Jomari Yllana on rekindling his passion for car racing: “Ang hirap. Ang daming kalawang na pinapagpag.”

Jomari on his quest for Pinoy excellence in the local and global racing circuits: “Ako pipilitin ko na ilapit ito sa tao kasi naniniwala ako sa value ng talent ng Pinoy. Nasa pedigree, e. Meron tayong Dodjie Laurel, the late Dodjie Laurel, champion ng Macao. Ngayon, we have Marlon Stockinger. Nasa dugo natin, e. Kailangan ay merong tumulong at mag-contribute.”


Pagmamalaking ikinuwento ni Jomari Yllana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pagkatapos ng eleven years ay nagbalik na siya sa kinahiligan niyang sport— ang car racing.

Sa nakaraang Manila International Auto Show last April, ipinakilala ni Jomari sa media ang binuo niyang racing team, ang Yllana Racing, kasama na rin ng kanyang team personnel na binubuo ng ilan sa pinakabatikang karerista at race car experts sa bansa.

Kabilang sa plano ng kanyang team ang pag-compete sa Philippine Grand Touring Car Championship ngayong taon.

Panimula niyang kuwento, “Nagpahinga ako noong 2002, ngayon pa lang ako muling bumalik. Kasi ang pakiramdam ko ay kaya ko pa. Kaya pa ng katawan ko.

“Bagong karera yung sasalihan ko. Mas mataas na category, mas malaking kotse at mas mabilis.

“Pero kung ikukumpara ko, dati kasi empleyado lang ako. Driver lang ako dati. Dito, sarili ko na.

“I have a program at sana’y magtuluy-tuloy ang aking goal—bumalik ng karera, maitayo ko yung team at makatulong sa motor sports industry... makatulong sa automotive industry.

“May ma-contribute man lang ako bago ako mag-retire at kapag tumigil ako ay may mai-share pa rin ako.

“Siguro, magturo. Gusto kong mag-develop ng mga bagong driver.

“Yun din ang gusto ng anak ko, e. Yun ang gusto ni Andrei. Kaya gusto ko, kahit papaano ay prepared ako kung yun talaga ang gusto niya.”

Si Andrei ay ang 15-year-old son ni Jomari sa aktres na si Aiko Melendez.

PREPARATIONS. Sa kanyang pagbabalik sa car racing, anong mga preparasyon ang kanyang ginawa considering na may edad na rin siya at matagal nga siyang hindi humawak ng manibelang pangkarera.

Paliwanag ng 38-year-old car racer, “Ang hirap, ang hirap... ang daming kalawang na pinapagpag, di ba?

“Tapos, pag sarili mong team ay masalimuot— team principal tapos driver pa.

“So, it’s like a production sa TV, na kung ikaw ang producer, sakit ng ulo mo lahat. Pagsamahin mo yun na ikaw pa ang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang heto nga, sa akin ang sakit ng ulo which is hindi ako sanay. Kahit sa concert producing, hands-on ako.

“Pero dito ay natututo akong mag-delegate ng bawat department. Maglalagay ako ng head sa bawat department. Mabawasan ang load sa katawan ko.

“Okay din, it’s all about team work.”

TEAM COMMITMENT. Paano niya pinaghahalo ang pagiging team manager sa pagiging car racer? Wala bang conflict ito sa dalawang responsibilidad niya?

Aniya, “It’s delivering what is expected of you and what you promised.

“Lalo na sa mga sponsors namin tulad ng Brembo at marami pang iba. Kung anuman yung napag-usapang exposure na mabibigay namin, kailangang panindigan namin.

“Nangako akong mananalo kami, so, kailangan naming manalo. Hindi ko nga lang sinabi kung kelan.

“Mahirap, e. With this exposure, we have to deliver everything dun sa value na napag-usapan. Yun ang mahirap.

“Exposure, madali kasi nandito naman tayo sa industriya na lagi tayong nakikita. Madali tayong mag-promote pero yung manalo sa karera, napakahirap.”

Bilang isa sa frontrunners ng sport na ito, paano ba niya ito ibinababa sa masa para mas lalo pa itong ma-appreciate.

Ang car racing kasi ay kilala bilang isang pangmayaman na hilig at mayayaman din lang ang mas nakaka-appreciate.

Paliwanag ng Gwapings alumnus, “Ang may kayang kumarera talaga kung tutuusin ay yung may budget. Pero lahat naman ng klase ng karera ay may kanya-kanyang budget.

“Ako pipilitin ko na ilapit ito sa tao kasi naniniwala ako sa value ng talent ng Pinoy. Nasa pedigree, e.

“Meron tayong Dodjie Laurel, the late Dodjie Laurel, champion ng Macao. Ngayon, we have Marlon Stockinger. Nasa dugo natin, e.

“Kailangan ay merong tumulong at mag-contribute.

“Ako, I’m contemplating na, bago dumating yung hindi ko na kaya ay magsisi ako na wala akong nai-contribute. Kaya habang kaya ko pa at bata pa ako, gumagawa na ako ng paraan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOW IT ALL STARTED. Looking back, paano nga ba siya nagkaroon ng interest sa pagkakarera?

Pagbabalike-tanaw niya, “Parang inborn ’yan sa akin, e. Wala namang ganyan sa pamilya namin. Wala naming karerista sa amin.

“Yung sa pamilya ng Daddy ko, puro sila mga pari, yung sa lola ko puro madre,e... doctor, military...

“Naalala ko nung bata ako, yun ang gusto ko, e. Ganyan ang gusto kong gawin kasi alam kong kaya ko.

“Kaya nung lumaki na ako, pinursige ko talaga siya.”

Meron na ba siyang karanasan na halos mawala ang interest niya sa mga kotseng pangharabas?

Nag-isip muna siya bago sumagot, “Maraming aksidente sa larangan ng karera.

“From the past… I remember in 1997, I wrecked a car in a competition in Batangas. Wala e, kasama ’yan, e.

“We take calculated risks pero sa akin, dun sa vicinity ng motor sports ay ganun talaga. Ang advocacy ko na gusto ko ring i-address ay yung road safety din sa mga kalye.

“Para sa akin walang dahilan na naaksidente o nasasaktan sa kalye na hindi totoong aksidente. Marami pa tayong pagkukulang sa ating mga daan.

“Doing this na nagbabalik ako sa karera ay gusto ko na maibahagi sa kanila na huwag gawin sa kalye ang hindi magandang practices.

“Huwag gawing karerahan ang mga kalye. May venue tayo para d’yan— sa race track. May dalawa tayong standard na race tracks sa Pilipinas.

“Nakakalungkot mang isipin na ang aksidente sa race track ay hindi natin maiiwasan kasi competition ’yan.

“Pero, mas gugustuhin ko naman na merong nasasaktan sa race track kaysa sa daan.

“Kung titingnan natin, mas malaki naman ang bilang ng mga naaksidente sa race tracks kumpara sa mga aksidente sa daan.

“Yun nga lang, ang karamihang dahilan ng aksidente sa daan ay yung nagmamablis.”

PLANS. Sa ngayon nga ay malaki ang plano niya sa pag-organisa niya para sa sport na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Jomari, “I plan to have this series of GT Championships. Mga two years yung preparation kasi parang sarili ko nang team.

“Sarili ko nang sasakyan. Bagong team. Bagong kotse.

“I’m supported by Hyundai— yung Hyundai Philippines, ang Hyundai Genesis. Sports nila yung inihahanda namin for competition.

“Among others nandiyan nga ang Brembo, ang Rapide... maraming sponsors na pumapasok.”

Dagdag pa niya, “I started in 1996 noong pumasok ako sa professional level. I started as a rookie.

“Circuit racing na kaagad yung start ko.

“Nanalo ako ng Rookie of the Year. First runner-up overall. Kasama ko sina Ricky Dy-Liacco, champion ng go-kart racing, yun ang simula ko with Toyota.

“It opened the doors. Second year, mas mataas na category na. Naging team mate ko yung champion na Thai. Still with Toyota Team Toms from 1996 to 2002.

“Masasabi kong naging fruitful ang experience ko dito. Maraming challenges pero marami ring glories. Masarap balik-balikan at ipagpatuloy,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN