice, hindi naging madali para kay Aiza ang paglantad ng tunay niyang sekswalidad.

“Nakakatuwa din dahil nakikita ko din yung support ng mga tao dun sa kanyang decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman naniniwala ako na if it’s the truth, if there’s no bad intention or anything, and if there’s love, there’s nothing wrong with it,” deklara ni Aiza.

Sinabi naman ni Charice na…

“I think we’re gonna have a very... you know, just a private conversation and bonding with her, since you know, isa rin siya sa mga inspirasyon ko so it would be nice to hear things and advise and everything from her, so ayun.”

Ang payo ni Aiza para kay Charice…

“Siguro ang advise ko lang is now that the public knows about who you really are, be grateful, at the same time whatever it is na personal thing mo, keep it to yourself, you don’t need to tell the whole world.

“They know already.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN