Bianca King on bonding with Rafael Rosell during their Singapore trip: “Mas lumabas yung pagka-softie niya.”

Bianca on getting to know Rafael more during their Singapore sortie: “Wala, more on like sa aura niya yata, parang umiba yung... parang lumambing siya, iyon. Iyon ang gusto kong sabihin— mas naging malambing siya dun. Parang nag-warm up siya, nag-warm up siya talaga sa akin.”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagte-taping ni Bianca King sa Singapore para sa GMA-7 afternoon series na Maghihintay Pa Rin.

“Parang sa hirap at ginhawa nagsama kaming lahat dun.

“Mahirap, ano kasi, nag-shoot kami dun with a skeleton crew and konti lang yung equipment na baon namin so parang tulung-tulong talaga lahat.

“Tapos araw-araw, 5:00am kami nagigising,” panimula bungad ni Bianca.

Bakit skeleton crew, bakit kaunti lang ang dala nilang equipment?

“Siyempre po kung ano yung mga ginhawa meron kami dito sa Pilipinas, wala kaming ganun dun. Wala kaming standy area, yung ganun.”

Apat silang artista sa cast ng Maghihintay Pa Rin na may mga kinuhanang eksena sa Singapore; si Bianca (na gumaganap bilang si Geneva), ang leading man niyang si Rafael Rosell (bilang si Kiko), ang kontrabidang si Grace (played by Julia Lee) at si Dion Ignacio na gumaganap naman bilang si Orlando.

“Pero yung experience na makagawa ng mga eksena sa mga landmarks ng ibang bansa, iba talaga yung excitement, sobrang nakaka-excite,” bulalas ni Bianca.

Limang araw daw silang nag-shoot sa Singapore pero pitong araw silang namalagi doon.

“Tatlong linggo nilang mapapanood yung mga eksena sa Singapore, mahabang-mahaba siya,” kuwento pa ni Bianca.

FIRST TIME IN SINGAPORE. Madalas mag-abroad si Bianca, pero unang beses daw niyang nakarating ng Singapore.

“Mabilis kaming na-at home, lalo na ako, parang pakiramdam ko nung nandun ako, local ako dun.

“Kasi mabilis naming natutunan yung public transport, medyo nakabisado namin ng handler ko yung pasikut-sikot ng mga train stations.

“Kasi may mga araw na kapag meron akong break na mahaba sa taping, naglalakwatsa kami ng konti, yung ganun.

“So, parang kung meron akong break, kanya-kanya rin kaming responsibility na bahala ka kung saan ka pupunta at kung paano ka babalik sa taping, yung mga ganun.

“So, na-at home agad ako,” detalye pa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naabutan raw nila ang Indonesian Haze bago sila umalis sa Singapore.

“Nakita pa namin dun. Makikita mo na hazy sa labas.”

Ang naturang haze ay ang usok na nanggaling sa mga sinunog na gubat at peat lands sa Indonesia, at ang usok mula sa pagkasunog ng mga ito ay umabot diumano sa Singapore.

FOOD TRIP. Nagustuhan daw ni Bianca ang pagkain sa Singapore.

Aniya, “Sobrang favorite ko yung Asian food, kahit anong Asian food tapos ngayon ko lang nalaman na meron palang mga hawker center doon, nag-taping din kami sa hawker center.”

Ayon sa Wikipedia, ang hawker center “or cooked food centre is the name given to open-air complexes in Singapore, Malaysia, Hong Kong and Riau Islands housing many stalls that sell a variety of inexpensive food. They are typically found near public housing estates or transport hubs (such as bus interchanges or train stations).”

Pagpapatuloy pa ni Bianca…

“Pero medyo bandang day five na, nagsawa na rin ako, naghahanap na ako ng mga pizza.

“Favorite ko yung laksa. Before ko pa favorite yung laksa,” pagtukoy ni Bianca sa isang uri ng maanghang na noodle soup ng Singapore, Malaysia at Indonesia.

Nakapag-bonding naman raw sila ni Rafael sa Singapore habang nagte-taping, pero hindi sila nakapamasyal.

“Kasi nandun yung family niya so pag may free time siya dun siya sa mommy niya, sa kapatid niya ’tsaka sa dad niya.”

Nakadestino kasi ang ama ni Rafael sa Singapore bilang isang geologist.

“Maganda yung mga eksena namin sa Changi airport, nag-taping din kami doon.”

Tungkol sa kuwento ng mga overseas Filipino worker o OFWs ang Maghihintay Pa Rin.

“Marami talagang makaka-relate na mga OFWs, kasi meron din kaming kinunan na mga eksena dun na meron talagang nagtatrabaho na mga Filipinos so marami silang nabibigay na input,” saad ni Bianca.

Marami nga raw silang nakita at nakausap na mga Pinoy sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami ding idinagdag sa script na base sa input ng mga Filipinos doon.”

RAFAEL TURNS “SOFTIE.” Ano ang mga nadiskubre pa niya kay Rafael sa mga araw na inilagi nila sa Singapore?

“Mas marami yata siyang nadiskubre sa akin e,” at natawa si Bianca.

“Dun ko lang nakita sa kanya na may pagka-romantic pala siya,” at muling tumawa si Bianca.

“Meron pala siyang ganun.

“Mas lumabas lang yung pagka-softie niya.”

In what way?

“Tanungin ninyo na lang siya ayaw ko siyang pahiyain, e.”

Pero sa pamimilit namin kay Bianca, nagsabi ito na…

“Wala, more on like sa aura niya yata, parang umiba yung... parang lumambing siya, iyon.

“Iyon ang gusto kong sabihin— mas naging malambing siya dun.

“Parang nag-warm up siya, nag-warm up siya talaga sa akin.”

Nag-warm up din ba siya kay Rafael?

“Parang mas nahiya yata ako,” at tumawa muli ang dalaga.

Mas close na raw sila ni Rafael ngayon.

“Oo naman.

“Sa airplane pauwi kawawa siya sa akin kasi kuwento lang ako ng kuwento, dire-diretso, hindi siya nakatulog,” natatawa niyang pangwakas.

Sana raw ay ipapakilala ni Rafael si Bianca sa mommy nito, pero hindi nito nadala sa set nung naroon si Bianca; packed-up na si Bianca sa taping noong nakapasyal ang ina ng binata sa set nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN