Kristoffer Martin on constantly pushing himself as an actor: “Hindi ako magbibigay ng five lang na rating sa sarili ko. Gusto ko laging ten.”

Kristoffer on the importance of good media relations: “Importante para sa akin ang magandang relationship sa press kasi kayo ang bumubuhay, e. Kayo yung nagpapaingay ng pangalan namin. Para sa akin nga ay gusto ko talagang maging friendly as much as possible kasi yung ibang tao ay nami-misinterpret nila na suplado ako. Nagiging seryoso ako kasi yun ang first impression nila sa akin.”


Kinumusta ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer Martin.

Ang 18-year-old na aktor ay itinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang Oros noong nakaraang 10th Golden Screen Awards for Movies noong Abril.

Ayon sa young actor sa set ng Kakambal ni Eliana nitong nakaraang Friday, June 21, “Okay naman.

“Ako kasi, hindi ko naman masyadong sini-sink in yun [award] kasi ang tendency nun ay magiging parang kampante ako sa trabaho ko.

“Yun ang iniiwasan ako. Ako kasi, yung award na ’yan, it serves as my inspiration na nanalo pero hindi ko binabasta-basta yung award, hindi ko basta kinuha ang award.

“Kumbaga, pinaghirapan ko at pinatunayan ko ang sarili ko.”

Kampante siya na tanggap naman ng publiko ang pagkapanalo niya noon.

Aniya, “So far, wala naman akong naririnig na negative sa akin. Puro positive naman.

“Pero, hindi ko rin masabi kasi malay natin na baka hindi lang nakarating sa atin.

“Kung meron man, sa akin, wala lang. Dededmahin ko na lang.

“Yung sa akin naman, hindi ko alam na nominated ako, nalaman ko na lang agad. Sinabi ko nga na magpi-perform na lang ako para di masayang ang punta ko.

“Tapos nanalo pala ako. So, hindi biased yung award at saka ENPRESS naman yun. So, kung meron man, opinyon na nila yun,” saad niya.

GOOD RAPPORT WITH MOVIE PRESS. Dahil award nga yun galing sa grupo ng manunulat, kinumusta din namin ang relasyon ni Kristoffer sa movie press.

Kaswal na sagot ng Kapuso actor, “Okay naman. Actually lahat naman kami. Turo ’yan ng Artist Center— na maging mabait sa press.

“Actually kahit hindi naman ituro, dapat talaga ganun, e. Bahagi sila ng industriya natin.

“Mahirap na yung may masabi. Kailangan sa lahat ay open ka. Kailangan sa lahat ay humble ka.

“Kasi, kayu-kayo din lang naman ang magkikita-kita, e. Umiikot lang naman tayo sa isang mundo. Iisa lang ang ginagalawan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, mas okey kung lahat ay kaibigan.”

Meron kasing mga artistang iba ang tingin at dating sa movie press. Kaya nga nauuso ang salitang antipatika o antipatiko dahil sa ganitong attitude ng ibang stars sa mga manunulat.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Ako kasi ayaw kong magsalita para sa ibang tao, na baka iba ang nasa isip nila o dinadala nila.

“Kung ano ang ibig nilang sabihin na baka iba ang sa isip ng iba. Basta para sa akin, masarap maging kaibigan ang movie press.

“Importante para sa akin ang magandang relationship sa press kasi kayo ang bumubuhay, e. Kayo yung nagpapaingay ng pangalan namin.

“Ako kasi yung isang klase ng tao na tao lang. Hindi porke’t press ka ay kailangan kita na… yung hindi aral.

“Para sa akin nga ay gusto ko talagang maging friendly as much as possible kasi yung ibang tao ay nami-misinterpret nila na suplado ako.”

Dugtong pa niya,“Nagiging seryoso ako kasi yun ang first impression nila sa akin.

“Ang tingin nila, ’Ay, ano ba ’yan, ang yabang!’ Kasi tuwing lalakad ako, nakasimangot lang ako... seryoso ang tingin ko.

“Pero kapag nakilala mo naman ako, sobrang jolly. Ganun ako.

“At saka, you can’t please everyone, di ba?”

NEGATIVE REVIEWS? Ano ba ang naisulat na sa kanya na nakaapekto sa kanya, kung meron man?

Mabilis niyang tugon, “Yung pagtanggap ko nga nung award. Kasi may nabasa ako na, ’Kristoffer Martin, ang yabang ng dating.’

“Ang nakalagay pa dun na, ’sa speech niya, masasabi na niyang isa na siyang actor. Ang hangin ng dating.’

“Para kasi sa akin naman, ’Ha? Proud lang kasi ako sa na-achieve ko. Bakit kailangang i-write up ako ng ganun.’

“Yun nga ang sinasabi ko na, ’you can’t please everyone.’ Kaya sabi ko, ’okay lang, sige lang.’ Wala naman akong problema sa sarili ko, kayo ang may problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ang ginagawa na lang niya ngayon ay mas lalong pagbutihin ang kanyang pag-arte para mas lalo niyang mapatunayan na ang award na yun ay isang well-deserved award.

“Sa totoo lang, hindi naman niya [yung writer] alam na hindi ko deserved yung award.

“Ang tinira niya sa akin ay yung pagiging mahangin ko nga daw sa pagtanggap ng award.

“Siguro na-misinterpret lang ng writer na ito ang kilos ko at yung tingin ko.

“Ang sa akin lang, hindi mo ma-plano ang lahat na yun kasi biglaan ang pagkapanalo ko, e.

“So, kung ano ang emosyon na nararamdaman mo, yun ang lalabas, di ba? At kung ano ang maisip mo that time, yun ang sasabihin mo.

“Sa speech ko naman, parang wala naman akong… pinasalamatan ko pa nga sila.”

CONSCIOUS ABOUT ROLES. Naging mas conscious na ba siya sa kanyang pag-arte sa ngayon? Na kailangan sa bawat portrayal niya sa isan role ay kailangang pang-award ito?

Dagling pahayag ng award-winning actor, “Ako kasi, hindi ko sinasanay ang sarili ko na ’wag panoorin ang sarili ko pag pini-preview namin.

“Kasi kapag nakita ko ang mali ko, mas lalo akong naku-conscious. Kasi sa akin kapag pangit ay babaguhin ko talaga, e.

“Minsan lalo na kapag alam mong ang ganda-ganda ng eksena ay gigil na gigil din akong mapanood s’ya. Yun, pinapanood ko.”

PRESSURE. Advantage din sa kanya ang pagkakaroon ng isang acting award considering na isa nga siyang baguhan at ilang taon pa lang siya sa pag-arte.

“Oo nga, e,” sambit niya. “Diyan sa ENPRESS parang sinabi nila na ako yung pinaka-youngest na nakatanggap ng Best Supporting Actor trophy sa kanila.

“Malaking bagay yun sa akin pero aminado ako na merong pressure naman.

“Kasi sina Direk, pinu-push nila ako na. ‘O, may award ka na. May title ka na. Hindi basta-basta ’yan. Kailangang trabahuhin natin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ’yan naman sila na naka-suporta sa akin. Very supportive naman sila dun sa title na natanggap ko.”

Sabi pa niya, “Gusto ko kasi kung ano ang kayang ibigay ay ibibigay ko talaga. Hindi ako magbibigay ng five lang na rating sa sarili ko..

“Gusto ko laging ten.

“Actually, in process naman yung paggaling, e. As long as ginagawa mo naman yung dapat mong gawin, made-develop din naman ’yan. Mapapansin ka din naman.

“Basta, tuluy-tuloy ang paggawa mo ng way para mas lalong gumaling pa. Kasi hindi naman porke’t may isang acting award ka na, kampante ka na. Hindi dapat ganun,” pagtatapos ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN