Director Jade Castro on the rescheduled playdate of My Lady Boss: “Ang concern nila yung Iron Man 3, dun sila natakot.”

Direk Jade also reveals: “Pero yung tungkol po sa John Lloyd/Sarah [movie], I think hindi naman nila masyadong concern yun, ang concern nila yung Iron Man 3, dun sila natatakot dahil parang ang lakas-lakas nung Iron Man 3. So, hindi pa magandang playdate yung April. Dagdag na nga din po dun yung pinapaganda pa yung pelikula, talaga pong sensible na iurong yung playdate.”


“Well, actually po si Yan [Marian] hindi ko first time na ma-direk.

“Nag-cameo siya sa isa kong pelikula, yung Zombadings 1. Lumabas siya dun bilang arbularyo. So alam ko na na mag-e-enjoy ako kay Yan na isang buong pelikulang kasama ko siya.

“Si Chard [Richard] first time kong makatrabaho at nagulat ako kung gaano siya kasarap katrabaho dahil tulad ni Yan.

“He’s a hard worker and he’s very relaxed sa set, at saka pareho kasi silang may ano e, napakaganda ng chemistry nilang dalawa kaya hindi mahirap for me.

“Nag-enjoy talaga ako ng every day na shooting namin,” umpisang pahayag ni Direk Jade Castro tungkol sa pelikula niyang My Lady Boss na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Nakausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Direk Jade sa presscon ng My Lady Boss nitong nakaraang Huwebes sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Supposedly ay noong April sana ito ipapalabas pero na-reschedule nga sa July 3, at may lumabas na isyung iniwasan nila ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo noong Abril.

“Yun pong paglipat ng playdate ay desisyon po ng GMA Films at ng Regal [Entertainment, Inc.].

“Ang totoo po, ayon sa kanila, at sinusuportahan naman namin yung desisyon nila, ang paglipat ay dahil naghanap ng mas magandang playdate.

“Pero nung April din po, kakatapos lang namin ng shooting nun, e. Nagpu-post production pa kami at gipit din talaga sa oras.

“Pero yung tungkol po sa John Lloyd/Sarah [movie], I think hindi naman nila masyadong concern yun, ang concern nila yung Iron Man 3, dun sila natakot dahil parang ang lakas-lakas nung Iron Man 3.

“So, hindi pa magandang playdate yung April. Dagdag na nga din po dun yung pinapaganda pa yung pelikula, talaga pong sensible na iurong yung playdate.

“At ito na nga po, July 3 na po, at ito sigurado na ang lahat na ito na yung best playdate para sa My Lady Boss at tapus na tapos na ang pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni direk Jade na…

“Isang postponement lang ang nangyari, April 10 dapat, ayun naging July 3.

Ang expectations niya sa pelikula nila...

“Hindi ko mahulaan e, pero hoping na tangkilikin ng marami ang palabas dahil mag-e-enjoy sila, dahil nakakatawa siya, romantic siya and ibang Marian at Richard ang makikita ninyo sa pelikulang ito.

“Nag-e-expect ako ng positive response. Hindi ko lang mahulaan kung ano yung sasabihin ng mga fans pero ang pakiramdam ko, mag-e-enjoy ang lahat.”

Nag-enjoy rin daw si Direk Jade na panoorin ang ilang ulit na takes ng kissing scene nina Marian at Richard sa pelikula.

“Actually po hindi ako nahirapan dun, ang chemistry talaga nila from the start, nandun na, and they really work well together, they’re very professional so hindi mahirap gawin yung kissing scene.

“Hindi ko na sila kailangang bigyan ng maraming instructions, maganda pong lumabas yung kissing scene kasi akmang-akma po dun sa mga pangyayari dun sa kuwento and emotionally very correct and provocative yung kissing scene,” pagmamalaki niya.

Ang bagay na nadiskubre ni Direk Jade kay Marian habang ginagawa ang kanilang pelikula…

“Sobra siyang prepared, sa simula pa lang involved na si Marian and nakita ko kung gaano siya ka-professional talaga at gaano siya kabusisi bilang artista.

“Hindi ko akalain na ganun siya kagaling in terms of preparation.”

Ang mga isyu na suplada at mataray si Marian ay never nakita ni direk Jade sa aktres.

“Iyon nga e, maraming nagsasabi tapos hindi ko naman siya, even before sa Zombadings may narinig akong ganun, e.

“Pero hindi ko talaga nakita iyon and siguro dahil magkasundo din kami ni Yan, para kaming naglalaro pag nasa set kami so hindi ko nakita yung sinasabi nilang mataray o ano.

“Ang nakita ko, yung sense of humor, ang nakita ko masipag at tsaka collaborative artist,” patuloy niyang paghanga kay Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw niya nakitaan ng negatibong attitude si Richard kahit may mga issues tungkol sa personal na buhay ng aktor.

“Professional din siya pero tulad ng mga ibang mga artists, nakita ko both yung introspective side ni Richard at tsaka yung kanyang growing side.

“Hindi ko naman nakita na parang meron siyang mabigat na problema kasi hindi naman naging sagabal, parang wala namang naging hadlang sa trabaho niya.

“Pero nakita ko minsan yung, ito palang si Richard meron din siyang mga quiet moments, meron din siyang... mapag-isip din siya so hindi ako nagugulat dun sa sinasabi na magpi-filmmaking [course] siya.

“Nabanggit din niya sa akin yun e, na parang gusto niyang subukan. I think bagay nga sa kanya, e,” saad niya.

Nakikialam ba si Richard sa pagdidirek niya?

“Hindi. Ako naman kasi as a director collaborative talaga ako, e.

“So, yung pangingialam na kung tawagin ng iba, para sa akin is collboration.

“At wine-welcome ko yun. Ganun kaming lahat; si Richard, si Marian din may input tapos nagbabatuhan kami ng ideas.

“Minsan nire-reject ko pag hindi ko gusto, tapos minsan maganda tapos sinasama namin sa pelikula.

“Yung personal wala kaming masyadong napagkuwentuhan tungkol sa lovelife niya although one time nakita ko sila ni Sarah [Lahbati], magkasama sila sa ospital.

“Pero hindi dahil... hindi ko alam... hindi dahil buntis si Sarah, may injury si Chard, naka-wheelchair si Chard, sa Medical City, noon pa yun, nung siguro mga early part of the year.”

Ang comment ni Direk Jade na since na-delay ang showing nila, sinasabi ng iba na baka hindi na kumita ang pelikula...

“Hindi ko alam e, hindi naman talaga ako expert pagdating sa hulaan kung kikita o hindi.

“Parang malaking bahagi kasi dun, marketing, at saka yung tamang playdate, yung ganun. So hindi ko mahulaan.

“Pero kung ang pagbabatayan lang ay yung quality ng pelikula, kung iyon lang, ang hula ko, tatangkilikin siya,” pangwakas niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN